Kabanata 17

210K 4.7K 312
                                    

Stay

"Boring" rinig kong reklamo ni Uno. Agad natapos ang game dahil natalo nila agad ang freshmen. Wala tuloy pumasok sa team mula sa freshmen.

"Yeah it is." Sagot ng isa sa mga ka team mate nila. Mukhang nagkakasundo na ang lahat. Nag bibiruan na rin sila at nag ke-kwentuhan ng kung ano anong bagay.

"Bukas labas tayo." Saad ng isa sa kanila. Ramdam ko ang paglapat ng kamay ni Caden sa likod ko.

Tinignan ko siya at nginisihan niya ako. Umikot naman ang mata ko at pinigilan matawa. Narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa. Siniko ko siya ng marahan at nagkunwaring nasasaktan siya.

"Hoy! Tigilan niyo nga yan!" Rinig kong natatawang sigaw ni Osiris. Medyo nahiya tuloy ako. Ewan ko ba.. nakakalimutan ko ata na may kasama kami.

"Shut up Os" saad ni Caden at lalo akong nilapit sakanya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tsansing siya ah!

"Oo nga. Why don't you just meddle with your own problems" rinig kong wika ni Agatha. Napalingon ako sakanila at kita ko ang matalim na mata ng kapatid ko.

"Shut up. You don't tell me what to do." Sagot naman ni Osiris. Napatingin ako kay Caden na nagkibitbalikat lang.

Liningon ko si Adrian. Hinila naman niya si Agatha.

"Nakakainis siya Kuya! Lagi nalang nanggugulo sa broadcasting room yan." Si Osiris? Sa broadcasting room?

Natigilan kami sa paglalakad nang may humarang sa harap namin.

"A-adrianna.." tawag sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay ilan sila sa mga nanakit sa akin. Yung iba ay nga nanonood lang.

Kita ko ang pagtitimpi ni Caden dahil tinapik tapik niya ang semento gamit ang paa niya.

"Sorry!" Saad nilang lahat. Napaawang ang labi ko. Inis pa rin ako. Hindi naman ako impokrita at sasabihing ayos lang ang lahat. Kaya lang naman sila nag so-sorry ay dahil mapaparusahan sila pero sino ba naman ako para hindi magpatawad.

"Don't listen to them ate." Rinig kong saad ni Gelo sa akin. Ramdam ko din ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

"Hindi ko masasabing mapapatawad ko kayo completely.. pero I can't forget everything. Hindi ako ganon kabait para magawa yon. It's okay.. just please stop meddling with my life." Saad ko sakanila. Kita ko ang kasiyahan sa mga mukha nila.

"Wag para may thrill" bulong sa akin ni Simon. Ngumiti lamang ako sakanya.

"Thank you!" Sabay sabay nilang sigaw. See? Pinapahalata nila na kaya lang sila humihingi ng tawad ay dahil sa parusa ni Caden.

"Sakanya okay na, sa akin hindi pa. Be ready tomorrow. Ang wala bukas.. doble ang parusa." Seryosong saad ni Caden at hinila na ako. Linampasan na namin sila.

"Ready na kami for tomorrow, Captain!" Saad ni Sky. Napalingon ako kay Caden. Anong gagawin nila.

"Dapat maaga magstart" saad pa ni Carl. So alam nila to? Pati sila?

Tatanungin ko pa sana si Caden pero sumabat si Dos.

"Tara! Loft tayo!" Pag-yaya ni Dos. Hindi ako umangal dahil gusto ko rin lumabas ngayon.

Rinig ko ang pagsang-ayon ng lahat. Pati ang mga pinsan ko ay game na game. Tinungo na namin ang parking.

"Adrian" tawag ni Caden sa kakambal ko. Nagkibit balikat nalang ako at lumapit kay Tulip. Kita ko ang mata niyang nang-aasar. Napailing nalang ako habang tumatawa.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon