“Hey bitch. Stop flirting with my boyfriend!” Sigaw niya sa mismong mukha ko.

“Sorry, but are you reffering to yourself? Wala kasi akong maalala na nagpapatunay na bitch ako,” mahinanong balik ko sa sigaw niya. Okay, calm down Rain.

“Ang kapal ng mukha mo! Eh ang pangit pangit mo naman. This is my first and last warning. Stay away from Thunder, you whore!” Sigaw niya ulit. Okay that’s it.

“Hindi ko kasalanan kung nilalapitan ako ng boyfriend mo. Bakit hindi siya ang sabihan mong lumayo sa’kin? At isa pa, mas mukha kang whore! Wellㅡsorry, I didn’t mean to be bitchy but you know it’s an involuntary reaction whenever I encounter ugly people like you.” tinasaan ko rin siya ng kilay at nilagpasan.

Paglabas ko ng cr ay agad akong huminga ng malalim at saka tumakbo papuntang computer lab. Mauubusan na yata ako ng dugo dahil sa mga nangyayari.

“Tapos na, bumalik na tayo sa room para ipasa ‘to,” walang ekspresyong bungad sa akin ni Jiro at napatango na lang ako. Napansin ko rin na wala si Thunder kaya hindi ko na binalak tanungin kung nasaan siya dahil gusto kong kausapin si Jiro. Yung kaming dalawa lang.

“Sorry,” sabi ko habang naglalakad pabalik sa classroom. Hindi siya kumibo o lumingon man lang kaya humarang ako sa daraanan niya.

“Galit ka ba? Sorry na talagaㅡ” hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin nang bigla niya akong yakapin. Lalo akong mauubusan ng dugo sa katawan dahil sa ginagawa niyang ito.

“J-jiro,” tawag ko dahil nasa hallway kami. Nakakahiya, baka may makakita saming mga tsismosang estudyante.

“Tell me. Do you like Thunder?” Tanong niya nang kumalas siya at hawakan ako sa magkabilang balikat. Napatitig muna ako sa kanya bago marahang umiling. “Really? Then stay away from him. He’s a dangerous man,”

“Anongㅡ”

“Just listen to me,” pagputol niya sa sinasabi ko at hindi na ako umimik pa. Nagpatuloy na lang kami sa paglakad hanggang makabalik kami ng classroom.

Nang maipasa ni Jiro ang research paper na ginawa niya ay dinismiss na rin kami ni ma’am. Napagdesisyunan ko naman na magpunta muna ng locker bago bumalik sa dorm pero pagbukas ko may nahulog na pamilyar na bagay.

“King of death,” bulong ko sa sarili ko at sa isang iglap lang pinagbabato na naman ako ng mga taong nakakita sa akin. Agad akong tumakbo at hindi na hinayaang makorner nila. Kagagawan na naman ba ‘to ng Thunder na iyon? Kaya siguro wala siya kanina dahil busy siya sa paglagay ng king of death sa locker ko.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang may nakita akong bukas na pintuan, Nagmadali akong pumasok doon pero.

“Wag mong isasaㅡ” huminga ako ng malalim nang maisara ko na ang pinto. Ilang segundo ang lumipas bago ko lingunin iyong lalaking nagsalita.

The hell? Bakit kung sino pa yung ayaw mong makita ay siya pa yung madalas mong makasalubong o makasama?! Hindi ko na lang siya pinansin at nagkunwaring walang nakikita. Ano bang ginagawa niya rito sa janitor’s room?

“Bakit mo sinara?! Alam mo bang sira yung doorknob? Kaya ko nga iniwang bukas eh!” Sigaw niya nang lumapit siya sa pinto. Sinubukan niyang buksan iyon pero ayaw ng bumukas.

Baka nantitrip na naman ang isang ito kaya tinulak ko siya palayo sa pinto at sinubukang buksan pero mukhang sira nga talaga yung doorknob dahil hindi na napipihit. What the fuck?

“Oh ano? Paano tayo makakalabas dito?! Hindi ko dala yung phone ko,” reklamo niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Binuksan ko na lang yung electric fan at naupo sa isang sulok. Hindi ako magpapanic dahil walang magandang idudulot iyon. Sure naman ako na may dadating na janitor dito mamaya para kumuha ng gamit.

“Hoy, bulag ka ba? Sabog ka ba? Hindi mo ba ko nakikita?” Tanong ni Thunder pero wala pa rin akong reaksyon.

Asa kang kakausapin kita, pagtapos ng ginawa mo sa’kin kahapon? Tss. Sumosobra ka na. Sagad na talaga sa kademonyohan ang ugali mo at ngayon umaacting ka pa na parang hindi mo ako binigyan ng king of death!

“Galit ka ba? Hahalikan kita pag hindi mo ako kinausap,” hindi ko siya nilingon at mukhang sumuko na siya agad dahil naupo na lang din siya sa tabi ko at hindi na kumibo.

Pero ilang minuto ang lumipas...

“Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan... ano nga yung kasunod nun?”

“Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan. Sana’y may luha pa, akong mailuluha at ng mabawasan ang aking kalungkutan!”

“It‘s raining men, halelujah, it’s raining men. Amen!”

“Rain rain go away, come again another day,” hindi talaga siya titigil sa kakakanta ng mga kantang may ulan sa lyrics. Masiyadong papansin.

“Knock knock?” Tanong niya pero hindi ako sumagot.

“Who’s there?” Tanong niya sa sarili niya. Tuluyan na yata siyang nabaliw. “Rain,”

“Rain who?” Mukha na siyang baliw. Kinakausap na niya ang sarili niya, dapat na ba akong matakot?

“Rudolph the red nose rain deer,” pinilit kong wag matawa sa knock knock niyang iyon kaya yumuko na lang ako at dinikit ang ulo ko sa magkabilang tuhod. Ang corny noon pero bakit gusto kong matawa?

“Hoy Rain! Mag salita ka. Baka mamaya niyan patay ka na pala ng hindi ko alam,” napairap na lang ako. Si Thunder ba talaga itong kasama ko? Para siyang tanga.

“Rainbow!”

“Raindrops!”

“Okay, titigil na ako. May sasabihin lang ako sa’yo tapos titigil na ako.”

“I like you....Rain,”

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now