Chapter 13

2K 70 3
                                    

Brix POV

"Ipatingin mo na kaya yang kamay mo, namamaga na oh" sabi sakin ni Riza

"Hindi na, ok lang 'to"

"Pero ikaw hindi ka ok"

"Paano ako magiging ok, kung ilalayo nila sakin si Alexis. Hindi ko kaya yun"

"Makakaya mo din yun. Ako nga eh, nasasanay na, na wala sya. Sa tingin ko nga hindi na yun babalik si Patrick"

"Tss, ano pa nga ba? Duwag sya eh. Hindi man lang nya tayo kayang paglaban sa tatay nya, mas pinili nyang sumama duon kahit alam nyang kaylangan natin sya dito. Tingnan mo ngayon, nakatengga ako dito kesa hanapin ko yung girlfriend ko!" Inis kong sabi

"Wag kang mag-alala. Simula ngayon hindi mo na ako kailangan bantayan"

"Satingin mo kaya kitang iwan dito? Baka pag iniwan kita dito mag isa kunin ka din ni Marco o kung sino man yun, edi doble alalahanin ko non pag nang yari yun. Tapos sakin lahat ang sisi kasi wala akong magawa pars hanapin kayo"

"Oa mo, hindi din naman ako papayag na mag isa lang ako dito noh. May trauma na ako sa ng yari sakin akin non. Kaya may sasama sakin dito habang hinahanap mo si Alexis" ngumiti sya.

"Sino naman yun?" Kunot noo kong tanong.

"Padating na yun, kakatext lang nya sakin na paakyat na daw sya dito" sabi nya, tapos non ay may kumatok sa pintuan at bumakas yun. Pumasok yung isang lalaking matangkad, maputi, matangos ilong, basta para syang koreano, parang si Sixto.

"Hi" bati nya sakin, tumango lang ako. "Riza, hello" tapos ay lumapit sya kay Riza at nag beso silang dalawa.

"Hi, kamusta byahe?" Tanong ni Riza sa kanya

"Ok lang, kumain kana ba? May dala kasing akong pagkain. Yung favorite mong french fries.

"Talaga? Madami ba yan?" Nakangiting tanong ni Riza

"Oo naman, at hot sauce ang sasawan nito" nakangiti ding sagot nung bisita nya.

"Ehem!" Kunwari kong ubo, para kasing nalilimutan nilang may kasama sila dito.

"Uy, gusto mo fries?" Tanong ni Riza sakin

"No thanks" sagot ko tapos ay tiningnan ko yung lalaki.

"Ah si Christian nga pala. Sya yung dapat kong makakasama sa school kung hindi kami naaksidente" pakilala ni Riza duon sa lalaki.

"Ah, oo natatandaan ko, sya yung binanggit mo non na classmate mo"

"Yup, at sya din yung makakasama ko habang hinahanap mo si Alexis"

"Pero paano ang pag-aaral nya? Baka magaya sya satin na siguradong balik 1st year collage"

"Don't worrt bro, home study na kasi ako. So kung kaylangan dito ko na ituloy yung pag ho-home study ko wag ko lang iwan si Riza, gagawin ko. Nakwento na nya sakin lahat ng nang yari sa inyo nung katext ko sya, kaya naman nandito ako para tulungan kayo"

"So ang tawag na doon, hospital study hindi na home study?" -Riza

"Ganun na nga" sabi ni Christian tapos ay nag tawanan sila at nag high five pa.

Isa lang masasabi ko sa ngayon, pag hindi na bumalik yung Patrick na yun, kahit pogi pa sya, kahit nauna pa syang ligawan tong si Riza, malamang mauunahan pa sya nitong si Christian maging girlfriend tong si Riza. Mukang may pagkakaintindihan narin tong dalawa eh.

Napatingin kami sa pintuan ng biglang bumukas ito, at pumasok dito si sir Kim.

"Brix, i have a good news and bad news" sabi nya pag lapit nya sakin.

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now