Chapter 20

1.6K 52 3
                                    

"Riza, pwde bang itulak mo yung wheelchair ko papunta sa kabong ni Brix?" Tanong ko sa kanya

"Sige, halika" tapos ay tinulak na nya ako papunta sa unahan.

Nung nasa unahan na ako, tiningnan ko yung itsura ni Brix, sobrang gwapo parin nya kahit na nakapikit lang sya, at kahit hindi na nahinga pa.

"Iwan mo muna ako Riza saglit"

"Sigurado ka?" Tanong nya

"Oo, tatawagin nalang ulit kita"

"Sige, dyan muna ako sa kusina ha" sabi nya, tumango lang ako tapos ay umalis na sya.

Tumingin ulit ako kay Brix. Hindi ko mapigilan na hindi maluha dahil di ko pa rin matanggap na wala na sya at hindi ko na makakasama pa.

Babe, magparamdam ka naman sa akin oh. Promise hindi ako matatakot, gusto ko lang kasing mang hingi ng sorry sayo dahil nagalit ako sayo noon. Please babe, mag pakita ka naman sa akin -

"Bakit kaylangan pa nyang mag pakita sayo, kung pwde ka naman sumama sa kanya" nag tayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko yung boses nya. Dahan dahan akong lumingon sa kanya, at nanlaki yung mata ko nang makita ko si Arleen sa tabi ko. Yung leeg nya may laslas at naagos ang dugo mula dito.

"A-Arleen" nanginginig kong sabi

"Namimiss mo na ba boyfriend mo? Sumama kana sa kanya, tulad nang ginawa ko" sabi nya tapos ay ngumiti sya nang nakakatakot "sobrang miss na miss ko ang kuya ko, at dahil hindi ko kayang mawala sya sumunod nalang ako sa kanya. Gayahin mo ako, magpaka-matay ka na rin, sigurado akong magkikita ulit kayong dalawa" dugtong nya

"Hindi, ayoko! Hindi ko susundin ang gusto mo!" Sabi ko at dahil nag bago ang expression nang muka nya. Yung mga mata nya parang na apoy sa galit.

"Kung ganon, ako nalang ang papatay sayo!" Galit nyang sabi, tapos ay hinawakan nya ang kamay ko.

At sa isang iglap lang nasa loob na ako nang kabaong ni Brix. At si Brix ang nakita kong nakatayo sa labas nang kabaong, nakatingin sya sa akin at nakangisi pa.

"Brix! BRIX!" sigaw ko habang hinahampas ko ang salamin nang kabong.

"Susunod ka na sa kanya" sabi nya tapos ay tumawa sya nang nakakatakot. Yung boses nya, hindi boses ni Brix kundi boses ni Arleen.

"Arleen! Umalis ka sa katawan ni Brix! PAKAWALAN MO AKO DITO!" Galit kong sabi, umiling lang sya tapos ay sinarado na nya yung kabong. "RIZA! PATRICK! TULONG!" Sigaw ko habang pinupukpok ko yung salamin.

Pero kahit anong gawin ko walang nag bubukas nang kabaong. Kaya naman nahihirapan na akong makahinga.

"Riza, Pat....rick" nang hihina na ako, nanlalabo na ang mga paningin ko. "Tulungan nyo ko, please" nang hihina kong sabi.

Please, help me. Hindi na ako makahinga nas-suffocate na ako! -

Hinahabol ko na ang pag hinga ko. At dahil sobra na akong nahihirapan huminga, nawalan na ako nang malay.

...

Riza POV

"Riza, si Alexis?" Tanong ni Patrick, galing sya sa garden at dito sya dumaan sa may pintuan sa kusina.

Ang Kanyang Pag Babalik!Kde žijí příběhy. Začni objevovat