Chapter Eleven

176K 6.2K 912
                                    


11: Robust vs. Amiable
-

“Teka, ano bang nangyayari?” Tanong ko nang subukan kong kumalas sa pagyakap pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Tumahimik lang ako at hindi na nagsalita pa.

Alam ko kasi na umiiyak siya sa mga oras na ‘to. Hindi ko alam kung anong dahilan pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang likuran niya at ilang segundo lang din bago siya kumalas.

“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka,” dagdag ko pa nang tignan ko siya. Mukha talaga siyang malungkot.

“Asa ka,” nakangising sabi niya. Wow! Just wow! Ang bilis naman mag-shift ng mood nito. Bumalik na naman ang black aura niya.

“May pa stay with me, stay with me ka pa tapos, susungitan mo lang ako,” bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata.

“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” sabi niya kaya agad akong napalingon. “I’m adopted.”

Ewan ko pero nalungkot ako bigla dahil sa sinabi niyang iyon. Dahil doon ay lumapit ako ng kaunti at tinapik siya sa balikat pero bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya lumayo ulit ako. May sapi ba ang isang ito?!

“Bumalik na tayo,” aya niya at bigla na lang siyang tumayo na parang walang kasama. Naiiling na lang akong sumunod sa kanya at sasakay na sana sa motor niya peroㅡ “Anong ginagawa mo?”

“Uhm, sasakay?”

“Mag commute ka,” diretsong sabi nito at bigla na lang nagmaneho paalis. Ugh! Akala ko pa naman ay bumait na siya. Nakakainis! Mag c-commute? Eh hindi ko nga alam kung nasaang lupalop ako.

Naglakad na lamang ako papunta sa may mainroad. Nagbabakasakali na mayroong sasakyan dito papuntang west district pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin akong nakikita. Mag-aalasais na. Walangya talaga ang Thunder na ‘yon! Paano niya ako nagawang iwan?

“Miss,” tawag ng lalaking papalapit sa akin. Pagewang-gewang ito na parang zombie at may hawak na bote ng gin. Napaatras ako at nag umpisang tumakbo pero hindi ko akalain na makakabangga ko si Liam.

“Rain? Bakit ka tumatakbo? Anong ginagawa mo sa lugar na ‘to?” Tanong niya.

“Ha?” Wala akong ibang nasabi dahil wala na talaga ako sa sarili. Sobrang gulo ng nangyayari sa akin ngayong araw.

“Naliligaw ka na naman ba? Tara bumalik na tayo sa academy, tumakas lang ako, eh. Mag gagabi na,” aya niya at tumango na lang ako. Hindi ko na rin naitanong kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.

Kinabukasan. Sabado na, maagang nagpaalam si Ayesha na uuwi siya ngayong weekend kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa kwarto.

Sumilip ako sa balkonahe ng kwarto at nakitang ang daming estudyante ang lumalabas ng campus para umuwi. Nakakainggit, kung may uuwian lang sana ako.

Nahiga na lang ako at nagbasa ng libro. Nakakaboring. Gusto ko man lumabas para pumunta ng mall ay hindi ko magawa. Wala naman kasi akong sapat na pera para gawin ang bagay na iyon.

“Aaaaaargh!” Napasigaw na lang ako at saka bumangon. Nasabi sa akin ni Ayesha na may indoor pool raw dito sa academy at pwedeng iyong gamitin tuwing weekend. Doon na lang siguro ako magpapalipas ng oras.

Kumuha ako ng mga gamit at kinuha ang mapa sa ibabaw ng lamesa ni Ayesha. Hindi ko pa rin kasi nalilibot ang buong campus. Masiyado itong malaki.

Pagdating ko sa indoor pool, walang tao. Sobrang tahimik. Naalala ko tuloy si Jiro, hindi ko pa siya nakakausap para humingi ng tawad tungkol sa nangyari kahapon.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon