Chapter 18

1.8K 63 6
                                    

Alexis POV

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Brix kung saan sya.... ibuburol. Wala pa dito yung bangkay nya pero maya-maya daw ay dadalhin narin dito.

Si mommy at daddy nakita na sila pero nasa hospital parin sila para makapag pahinga daw ng lubusan. Si Riza at ako naman pinayagan na kami lumabas ng hospital kaya ngayon nandito na kami. Si Christian naman kasama siya ni Patrick ngayon, sila ang nag aayos nang lahat nang kaylangan sa burol ni Brix. At si Arleen, naka kulong na sya.

"Alexis, pauwi na raw sila" sabi ni Riza. Tinawagan kasi nya yung parents ni Brix na nasa ibang bansa.

"Ok" wala kong ganang sabi. Sino ba naman kasi ang gaganahan sa nang yayari ngayon? Ako mismo ang nag aayos ng burol nang boyfriend ko! Hindi ko na mapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon eh, nag halohalo na!

"Gusto mo mag pahinga muna?" Tanong nya

"Hindi, ayoko, hindi ako pwde mag pahinga. May kaylangan pa akong tapusin" sabi ko tapos ay iginulong ko na yung ano nang wheelchair ko, hindi ko pa kasi kaya maglakad dahil naka semento pa yung paa ko.

"Saan ka pupunta? Saka ano ang tatapusin mo?" Tanong nya kaya huminto muna ako.

"Sasama na ako kay Marco" sagot ko

"ANO?!" Lumapit sya sa harapan ko "nababaliw ka na ba ha?! Pagtapos isakripisyo ni Brix yung buhay nya para lang sayo, ngayon mag didisisyon kang sumama nalang kay Marco! Ano bang kalokohan 'to Alexis ha!" Galit na galit nyang sabi

"Hindi 'to kalokohan Riza! Ayoko lang na may madamay pang iba! Gusto mo bang may mamatay pa ha?! Kasi ako ayoko na!!! Ayoko na may mamatay pa dahil alam kong kasalanan ko kung bakit sila mawawala!!!" Paliwanag ko... "Riza pagod na ako eh, pagod na akong sisihin ang sarili ko sa mga nang yayari. Pagod na ako na may masaktan pa nang dahil saakin. Pagod na ako Riza, pagod na pagod na ako" tapos ay pumatak na naman ang mga luha ko.

"Tahan na Alexis, wala ka nang ginawa kundi ang umiyak. Gusto mo ba na bumalik nanaman nang hospital ha? Tahan na" mahinahon na nyang sabi habang hinahagod nya yung likuran ko.

"Hayaan mo nalang sa gusto kong mangyari. Para sa inyo din 'to, para sa ikabubuti nang lahat"

"Pero kung gagawin mo ba 'to, satingin mo matutuwa si Brix nyan ha?" Tanong nya kaya tumingin ako sa kanya

"Wala na sya Riza, kaya hindi ko na alam kung matutuwa ba sya o hindi sa gagawin ko" sagot ko

"Pero satingin ko hindi sya matutuwa sa gagawin mo" sabi niya, umiling lang ako.

"Gagawin ko ang dapat, matuwa man sya o hindi" sabi ko tapos ay pinaandar ko na ulit yung wheelchair.

"Kung disidido ka na talaga sa gusto mong gawin, sasamahan kita" sabi nya kaya napahinto ulit ako at tumingin sa kanya.

"Sasamahan mo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo" lumapit ulit sya saakin "ayoko nang maging duwag, ayoko nang makulong sa nakaraan. Kaya naman haharapin ko na yung takot ko. Sasama ako sayo" nakangiti nyang sabi.

"Magpapakuha karin kay Marco?" Kunot noo kong tanong

"Hindi noh! Syempre ikaw lang, sasamahan lang kita" sabi niya kaya napalo ko sya nang mahina sa braso

"Loka ka talaga, tara na nga!" Sabi ko kaya sya na yung nag tulak nang wheelchair ko.

Sumakay kami sa kotse ni Patrick kasi na kay Riza naman yung susi, sya narin yung nag drive nang kotse dahil may lisensya naman sya.

"Saan tayo pupunta ngayon? Hindi naman natin alam kung saan nag tatago si Marco" tanong nya

"Gusto ko muna pumunta sa Presinto, gusto ko makita si Arleen. Gusto ko tanungin sa kanya kung bakit nya ginawa yun, gusto kong tanungin sa kanya kung masaya na ba sya ngayon" sagot ko.

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now