PROLOGUE

6.8K 130 17
                                    

"Sige Alexis takbo!!!!" Sigaw nya. Pilit ko syang tinatakasan. Bakit pa kasi sya bumalik! Bakit nya pa kami ginugulo?!

"TIGILAN MO NA 'TO TAMA NA!" sigaw ko habang natakbo. Kasabay nang pag tulo ng pawis ko ang pag patak ng ulan.

Nasaan kana ba Brix?

"TITIGIL LANG AKO PAG NAGING AKIN KANA! PERO HABANG MASAYA KA SA IBA! HINDING HINDI KITA TITIGILAN!" Nilingon ko sya. Tumatakbo na din sya, nakakatakot ang muka nya. Nanlilisik ang kanyang mga mata.

*boogsh!* napada ako.

"Ah!" Daing ko. Tumayo ako agad pero nahawakan na nya yung braso ko.

"Huli ka!" Sabi nya

"Bitiwan mo ko!" Pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa braso ko pero ang lakas nya! Para syang takam na takam sakin.

"Hindi na kita bibitiwan mahal ko" sabi nya at ngumiti sya. Nakakatakot talaga sya

"BRIX! BRIX TULONG!" sigaw ko. Bigla nalang nya akong sinampal at halos mabingi ako sa sobrang lakas nun.

"WALA NA SI BRIX! KALIMUTAN MO NA SYA DAHIL PINATAY KO NA SYA!" galit na galit nyang sabi.

"HAYOP KA!"

"OO HAYOP NA KUNG HAYOP! PERO ITO TANDAAN MO, AKIN KANA NGAYON!" Nilabas nya yung kutsilyo. Pag tapos dahan dahan nya yun hinawa sa muka ko.

"Ahhh.. Ahhh!" Ang sakit sobrang sakit!. Naramdaman kong naagos na yung dugo mula sa muka ko. Pag tapos sunod nyang hiniwa yung damit ko. "Tama na! Parang awa mo na tama na!" Iyak na ko ng iyak. Hindi ako makalaban sa kanya.

"ALEXIS!" nabuhayaan ako ng loob ng marinig ko yung boses ni Brix.

"BRIX! BRIX TULONG!" Sigaw ko

"WALA NA SYA PATAY NA SYA!" sabi nya sakin

"HINDI! HINDI PA SYA PATAY! BUHAY PA SYA! TUTULUNGAN NYA AKO DITO! TUTULUNGAN AKO NG TAONG MAHAL KO!" nakita ko yung galit sa muka nya.

"MANAHIMIK KA! AKO LANG DAPAT YUNG MAHAL MO!" tinaas nya yung kutsilyo at tinarak ito sa kaliwa kong dibdib

"AHHHH!"

"ALEXIS!" sigaw ni Brix at naramdaman kong sinampal nya ko kaya napadilat ako.

Panaginip.. Isang masamang panaginip lang pala. Akala ko totoo na, akala ko bumalik na talaga sya.

Tumingin ako kay Brix, nakita kong puro dugo ang damit nya.

"Anong ng yari sayo?" Nag aalala kong tanong.

"Nasa baba sya Alexis. Tumakas kana, papatayin kana nya. Bumalik sya... Bumalik sila" takot na takot nyang sabi. Pag tapos nawalan na sya ng malay.

"Brix? Brix?" Inalog ko sya pero hindi sya nagalaw "BRIX!" niyakap ko sya ng sobrang higpit at umiyak ako ng umiyak. Hindi ko kayang mawala sakin yung taong mahal ko. Please wag sya.

....

A/N : Yes, ito na po ang BOOK 2 ng HNIA. May idadagdag na akong NEW CHARACTERS.

Sorry sa lahat ng makikita nyong typos, wrong grammar etc.

Enjoy reading :)

Ang Kanyang Pag Babalik!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon