Taboo Story 2 - Chapter 7

1.7K 129 6
                                    

"Huwag mo akong titingnan ng ganyan!" Singhal ni Simon kay Vanessa, matapos nitong magkamalay makalipas ang kalahating oras. "Ikaw ang nanukso sa 'kin ha!"

"Bakit kailangan mo pa akong sampalin?" tinipon ng dalaga ang kaniyang mga damit at nagsimula nang magbihis.

"Ang ingay mo eh. Kung humiyaw ka pa akala mo ikaw pa pinuwersa ko!"

"Eh sa masakit eh. Malay ko ba na ganun kasakit." Iika-ika niyang isinuot ang magkabilang sapatos.

"Malandi ka kasi."

Sinamaan siya ng tingin ni Vanessa, "kung malandi ako, 'di dapat hindi ikaw ang nakauna sa 'kin."

"So hindi ka malandi, gano'n? Ano ka, banal?"

Hindi sumagot ang dalaga. Inayos na nito ang kanyang buhok bago umakmang patungo sa may pintuan upang lumabas.

"Hep!" Pagpigil dito ni Simon, "kapag ako napa-trouble yari ka sa—"

"Huwag kang mag-alala, walang makakaalam!" Pabalang na sagot sa kaniya ni Vanessa, "Pero sa susunod, pwede bang huwag mo na akong sasampalin?"

Napatawa si Simon bago ngumisi, "At gusto mo pa talagang umulit?" hindi siya makapaniwala sa sinabi sa kaniya ni Vanessa.

Nginisian din lang siya ng dalaga bago tuluyang umalis.

'Yun na ang naging pagkakataon ni Simon para libutin ang bahay. Luma na ito, but it's obviously well maintained. Central air, malinis, partially furnished at hindi kamahalan para sa gano'ng kalaking bahay. Mayroon itong apat na kuwarto—dalawa roon ang may sariling banyo, lahat may permanent closets—isang walk-in.

"Who cares about your history." Bulong ni Simon habang pinagmamasdan ang malawak na hardin kung saa'y natatanaw na rin niya ang swimming pool sa may bandang likuran. "Mas may lala pa ba sa history ko? Serial killer pala ang dating nangupahan sa 'yo ha?" tinanaw niya rin ang bahagi ng hardin na walang bermuda grass—at may mga di lang dadalawang hukay na natabunan na ng bagong lupa. "Ang masasabi ko lang? Ano bang pinagkaiba namin kundi ang pagiging tanga niya? Kundangan ba naman siyang bobo, mambibiktima na lang, sa sariling bakuran pa ililibing ang mga ebidensiya. Tsss...gago, mabuti nga sa kaniya." Nasakote na raw kasi ito at nasa kulungan na tatlong taon na ang nakararaan.

***

"Ohh shit kuya Simon..." daing ni Vanessa habang kinukubabawan siya ni Simon.

"Isang beses mo pa akong tawaging kuya, sisipain na kita palabas!"

"Mas gusto ko ang may kuya para mas makasalanan ang dating. Sige pa kuya ohhh!"

"Leche!" Bumitaw si Simon at lumapag na mula sa kama. "Umuwi ka na nga!"

"Ayoko. Sige na kuya huwag mo naman akong bitinin."

"Tangina! Ayoko na! Umuwi ka na sabi!" Hinila nito ang dalaga paalis sa kama. "Napakalandi mo talaga, mabuti sana kung hindi lang ako ang tumatrabaho. Huwag ka na ngang makapunta-punta rito! Ba't ba hindi ka na lang humanap ng kaedad mo?!"

Nakanguso si Vanessa habang nagbibihis, "Dadating na kasi ang Tita ko sa makalawa, tiyak hindi na naman ako makakalabas ng bahay."

"Problema mo na 'yon! Alis!" Itinulak ni Simon si Vanessa palabas ng kuwarto.

SIX TABOO:  Forbidden TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon