Chapter 9

1.9K 65 4
                                    

Brix POV

Agad kaming pumunta ni Max kung saan namin pwde panoorin yung kuha ng cctv dito. Madali lang kaming inasikaso dahil sila pala may ari nitong hospital na 'to. Kasama rin namin yung mommy nya at yung mga pulis na tinawag nya para maimbestigahan ang nang yari.

"Sa likod sila dumaan. Naka wheelchair si Alexis" sabi ni Max.

"Ito, ito... Zoon natin" sabi nung nag momonitor ng cctv.

Pinanood namin ang kuha. At nakita ko duon na walang malay si Alexis.

Bwiset ka talaga Marco! Anong ginawa mo kay Alexis! -

"Kuha yung plate number ng kotse nya" -Max

"Sige kukunin namin yung plate number para malaman namin kung sino ang may ari ng sasakyan at malaman namin kung saan 'to makikita" -Pulis

"Siguraduhin nyong mahahanap nyo sya ngayon mismo!" Sabi ko

"Gagawin namin lahat sir para mahanap agad sya, aalis na kami" sabi ng pulis pag tapos ay umalis na sila.

"Iho, sorry sa ng yari. Hayaan mo tutulong kami na mahanap namin agad ang girlfriend mo" sabi ng mommy ni Max

"Ok" yun lang ang sabi ko pag tapos ay lumabas na ako sa cctv room.

Nag lakad ako pero di ko alam kung saan ako pupunta. Parang wala ng matinong bagay na napasok sa isip ko. Uuwi na kasi ang parents ni Alexis galing sa Cebu, sigurado ako na bukas nandito na sila. Pero paano yun, nawawala si Alexis! Paniguradong magagalit sila sakin kasi pinabayaan ko anak nila, baka ilayo nila sakin si Alexis! At isa pa hindi ko alam kung kamusta na si Alexis dahil hindi ko pa sya nakikita, baka kinuha sya na hindi pa totalling gising. Kawawa naman ang girlfriend ko, nahihirapan na nga sya sa lagay nya tapos hawak pa sya ni Marco! At ako na boyfriend nya nandito lang, walang magawa!

"URGH!!!!!" Sigaw ko, gusto ko mag wala! Gusto kong patayin si Marco dahil sa ginawa nya! Sumosobra na sya! Papatayin ko sya pag nakita ko sya! Papatayin ko sya!!!

"Brix" tumingin ako sa tumawag sakin, si Patrick.

"Ano?" Wala kong ganang tanong.

"Kamusta na si Alexis? Napuntahan mo na ba sya?" Napakunot yung noo ko sa tanong nya, tinext nya sakin kanina kung saan ang kwarto ni Alexis kaya napuntahan ko 'to agad kanina, pero wala na sya. Kinuha na sya ni Marco pero hindi nya alam.

"Nasaan ka bang planeta ha! Hindi mo alam na nawawala si Alexis?!" Sya naman yung napakunot ang noo sa sinabi ko.

"Na-nawawala sya? Pero iniwan ko sya duon na gising na ha"

"Gising na sya? Hindi ko man lang nakita na gising na sya, hindi ko man lang nakamusta yung lagay nya" naiiyak kong sabi "BAKIT MO KASI SYA INIWAN PRE! Nakuha tuloy sya ni Marco!, sana hindi mo sya iniwan. Sana inintay mo muna ako dumating!"

"A-ano? Kinuha sya ni Marco?.... Teka s-si Riza!" Pag tapos ay tumakbo na sya. Halata sa muka nya ang pag aalala na baka pati si Riza eh may ng yari nang masama.

Alexis... Patawad at wala akong magawa para hanapin ka -

...

Patrick POV

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Riza dahil baka may ng yari din sa kanyang masama. Pero pag pasok ko nakahiga parin sya, mahimbing na natutulog at ang daming aparato na nakalagay sa kanya. Para akong nang hina dahil sa kalagayan nya. Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan at tapos ay umupo ako sa upuan na nasa gilid ng kama nya.

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now