Taboo Story 4 - Chapter 3

647 38 8
                                    

"You and Rodney are what?"  gulat na gulat si Lira sa ibinalita ng kaibigan sa dati nilang tambayan sa park.  At tulad ng dati, nakamasid na naman si Rodney na hindi man lang namamalayan ng dalawang babae.

"Oy ha, 'wag mong sabihin na magagalit ka. Di ba ibinigay mo na siya sa 'kin?"

"I-I know p-pero hindi ba sobrang bilis naman?  Wala pa kaming isang linggong nagbi-break, Chona.  Hindi ka ba natatakot na baka rebound ka lang?"

Inismiran ni Chona si Lira, "hindi naman ako tanga, Lira.  Alam ko naman na pang-rebound lang ako.  Mas mabuti na 'yon kaysa nakanganga ako tulad ng dati na hindi niya ako masyadong pinapansin dahil masyado siyang loyal sa 'yo."

Napailing si Lira, "ano ka ba naman Chona.  Heto ka na naman. Ganyan ba kababa ang self-esteem mo para magkasya ka na lang sa tira-tira ng iba? Best friend kita, Chona. Ayokong masaktan ka. Ilang ex ko pa ba ang kailangan mong sambutin para ano? Para magsipaglaho na lang sa buhay mo nang parang bula? Ni walang formal breakup dahil basta ka na lamang iniwanan. Gayung sa ganda mong 'yan ay makakakuha ka ng higit pa sa mga lalaking nagdaan na sa akin."

Napahinga nang malalim si Chona, "malakas ang pakiramdam ko na iba si Rodney. Gustong-gusto ko talaga siya, Lira. Papayag nga ako kahit maghati pa tayo sa kanya sakaling bumalik siya sa 'yo."

"What? Are you crazy?"

"Yes."

"Bestie naman!"

"Wala kang magagawa. Tinamaan ako ng pangmalakasan. Kahit nga hindi na niya ako mahalin, basta't pansinin lang n'ya ako. Alam ko naman kasi na ikaw ang mahal niya at malabong mawala agad 'yun." Napapaluha na si Chona, "kahit kaunting pagmamahal...kahit ambon lang mula sa kanya, masaya na ako."

Napapikit si Lira sa kabaliwan ng kaibigan, "bahala ka na nga lang, Chona. Basta't hindi ako nagkulang ng paalala sa 'yo.  Hindi mo pa kilala si Rodney. Tatapatin na kita, he's..."

"He's what?"

"He's weird."

"I like weird. I am a eccentric person myself."

"He's a different kind scewball though."

"I'm a distinct crockpot myself"

Sinamaan na ng tingin ni Lira ang best friend niya, "may sagot ka talaga sa lahat ng sabihin ko? Ayoko lang namang masaktan ka niya."

"Bakit, sinaktan ka ba ni Rodney...ever?"

"No."

"Oh, eh hindi naman pala eh, so bakit nag-aalala ka na masasaktan niya ako?"

Hindi na nakasagot pa si Lira.

***

"Hi!" Nakabungisngis si Rodney nang muling pagbuksan nito ng pinto ni Chona.  May dala pa itong flowers and chocolates.

"Rodney!" Sabay lundag at yakap sa bagong dating na bisita.  "A-akala ko nakalimutan mo na ako."  Mahigit dalawang linggo rin kasi itong hindi nagpakita man lamang sa kanya. Hindi rin ito sumasagot sa mga text at tawag niya.

"Puwede ba naman 'yun? Here, for you." Ibinigay na nito kay Chona ang mga dala-dala. "Pasensya na, I attended an urgent conference in Singapore and I forgot to bring my personal phone, kaya nga heto, hindi pa ako nakapagbihis, dito na ako dumiretso galing airport."

"No worries, ang mahalaga, nandito ka na. Pasok ka." Pumasok naman ang lalaki. "Maupo ka." He did what he was told. 

"Care for a drink? Coffee, Juice, Water...Milk?" sabay tawa ni Chona.

"Sige, black coffee na lang."

"Black coffee, coming right up."

***

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now