Taboo Story 5 - Chapter 4

571 41 6
                                    

Sobrang nag-enjoy si Angelika sa company ni Mark. She's also amazed how similar and compatible they were in many ways. Naaliw din siya kapag pinagtitinginan sila ng mga tao sa mall. Pakiramdam niya ay napakaganda dahil alagang-alaga siya ng isang napakagwapong lalaki na sobrang bait at gentleman pa.

Nasa kalagitnaan sila nang panonood sa madilim na sinehan nang mag-umpisa nang makaramdam ang dalaga ng hindi niya maipaliwanag na kaba at pati na ang unti-unting pag-init ng kanyang buong katawan. Hindi siya mapakali kaya naging napakalikot niya sa kanyang kinauupuan. Napansin naman agad ito ni Mark kaya tinanong siya nito kung okay lang ba siya, pero kahit si Angelika ay nagulat sa mga katagang namutawi sa kanyang bibig...

"I'm so horny, Mark."

Nagulat ang binata, "H-ha?"

"U-uwi na lang tayo." Nagpatuloy ang pamimilipit ng dalaga habang makadaiti ang kanyang mga palad na pilit naman nitong iniipit sa gitna ng kanyang mga hita.

"O-o sige, let's go."

***

Hindi na sila nakaabot sa kwarto, dahil sa salas pa lang ay itinulak na ni Angelika ang binata sa sopa upang makaupo siya nang pasaklang sa kandungan nito. Sobrang wild ni Angelika. Parang nagulat naman si Mark sa nangyayari sa kanila. Ganito rin kasi ang dalaga kagabi, at sa pangambang nawawala na naman ito sa sarili ay inawat niya ito sa paghalik sa kanya.

"Geli...Geli..." bahagyang tinatampal nito ang magkabilang pisngi ng dalaga. Ayaw paawat ni Angelika kaya makailang beses pa itong ginawa ni Mark.

Ilang tampal pa ay natauhan na ang dalaga. Nagulat ito nang makita niya ang kanyang sarili na nakasaklang sa kandungan ni Mark.

"W-what's happeni—"

"Yeah...Just what I thought..." disappointed na wika ni Mark habang inaalalayan niya ang dalaga upang umupo sa tabi niya. "You don't even remember that, right?" Nakaturo ito sa panty na nasa sahig.

Umiling ang dalaga.

"Dati ka na bang ganyan?"

Muling umiling si Angelika, though she knows it was a lie. Bigla niyang naalala ang text ng kanyang ina, partikular na ang pagpapaalala nito na inumin ang "vitamins". Ang totoo, hindi naman talaga vitamins ang tinutukoy ng kanyang ina kundi ang iniresetang Aripiprazole (1) sa kanya ng doctor niya sa probinsya.

"I'm sorry, Mark."

Tumatango-tango lang ang binata. Pinulot nito ang panty at maingat na iniabot ito kay Angelika. "I'm sorry rin. I hope you're not thinking na I am taking advantage of you. Hindi ko naman alam na—"

"Don't be sorry, Mark. Ako ang may kasalanan sa 'yo. Nahihiya nga ako sa 'yo eh."

"Don't worry about it." Ngumiti naman ito, "pahinga ka na lang muna sa room mo. Baka napagod ka lang."

"N-no, Mark. I-if you could just wait for me for one sec... one sec lang—" Nagmadali itong pumasok sa silid at hinalungkat ang drawer kung saan nakalagay ang gamot na dapat niyang inumin. May naka-ready na naman bottled water sa ibabaw ng dresser kaya agad rin niya itong nainom. Ilang segundo rin niyang pinababa ang gamot na ininom, bago siya nagmadaling lumbas hoping Mark is still there. Nanlumo naman siya nang hindi na niya nadatnan doon ang binata.

Nag-aalinlangan man ay kinatok nito ang silid nito. Walang sumasagot. Bahagya niyang pinihit ang doorknob, pero naka-lock ito. She felt really bad for Mark kaya napaiyak na lang siya sa sobrang disappointment sa sarili.

"Hey."

Napatingala si Angelika. It was Mark. Nakangiti naman it sa kanya. Wala naman pala ito sa kanyang silid. May bitbit itong dalawang banana cue at isang plastic ng kung ano-anong street food.

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now