Taboo Story 5 - Chapter 3

804 54 5
                                    

Sa labis na pagkainis ni Angelika kay Joanna at Peachy ay nagmadali itong lumabas ng classroom right after ma-dismiss ang klase. Hindi naman niya kaklase ang mga ito sa susunod niyang subject kaya mas kampante siyang naupo sa loob ng classroom habang naghihintay sa professor at sa iba pa niyang mga kaklase sa subject na 'yon.

Habang naghihintay ay binasa niya ang unread text galing sa kanyang Ina which reads: Kumusta ka na anak. Miss ka na namin ng Tatay mo at mga kapatid mo. Naipadala ko na nga pala ang allowance mo sa bank account mo. Naipadala ko na rin ang upa for next month sa account ng kasera mo. Tawagan mo naman kami kapag may panahon ka. Mag-iingat ka lagi at huwag mong kakalimutang inumin ang mga vitamins na ipinadala ko sa 'yo. I love you!

Napabuntong-hininga muna si Angelika matapos niyang mabasa iyon. Agad rin naman niyang tinipa ang napakatipid na: "K!" Before she hit send. Mabigat pa rin kasi talaga ang loob niya sa kanyang ina dahil sa kasalanan nitong hindi pa niya napapatawad. Dati kasing OFW ang kanyang ina mula sa Italya. At dinamdam niyang maige na kahit hindi naman ito nagkukulang sa pagsuporta sa kanila ay nakuha nitong kumabit sa ibang lalaki roon na may asawa rin. Labis na kahihiyan ang inabot ng buong pamilya nila sa probinsya. Hindi niya ito mapatawad kahit na napatawad na ito ng kanyang ama, at ng kaisa-isa niyang kapatid na babae. Kaya hindi rin niya matanggap ang naging anak nitong lalaki sa ibang lalaki. Ito ang dahilan kung bakit nagpumilit siyang mag-aral sa maynila kahit na lagi siyang nagigipit; kahit na kung minsan ay kulag pa ang allowance niya. Hindi niya kasi matagalan ang makasama ang kanyang ina at ang anak nito sa iba.

Sumunod niyang binasa ang text mula kay Kimberly. Which reads: "Bes, baka hindi na ako matuloy sa pag-upa sa spare room. Grounded ako. Napagalitan ako ni Mama. Saka ko na lang ikukuwento sa 'yo. Hindi ako makalabas ng bahay. Guwardiyado ako. Pakisabi kay Mark I'm sorry. Pwede na niyang ibigay ang room sa iba."

Hindi naman talaga siya sang-ayon sa binabalak na pagtira doon ng matalik na kaibigan kaya napangiti si Angelika sa message na 'yon. Agad din naman napawi ang kanyang ngiti nang may dalawang babae ang tumabi sa kanya at mga nakabungingis na tumanghod sa kanya. ito sina Jackie at Bing. Ang dalawa pa sa kanyang mga kabarkada bukod kay Peachy at Joanna. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha nito ay batid niyang aasarin din siya ng mga ito, tulad ng pang-aasar ni Peachy at Joanna sa kabilang kalase.

"Anong ginagawa nyo rito?" Masungit na sabi niya sa mga ito, "hindi ko naman kayo classmate dito."

"Sino 'yung kasama mo kagabi, ha?" Nanunuksong wika ni Jackie.

"Ang kulit niyo! Sinabi nang hindi ako 'yon dahil nasa bahay lang ako magdamag."

Nagtawanan ang dalawa nitong kaibigan.

"Talaga lang ha?" si Bing naman. Inilalabas na nito ang cellphone niya, "kung sina Peachy ay walang evidence, ako meron." Sabay pakita sa kanya ng video mula sa malayo.

Nalukob ng matinding pagkagulat ang kanyang buong pagkatao dahil naroon nga siya ay nakikipag lampungan sa isang lalaking hindi niya gaanong mamukhan. Medyo madilim kasi ang pagkakakuha ng video. Ngunit mas tumindi ang kanyang pagkabahala nang maglaon ay luminaw na ang kuha ng lalaking kanyang kahalikan na tila ba wala silang pakialam sa mundo...it was Mark.Napailing si Angelika bagaman nangingilabot na ang magkabila niyang braso.

"O ano, tatanggi ka pa?" pangangantiyaw sa kanya ni Jackie. "Hindi ka naman namin jina-judge 'no! Okey nga 'yan dahil ngayon napatunayan na namin na hindi ka rin Santang tulad namin. Ayaw mo lang talagang mag-share!" Sabay halakhak, "Tangina friend, ang gwapo ng date mo. Ipakilala mo naman kami!"

Gusto nang maiyak ni Angelika at wala siya sa mood na makipagbiruan o makipag-usap man lang kahit kanino kaya, "p-pwede bang iwanan niyo muna ako." She needs space dahil tila ba kinakapos na siya sa paghinga. "M-mag-uumpisa na kasi ang klase ko. S-saka na lang tayo mag-usap."

SIX TABOO:  Forbidden Talesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن