Chapter 21

1.7K 60 3
                                    

Alexis POV

Marami na ulit ang taong nakikiramay dito. Sila Patrick at Riza naman pinapanood yung cctv. Di ko sila masi-sisi kung di sila naniniwala sa akin kaya pinapanood pa nila yon, miski naman kasi ako hindi ako makapaniwala sa mga nang yari kanina.

"Sya nga yon" sabi ni Sixto habang tinitingnan nya si Brix. Nakatayo sya, habang ako nakaupo sa upuan sa bandang likuran nya.

"Ang alin?" Kunot noo kong tanong

"Yung lalaki sa hospital at yung lalaki sa panaginip ko. Sya yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon" sagot nya tapos ay umupo sya sa tabi ko. "May sinabi sya sa panaginip ko, ang sabi nya wag mo syang sasaktan, wag mo syang paiiyakin, mahalin mo sya tulad nang pag mamahal ko sa kanya, ikaw lang yung pinagkakatiwalaan ko ngayon na wala na ako..... Nung una, di ko maintindihan yung sinasabi nya, kasi di ko naman kilala yung sya na sinasabi nya dahil miski sya di ko matandaan kung sino sya. Pero nung nagisin ako at narinig ko yung pangalan mo na binanggit ni Seven (sir Kim) habang may kausap sya sa cellphone, duon ko natandaan ang lahat tungkol sayo" sabi nya sabay tingin sa akin "tapos non, iba na yung naramdaman ko. Bumilis yung tibok nang puso ko nung maalala kita" dugtong niya

Napangiti naman ako, hindi dahil sa bumilis yung tibok nang puso nya dahil na alala na nya ako. Kundi dahil sa mga sinabi nya nung nakita nya si Brix sa panaginip nya. Mahal na mahal talaga ako ni Brix, kaya naman ayaw nya akong maiwan mag isa, kaya hinabilin nya ako sa taong alam nyang kaya nya akong protektahan. At ang nakakatuwa lang, duon pa sa taong pinag seselosan nya sya nag tiwala. Ibang klase talaga si Brix.

"Salamat ha, kasi sinabi mo yung tungkol sa panaginip mo kay Brix... Pero Sixto, kung gusto mo ako, pasensya na ha. Hindi ko pa kayang palitan si Brix sa puso ko eh. Sorry" sabi ko, ngumiti naman sya.

"Ok lang, sa totoo lang naguguluhan pa rin naman ako eh. Siguro kaya lang ganon lang yung naramdaman ko nung maalala kita kasi sa wakas, may naaalala na ako kahit papaano. Siguro wala naman malisya yon, pero gusto ko parin makasigurado kaya hindi ako aalis sa tabi mo. Dito lang ako" sabi nya, tumango nalang bilang tugon sa kanya.

...

*kinabukasan...*

Maagang nagka misa dito sa lamay ni Brix, kaya maaga rin natapos, binasbasan nung pari yung bahay at pati narin ako dahil sa nang yari kagabe, para daw hindi na ako gambalain pa nang kaluluwa ni Arleen.

"Alexis, nandito na parents ni Brix" sabi ni Riza

"G-ganon ba? Ok" sabi ko, medyo kinakabahan ako. Baka sumbatan nila ako.

Pagpasok nila dito sa loob, seryoso lang ang muka nang daddy at mommy ni Brix na nakatingin sa kabaong nya.

"Tito, tita" sabi ko, pero hindi nila ako pinansin. Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makalapit na sila sa kabaong nang anak nila.

At doon, doon ko lang sila narinig umiyak.

"Anak, bakit mo naman kami iniwan agad? Di ba ang sabi mo susunod ka pa sa amin nang daddy mo sa New York, paano mo na magagawa yun kung sa ibang lugar ka na pumunta?" Naiyak na sabi ni tita, si tito naman hindi naimik pero iyak rin sya nang iyak.

"Tita, tito, sorry po" sabi ko kaya napatingin naman sila sa akin. "Kasalanan ko po ang lahat, kasi wala po akong magawa para iligtas sya" sabi ko tapos ay yumuko dahil ayokong makita yung muka nila na puno nang galit, tapos ay hinanda ko na yung sarili ko para sa masasakit na sasabihin nila.

Pero ang akala kong magagalit sila sa akin ay hindi pala. Dahil niyakap ako ni tita.

"Anak, bago pa kami umuwi dito alam na namin ang lahat. Kaya wag mo sisihin ang sarili mo" sabi nya tapos ay kumalas na sya nang yakap sa akin at inangat nya yung ulo ko para tumingin sa kanya. "Mahal na mahal ka nang anak ko, tandaan mo yan ha" sabi nito, at ngumiti sya nang pilit.

"Pero tita... Wala na po sya, iniwan na nya po tayo" pumatak na naman ang mga luha ko nang dahil doon.

"Tahan na, siguro kami iniwan na nya. Pero ikaw hindi" sabi ni tita tapos ay tumingin sya kay tito at tumango dito.

May kinuha si tito sa bulsa nya at inabot sa akin. Bago ko yon tanggapin pinunasan ko muna ang mga luha ko.

"A-ano po ito?" Kunot noo kong tanong habang nakatingin sa isang maliit na box.

"Buksan mo iha" sabi ni tito, kaya naman ay dahan dahan kong binuksan yung box. Nung nakita ko yung nasa loob non nanlaki ang mga mata ko, isa syang sing-sing "pinagawa yan ni Brix sa amin, nakiusap sya na ipagawa yan para sa nalalapit nyong 1st anniversary" sabi ni tito.

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko sa mga naririnig ko habang nakatingin sa sing-sing.

"Gusto nya daw na maging especial yung anniversary nyo kaya naman nag pagawa sya nang promise ring, para mapatunayan na iyong-iyo lang sya. Balak nya na sya mismo mag bigay nyan sayo, pero hindi na nya magagawa yon eh.... kasi wala na sya" paliwanag ni tita.

At yung mata ko para nang gripo dahil sa walang humpay na pagtulo nang mga luha ko. Hindi na nga iyak ang ginagawa ko eh, hagulgol na.

"Tahan na iha, tanda mo kahit wala na si Brix nandito parin kami nang daddy nya para sayo. Hindi ka namin pababayaan" sabi ni tita tapos ay niyakap nya ako.

"T-tita, mahal na mahal ko pa ang anak nyo, hindi ko po talaga kayang mawala sya" nahagulgol kong sabi.

"Mahal na mahal ka rin nang anak ko, yan ang tandaan mo" sabi nya habang hinahagod nya ang likuran ko.

Brix, bakit ka ganyan. Wala ka na nga pinapaiyak mo pa ako nang sobra. Pero salamat, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita -

...

Sixto POV

Habang nakatingin ako kay Alexis, napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Bigla nalang kasi itong nanikip na hindo ko alam kung bakit.

Brix ano ba talaga ginawa mo sa akin? Bakit ganto ang nararamdaman ko sa girlfriend mo simula nang magpakita sa panaginip ko? Mahal ko na rin ba sya? O yung puso mo yung nasa akin ngayon kaya ganto ang nararamdaman ko ngayon? Nalilito ako... Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo Alexis?

...

Itutuloy...

A/N: last 2 or 3 chapter...

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now