"Oo! Iisa ka lang namin anak kaya ayokong may mang yari sayong masama! Kaya umuwi na tayo!"

"Tss, ayoko dad. Hindi na ako bata! At isa pa pulis kayo dad, kaya hahayaan nyo nalang ba ako na maging mahina? Hindi nyo ba ako hahayaan na tumayo sa sarili kong paa? Hahayaan nyo nalang ba ako na laitin nang iba at apihin na wala man lang kalaban laban?! Kilala nyo ako dad noon, isa akong nerd na laging binubully! Pero nang dahil sa kanila, nakaramdam ako nang acceptance! Binago nila ako dad, kaya nga ngayon hindi na ako nerd diba? Hindi na ako binubully nang iba! At isa pa, sila ang nag tanggol sa akin noon! Kaya naman IPAGTATANGGOL ko rin sila ngayon! Hinding hindi ko sila iiwan dad, kaylangan nila ako ngayon!" Pagmamatigas ko. At dahil duon nawala na yung galit sa muka nya. Tumingin sya kay Riza saglit, tapos ay umalis na sya.

"Natauhan na ata ang dad mo" sabi ni Riza

"Alam ko na mahal na mahal nila ako. Pero hindi na ako bata, dapat marunong ko nang ipagtanggol ang sarili ko na wala sila. At isa pa..." Tumingin ako sa kanya "nandito na kasi yung kaligayahan ko. Nasa tabi ko lang" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ang korny mo Patrick" natatawa nyang sabi "alam mo tara na, tulungan na lang natin si Christian" sabi nya tapos ay nag lakad na sya palayo sa akin kaya naman sinundan ko na sya.

...

Alexis POV

"Pag tanda natin, dito tayo titira sa amin. Wala naman kasi lagi sila mom at dad kaya sobrang lungkot dito sa bahay. Kaya gusto ko dito tatayo bubuo nang masayang pamilya. Tapos dito sa garden, dito mag lalaro ang mga anak natin" sabi ni Brix sa akin habang nakangiti pa

"Anak talaga agad ha. Wala pa nga tayong isang taon eh" sabi ko

"Mas masaya kasi diba kung yung future mo na agad yung inisiip mo? Tulad ngayon, hindi ko lang iniisip yung future ko kasi katabi ko pa sya" sabi nya sabay sundot nang tagiliran ko.

"Ano ba! Brix naman eh!" Sabi ko dahil nakikiliti ako.

"Oh bakit?" Tanong nya sabay sundot ulit sa tagiliran ko. At dahil ayaw nyang tumigil nag habulan tuloy kami dito sa garden nila.

Isang alala na kahit kaylan ay hindi na pwdeng balikan.

Pinunasan ko yung luha na tumulo. Kahit ayoko na umiyak, hindi ko mapigilan na di pumatak ang mga luha ko kapag na aalala ko sya eh. Mag iisang taon palang kami, madami pa kaming pangarap. At yung pangarap na yun, hindi na pwdeng matupad pa dahil wala na sya. Iniwan na nya ako.

Ang Kanyang Pag Babalik!Där berättelser lever. Upptäck nu