"so,he is living with the whore" nagcross arm pa sya sa harap ko. Tiningnan ko ito at saka binalik ang mata sa mata nya.

 "so?" Taas ko ng kilay.

 "Pwede ba? wag ka na magpanggap! iiwan mo din naman sya at ipagpapalit sa iba't ibang lalaki na makikilala mo! ano pa kailangan mo sa kanya?" pigil pero galit ang expression nya.

 "sya nalang kausapin mo dahil wala ako pakelam sa kung ano meron kayo" Sabay sarado ng pinto. Malakas na kalabog  ang narinig ko pagtalikod ko sa pinto, Sirain nya na yan!

 "bitch" bulong ko. Umupo ulit ako sa sofa ko pero napatingin ako sa calendar sa tabi ng TV.

 Tumayo ako para makita ng mabuti ang calendar. Naalala ko kasi na sabi ng doctor ay madalas dapat ako magpunta sa kanya pero isang buwan mahigit na ang nakalipas nung nagpunta ako sa kanya. Bigla ko naisip na bakit wala pa ko regla  dahil ang alam ko ay third week lagi,. Bigla ako kinutuban, ayaw ko isipin pero nataranta ako. Shit. 

 Dali dali akong pumunta sa banyo, tiningnan ko ang panty ko pero walang kahit na ano. Teka bakit ba ako kinabahan e iregular ako, isa pa nangyari na ito sakin noon. Bumaba ulit ako para ipagpatuloy ang sisimulan kong movie.

  Kinabukasan ay pumunta akong doctor, pang isang buwan ang binili kong gamot. Pinagalitan pa nga ako dahil daw baka bigla daw ako atakihin ay iyon pa ikamatay ko.

 Umuwi ako na may dalang pizza, Pagkabukas ko ng sala ay agad kong dinatnan si mr chavez na nakatingin sa TV pero hindi naman bukas. "oh? pizza" nilapag ko ito sa harap nya pero parang wala lang sa kanya.

Tatalikod na sana ako pero "bakit di mo sinabi sakin na may sakit ka?" napalingon agad ako sa pwesto nya.

 "anong drama ito?" humarap sya sakin at tinaasan ko sya ng kilay.

 "drama? seryoso ang sakit mo loraine" pigil nyang galit "pano pag napapagod kita..... o napapagod ka?" inirapan ko sya.

 "o.a mo" tumalikod ako sa kanya para maghugas ng kamay.

 "loraine...." maamo nyang sinabi sakin, humarap ako sa kanya.

 "please kung gusto mo maging normal ang lahat, babaliwalain mo ang sakit ko" pakiusap ko,saka ulit nagpatuloy sa paghuhugas ko ng kamay "maghugas ka ng kamay bago ka humawak ng pizza" nilampasan ko syang nakatitig sakin.


 After namin ng paguusap na iyon ay sumeryoso sya masyado. Ilang araw na syang umiiwas sakin at parang may sasabihin pag kaharap ako pero hindi nya masabi.

 May mga araw na tigang ako sa kanya pero tumatalikod sya sakin sa higaan. Sinusuyo ko pa nga para lang palibugin nya ko pero nakakainis dahil ayaw nya akong makasex, lagi dahilan nya ay "pagod ako" pero di ko yun makita sa mga mata nya.

  "kaya naman pala dumami ang ginagawa natin" isang bulong ? hindi sya bulong kasi medyo malakas ang pagkakasabi nya. 

 "oo nga" napalingon ako sa dalawang babaeng naguusap sa kabilang table. Agad silang umirap sa pagtingin ko sa kanila but i smirked to them.

humarap ulit ako sa computer ko at binalewala ko sila

 "hoy,tang ina mo.... ikaw gumawa nyan! kaya pala dami ko ginagawa ay dinagdag sa amin ni sir ang para sayo" tiningnan ko ang makapal na mga folder at tumingin ako sa mukha nya.

 tinaasan ko sya ng kilay "sayo pinapagawa diba? bakit mo sakin pinapapasa?" nagcross arm ako sa harap nya at tamad na sumandal sa chair ko.

 "punyeta ka! di ko sakop ang computation ng finance! sayo dapat yun dahil ikaw ang assistant" gigil nya "tapos yung mga dapat mong tinatrabaho ay pinapatrabaho sa ibang hawak nya dito." galit na galit ang aura nya.

 "ask mr chavez first bago mo ipasa sakin" mataas padin ang kilay ko "and..... diba sipsip ka? why dont you do that and tell to our head kung ganoo mo kabilis at pinaghusayan ang paggagawa ng trabaho ko" ngumiti ako "baka mapromote ka diba?" narinig ko ang pagsinghap ng iba at bulungan.

 "tang ina mo!" susugod sana sya pero inawat sya ng mga katrabaho namin at hinala papalayo sakin.

 Umiling ako saka ako tumayo pero naisip ko na hindi pwede ako magyosi....punyemas!

 Pero lumabas padin ako at pasikretong bumili ng mentol na sigarilyo sa gwadya ng palihim. Dito madalas nabili ang ilan dahil bawal magbenta dito. Kinuha ko ang gamot ko sa bag at bote ko ng tubig kung sakaling atakihin.

 Pumunta akong smoking area at saktong ako lang ang tao doon dahil oras ng trabaho. Sinindihan ko ang mentol pero umasim ang mukha ko dahil sakit sa lalamunan. Pinapakiramdam ko ang epekto, pangatlong hithit ko ay may narinig akong nagbukas ng pinto sa likod ko pero di ko pinansin hihithit na sana ako ng biglang may umagaw ng sigarilyo ko.

 "tang ina naman!" inis ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "problema mo?"

 "pasok! oras ng trabaho." galit at pigil ang bawat salita nya.

 "tsk, saglit lang ako" umirap ako.

 "langya! gusto mo talaga mamatay ano?" hinawakan nya ang braso ko "alam mong magtritrigger ang sakit mo dahil jan sa yosi mo!" inis kong hinawe ang kamay nya.

 "bakit may pakelam ka?" edi mamamatay kung mamatay na. langya, ganareng di nya ako pinapasarap sa kama e.

 "bakit ang tigas ng ulo mo loraine?" nilampasan ko sya para di ko na marinig ang drama nya. pero nakakailang hakbang palang ako ay napatigil ako "di ko kakayanin pag may nangyari sayong masama,please makinig ka sakin" itinuloy ko ang pagbalik ko sa loob ng lutang at confused.




SEXMATE storyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें