Chapter 15

1.9K 59 7
                                    

Alexis POV

Dinala ulit ako nila Brix sa hospital, buti nalang talaga ligtas na ako. Akala ko kasi duon na sa lugar na yun mawawakasan ang buhay ko. Takot na takot ako non dahil sa nang yari na rin yun saakin. Buti nalang talaga nandyan si Brix, hinding hindi nya ako pinabayaan. Yung pulis naman na tumulong samin umalis na dahil pupuntahan pa daw nya yung kapatid nya na si Sixto.

"Ok naman sya, yung mga pasa nya sa muka ay gagaling din naman agad. At bukod doon wala na akong nakikitang ibang sakit nya" sabi ng doktor

"Buti naman" sabi ni Brix

"Sige mauuna na ako" paalam ng doktor pagtapos ay umalis na sya.

"Babe, ano ba kasing nang yari dyan sa muka mo?" Tanong ni Brix sakin

"Wala, kalimutan nalang natin yung nang yari" sagot ko, hinawakan nya yung kamay ko at halata sa muka nya ang pag-aalala.

"Alam mo akala ko hindi na ulit kita makikita, takot na takot. Hindi ko kasi kayang mawala ka sakin" sabi nya tapos ay hinalikan nya yung likod ng kamay ko.

"Sus ang drama naman ng boyfriend ko. Ok na po ako, so wag ka na po mag alala ok?" Nakangiti kong sabi.

"Ok fine" sabi nalang nya.

"Alexisssss!" Napatakip ako sa tenga ng marinig ko yung boses ni Riza. I think ok na sya dahil bumalik nanaman sya sa pagiging maingay. "Girl kamusta kana?" Tanong nya pag lapit nya sakin.

"Ok na ako, ikaw ok kana ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yup, nakakatayo na nga ako at nakakalakad oh. At sabi ng doktor, pwde na daw ako lumabas bukas" tuwang tuwa nyang sabi

"Buti naman at makakauwi kana"

"Buti talaga, buryong buryo na ako dito sa hospital noh" -Riza

"Eh si Sixto kamusta na sya?" Tanong ko, nagkatinginan naman sila ki Brix saglit

"Ahm, comatose parin sya. Hindi parin sya nagigising hanggang ngayon" sagot ni Riza

"WHAT?! Tss, bakit sya pa yung na comatose? Nadamay lang naman sya! Akala ko pa naman ok na sya!" Naiinis kong sabi

"Babe kalma ok?" Sabi ni Brix

"Eh si Patrick? Nasaan na sya?" Tanong ko at dahil duon kumunot ang noo nilang dalawa.

"Wala nang iwan na yun, iniwan tayo sa gantong sitwasyon" sagot ni Brix

"Ha? Bakit saan sya pumunta?" Kunot noo kong tanong

"Sumama na sya sa daddy nya" sagot naman ni Riza "eh nasaan yung mommy at daddy ni Alexis? Diba kasama nyo sya Brix?" Tanong naman ni Riza kay Brix kaya napatingin ako sa kanya, nanlaki yung mata nya at umiwas ng tingin sakin.

"Nandito sila mom? Nasaan sila?" Tanong ko

"Ka-kasi Alexis..." Napalunok sya "ano eh... ano, ki-kinuha sila ni Marco" nakayuko nyang sabi

"ANO?! Bakit di mo agad sakin sinabi!" Inis kong sabi, tapos ay tinanggal ko yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

"Alexis kasi---"

"Kasi ano?! Bakit kaylangan mong ilihim sakin ha?! Akala ko pa naman ok na ang lahat tapos sila mommy at daddy naman ang nawawala!" Putol ko sa sinasabi nya.

"Alexis sasabihin ko naman eh, kapag nakapag pahinga kana ng maayos, wala akong balak ilihim sayo ok?"

"Kung ganun nasaan sila? Saan dinala ni Marco sila mommy at daddy?!" Tanong ko pero umiling lang sya.

"Hindi ko, alam" at dahil sa sinabi nyang yun di ko na napigilan yung gakit ko, pinag hahampas ko sya gamit ang mga kamay ko.

"NASAAN SILA! NASAAN!" tanong ko habang patuloy ko syang hinahampas

Ang Kanyang Pag Babalik!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora