Tinahak namin ang daan papuntang principal's office.

"Sa tingin mo ba magiging okay lang tayo doon?" Wika ko habang inaayos ko ang aking buhok.

"Oo naman, bakit hindi. As long as we stay along with the shadows." Napatingin ako sa kanya. Siguro ay napansin niyang hindi ko maintindihan ang sinabi kaya tinapik lang niya ang balikat ko.

Minsan talaga hindi ko alam kung tamad lang siya mag salita o ayaw lang niya. Ay parang pareho lang ata yun. Ewan.

Binuksan niya ang pinto ng principal's office at napatigil kami sa pag pasok dahil sa balitang nasa telebisyon na ipinapakita ngayon.

"Isang babaeng namataan na lumabas mula sa Maze-Palace ng De Blois ay nag pakilala na. Nagpakilala ang dalaga na isang De Blois ay nagpakita ng ebidensiya upang patunayan ang kanyang pagkatao. Marami ang nasiyahan sa balitang ito dahil hindi pa pala dito natatapos ang pamilya ng pinaka-iingatan na mga tao sa buong mundo. Tunghayan natin ang videong to ung saan nagpakilala ang sinasabing De Blois........."

Lumabas sa screen ang itsura ng babaeng nagpakilala bilang De Blois, isa siyang babaeng may kulay blonde na buhok. Mahaba ito at matingkad. Nakasuot ito ng Victorian Dress at sinisigaw nito ang pagiging mataas sa lipunan kaso parang may kulang sa kanya.

"I am Victorique De Blois.... The 15th prim rose of De Blois."

At biglang namatay ang T.V "Isang napakalaking balita, ano?" Nakangiting wika ng Principal namin. Nilinot ko ang paningin ko sa office niya at nakita ko si Amy na katabi ni Jacob. Pumunta ako sa pwesto nila at umupo.

"By 10 o'clock ay aalis na kayo papuntang Wake Forest. Sa puso ng baryong ito ay ang Academia ng Gaussian. Wag kayong pasaway doon, sa labas ng Acadamia ay maraming mabangis na hayop na pakalat-kalat. Mainam na mag ingat kayo ang go with partner, wag kayong lumabas na mag-isa. Hindi natin iyon lugar even if the Union Council will take responsibility in any accidents. Intiendes?" Kalmang pagpapaala niya sa amin. Tumango ako sa sinabi niya.

"Just be yourself and make Mintaña be proud of you." Wika niya at ngumiti.

Pagkatapos ng ilang pagpapaala at tinahak namin ang bus na may nakalagay na banner sa harapan.

'Terre des dirigeants du Nord, tout grêle Mintaña.'

Ano kaya ang ibig sabihin niyan.

"'Land of the northern rulers, all hail Mintaña.' Yan ang ibig sabihin ng banner." Nagulat ako ng buglang may nagsalita sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya at bumungad sa akin ang nakanigiti nitong mukha.

"Hi!" Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay, tinanggap ko ito at marahan na ngumiti. "I'm Aya Ali. Vice President of Mintaña's Student council."

"Oh. Hello po. I am Victoria McCurly." Tila nagulat siya ng magpapakilala ko.

"Yay ikaw pala ang Victoria na naririnig ko sa office. Nice to meet you!" Naguguluhan man ay tumango ako sa kanya.

Niyaya niya akong pumasok sa loob. Naabutan ko ang magulong setting nila. "Yoiiii! Andito na pala ang Bise!" Sinimangutan lang siya ni Aya at tumawa ang iba.

"Tori, kinakabahan ako." Wika niya ng maka-upo ako sa tabi niya. Natawa ako sa pahayag niya. "Ako din, sino ba sila at para bang matagal na silang magkakakilala?" Turo ko sa mga taong nasa unahan namin. Nagkakasiyahan kasi sila.

Victoria's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon