Chapter 16

1.7K 54 8
                                    

Christian POV

"Chris" tawag sakin ni Riza kaya lumapit ako sa kanya. Nakahiga na kasi sya sa kama para makapag pahinga narin sya.

"Bakit?" Tanong ko

"Thank you, kasi nandito ka para tulungan kami kahit papaano" nakangiti nyang sabi.

"Walang ano man" nakangiti ko rin sabi sa kanya. "Sige na tulog kana" utos ko sa kanya

"Ok, ahm si Alexis pwde bang puntahan mo sya? Mas lapitin kasi ng gulo yu eh. Silipin mo lang kung ok lang sya"

"Ok sige, babalikan din kita agad" sabi ko, nag nod lang sya tapos ay umayos na ng higa, kinumutan ko muna sya at tapos ay lumabas na ako.

Di naman malayo yung room ni Alexis, so nakapunta ako duon agad. Pero nasa pintuan palang ako, alam ko ng may nang yayaring di maganda sa loob dahil may patak ng dugo sa labas ng pintuan at pati narin sa doorknob, kaya naman agad kong binuksan yung pintuan.

"Alexis!" Sabi ko, nakita kong syang naiyak habang yakap yakap nya si Brix. "Bro?... Anong ng yari?" Tanong ko

"Tulungan mo kami, tumawag ka ng doctor bilis! Baka maubusan na sya ng dugo!" Utos nya

"O-ok sige" sabi ko at agad akong tumakbo palabas ng kwarto nya para makahanap ako ng doctor.

At nung makahanap ako ng doctor agad kaming pumunta sa kwarto ni Alexis kasama ng iba pang nurse.

"Anong ng yari?" Tanong ng doctor habang nililipat si Brix sa hospital bed.

"Hindi ko po alam, pumasok po sya dito na duguan na sya. Tapos ayan po, nawalan na sya ng malay" sagot ni Alexis habang iyak sya ng iyak.

"Doc, may saksak po sya kanang tagiliran nya" sabi nung isang nurse.

"Kaylangan na natin syang dalahin sa ER baka maubusan pa sya ng dugo, tara na!" Utos ng doctor kaya naman agad na nilang dinala sa ER si Brix

"Pupuntahan ko sya" sabi ni Alexis

"Teka teka, di mo kaya mag lakad. Kukunin ko muna yung wheelchair mo" sabi ko tapos ay kinuha ko yung wheelchair nya na nasa gilid lang. Tapos tinulungan ko syang sumakay dito "dahan dahan lang"

Nung nakasakay na sya sa wheelchair nya agad kaming pumunta sa ER. Papasok sana kami sa loob pero pinigilan kami ng mga nurse dahil hindi daw pwde. Baka daw kasi makagulo kami sa ginagawa nila.

"Alexis tahan na" sabi ko sa kanya, kanina pa kasi sya iyak ng iyak.

"S-si Brix, paano sya? Nagalit pa naman ako sa kanya kanina tapos ngayon nag aagaw buhay na sya" sabi nya sabay iyak ng malakas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sya ico-comfort dahil hindi naman kami close dalawa.

"Ahm gusto mo tawagin ko si Riza para samahan ka dito?" Tanong ko, tumango lang sya "sige wag kang aalis dito ok? Saglit lang ako!" Tapos ay tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Riza.

Pagdating ko duon, medyo nagulat pa sya ng bigla kong buksan yung pinto. Mukang galing sya sa banyo.

"Oh, may problema ba?" Kunot noo nyang tanong

"Riza kaylangan natin pumunta ng ER, tara na!" Tapos ay inalalayan ko sya palabas ng kwarto.

"Teka teka anong gagawin natin sa ER? Ok na ako" pagtataka nyang tanong

"Nanduon kasi si Brix, iniwan ko sa labas ng ER si Alexis kaya kaylangan natin bumalik agad duon dahil wala syang kasama" sagot ko.

"Ha? Bakit nasa ER si Brix?"

"Nasaksak daw sya, bilisan na natin"

"Ok sige tara na!" Tapos ay nag madali na kaming maglalakad.

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now