Chapter 7

2K 63 3
                                    

Brix POV

"Magandang umaga sir, nandito po ba si SPO2 Herrera?" Tanong ko sa isang pulis

"Si chief? Wa-wala na sya, hindi nyo ba nalabalitaan? Namatay sya kagabe pi---" hindi nya tinuloy yung sasabihin nya, pero nahalata kong may ininda sya tagiliran nya.

"Anong pi?..." Tanong ko

"P-pinutol yung preno ng kotse nya, at dahil madulas yung kalsada kagabi sumalpok yung kotse nya sa poste at agad na sumabog 'to" nag katinginan kami ni Patrick

"Ganun ba? Paki sabi po nakikiramay po kami" sabi ko tumango naman sya "May tatanong nga po pala kami sa inyo pwde po ba?"

"Ano yun?" Tanong nya

"Isa kaba sa pulis na tumulong kay SPO2 sa paglibing kay Marco?" Tanong ko, hindi agad sya nakapag salita, napahawak sya sa tagiliran nya.

"A-ah wala, sya lang ang nag palibing kay Marco" sagot nito

"Ah, ok sige po. Salamat nalang. Mauuna na po kami" sabi ko

Nag lakad na kami palabas ng presinto.

"Nakita mo? Ang weird nya noh?" Mahinang sabi ni Patrick sakin

"Bakit naman? Dahil sa tagiliran nya?"

"Oo, bigla syang napapahawak dito"

"Baka naman kasi masakit lang"

"Siguro nga"

*kring!* kinuha ko yung cellphone ko ng tumunog ito

Babe calling...

"Hello babe" Sabi ko pag sagot ko ng tawag

"Ito ba si Brix?" Napatingin ako kay Patrick saglit

"Ito nga, sino 'to? Bakit nasayo cellphone ng girlfriend ko?!"

"Pulis ako, naaksidente ang girlfriend mo kasama nung isang babae at isang lalaki"

"H-ha? Anong ng yari sa kanila kamusta na sya?" Natataranta kong tanong

"Sa ngayon nasa emergency room sila. Sumalpok kasi ang sinasakyan nilang kotse sa puno"

"Nasaan silang hospital? Pupunta na kami" sabi ko tapos ay binigay nya yung pangalan ng hospital. Tapos non tinago ko na ulit sa bulsa ko yung cellphone.

"Sinong nasa hospital?" Tanong ni Patrick

"Sila Alexis, naaksidente sila ni Sixto" sagot ko

"Ano? Tara na puntahan natin sila!" Sumakay na agad sya sa kotse ko kaya sumakay narin ako.

...

3rd person POV

Lumabas sa tinataguan nya yung lalaking naka jacket. Pag tapos ay nilapag nya sa lamesa ng pulis na kausap nila Brix kanina yung hawak nyang kutsilyo. Sya yung dahilan kung bakit may iniinda ang pulis sa kanyang tagiliran.

Habang nakatayo sa labas ng presinto sila Brix ang sama ng tingin nya dito, parang gustong gusto na nya tong patayin ngayon mismo.

May oras din kayo saking dalawa! -sa isip nya.

Ang Kanyang Pag Babalik!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora