"Nandoon, sinilip na nya si Brix" sagot ko

"Buti naman at nagkaroon na sya nang lakas ng loob para tingnan yung boyfriend nya"

"Sinabi mo pa, tulungan mo nga akong dalhin 'to sa kanya. Hindi pa sya nakaen eh" sabi ko, kaya naman kinuha nya yung tray na may laman na pagkain ni Alexis

"Tara" sabi nya, at nag lakad na kami papunta kay Alexis.

Pero, parehas kaming natigilan nang makita namin na nakasarado yung kabaong ni Brix, at si Brix yung naka-upo sa wheelchair ni Alexis.

"Jusko!" Bulas ko, agad kaming tumakbo ni Patrick sa kinaroroonan nila.

"Anong nang yari?" Pagtatakang tanong ni Patrick, nilapag nya yung tray na dala nya sa isang upuan at tiningnan si Brix.

"Paanong nalipat sya dyaan?" kunot noo kong tanong.

"Malay! Si Alexis nasaan?" Natataranta nyang tanong, tapos ay parehas kaming napatingin sa kabaong. Agad na lumapit doon si Patrick at binuksan yon "WHAT THE!" gulat nyang sabi, at pagtingin ko sa kabaong nakita ko roon si Alexis na walang maya!

"BUKASAN NATIN BILIS!" sabi ko, agad naman naming binuksan yung kabaong para makuha si Alexis. At nung nabuksan na namin, agad na binuhat ni Patrick si Alexis at nilapag sa semento. "Alexis, Alexis gising!" Sabi ko tapos ay sinampal ko sya nang mahina pero ayaw nyang gumising. Kaya naman hinawakan ko yung pulso nya. "Ang hina nang pulso nya, mukang na suffocate sya, kaylangan nya nang hangin!"

"Sino naman ang gagawa non?"

"Ikaw, hindi ako marunong eh"

"Ako? Bakit ako?" Kunot noo nyang tanong

"Syempre tayong dalawa lang yung nandito, wala si Christian diba? Umuwi sya saglit!"

"Pero---"

"Magtatalo pa ba tayo ha? Eh kung tuluyan na syang mamatay sa ginagawa mo!" Inis kong sabi

"Oo na ako na, gagawin na nga eh" sabi nya, tapos ay pumuwesto na sya para bigyan nang hangin si Alexis. Nung malapit na ang muka nya sa muka ni Alexis bigla nalang may tumulak sa kanya.

"Hey anong ginagawa mo sa kanya?!" Galit nyang tanong

"Sixto?" Sabi ko

"Bro kaylangan nya nang hangin, bibigyan ko lang sya" paliwanag ni Patrick

"Bakit?" Tanong ni Sixto

"Wag ka nang maraming tanong bro, mamaya na namin ipapaliwanag!" Sagot ni Patrick tapos ay nilapit nya na ulit yung muka nya kay Alexis pero pinigilan ulit sya ni Sixto.

"Ako na bro" sabi nya, tapos ay hinalikan na nya si Alexis, ay mali pala binigyan nya lang pala ito nang hangin.

Nakailang ulit sya nang pump sa dibdib nito at maka-ilang ulit din nag dikit ang mga labi nila bago tuluyan magising si Alexis. Nung magkaroon sya nang malay, agad syang niyakap ni Sixto.

"Thank God, gising kana" sabi nito na may halong pag aalala.

"Ibalik na natin sa kabong si Brix" sabi sa akin ni Patrick

"Wait, bakit ako?" Tanong ko

"Alangan naman si Sixto" sabi nya

"Tss, pwde naman eh" sabi ko, pagtingin ko kay Sixto yakap parin nito si Alexis, at nakayakap na rin sa kanya si Alexis. "Mukang no choice na nga ako"

Tumayo na kami ni Patrick at pinagtulungan namin ibalik si Brix sa kabaong, ako nasa paa-nan nya si Patrick naman sa bandang ulo. Yung hawak ko kay Brix para akong nandidiri na ewan kaya di ako makatingin sa kanya, ngayon lang kaya ako nag buhat nang patay.

Nung naibalik na namin sa kabaong si Brix, sinarado na ulit ni Patrick yung kabaong.

"Alexis" sabi ko dahil tulala parin sya.

"Halika umupo muna tayo, ialis nyo muna yung wheelchair" sabi ni Sixto at binuhat nya si Alexis at pinaupo sa isang upuan. Yung wheelchair naman nilabas muna ni Patrick

"Alexis, huy mag salita ka naman. Ano bang nang yari ha?" Tanong ko tapos ay umupo ako sa tabi nya.

"A-akala ko panaginip ang lahat, akala ko imposible mang yari yong mga ganon. Pero nang yari pala, totoong nang yari" nanginginig nyang sabi.

"Ano bang nang yari ha? Paano ka napunta sa kabaong at si Brix yung nasa wheelchair?" Tanong ko ulit

"Si Arleen, sya may gawa nito!" Sagot nya, kaya naman natigalan ako saglit.

"Alexis ano bang pinag sasabi mo ha? Patay na nga sya diba? Kaya paanong sya ang may gawa nito?" Kunot noo kong tanong

"Riza kung ayaw mo maniwala sa akin edi wag, pero yun ang totoo! Hinawakan lang nya yung kamay ko tapos ayon nag kapalit na kami nang pwesto ni Brix, tapos ang masama pa pumasok pa sya sa katawan ni Brix at ginamit nya yon para masarado yung kabaong!" Sagot nya

"Mas mabuti pa, panoorin nyo nalang yung cctv. May cctv naman tong bahay na 'to eh" sabi ni Sixto sabat turo sa cctv.

"Mabuti pa nga yon ang gawin natin" sabi ni Patrick pagbalik nya dito sa loob.

"Siguro nga, pero wait..." Tumingin ako kay Sixto "ang balita ko may amnesia ka, bakit nandito ka? Nakikilala mo ba kami?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kayo natatandaan. Tama ka, wala akong maalala. Lahat nang bagay di ko matandaan, pero sya..." Tumingin sya kay Alexis. "Kilalang-kilala ko sya, dahil sya ang sinisigaw nito" sabi nya sabay turo sa puso nya.

"W-wow" sabi ko nalang, napatingin naman sa kanya si Alexis at tinaasan nang kilay.

New love team agad? Wow ha, iba na talaga pag maganda. -

...

Itutuloy...

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now