Kabanata 16

195K 4.4K 548
                                    

Can't forgive

Namamanhid na ang sakit ng katawan ko. Mas okay na to, hindi tulad kanina na sobrang sakit.

"Papunta na sila Montgomery. They're really fucking mad. Sumakit ang tenga ko Captain." saad ng isa sa mga kasama niya. Sky ata kung hindi ako nag kakamali ang pangalan. Ang isa naman ay si Jacob.

Napapikit ako, I can somehow imagine their faces especially Adrian's.

"Well, that's normal. She's a princess." Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Siya naman ay ngumisi lamang sa akin.

"I'm not." Mahina kong saad.

Dinala niya ako sa clinic at marahang binaba sa isa sa mga kama doon. Mabilis din akong umupo at kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Stop over reacting Caden. Hindi ako na fracture. Kalmot at sakit lang ng katawan ang inabot ko." Saad ko sakanya at pinagmasdan ang braso ko. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Mamula-mula ang mga 'yon.

Nangingilid ang mga luha ko. Never ko pa na-experience ang bagay na 'to. I was never hated. Maybe disliked pero hindi aabot sa sasaktan ako.

Umupo siya sa harapan ko. Itinukod niya ang isa niyang binti. Nag-angat siya ng tingin sa akin at hinawakan ang kamay ko. Naninikip ang dibdib ko sa klase ng tingin niya sa akin.

Pumatak ang luha ko at nahulog iyon sa kamay niya. Mabilis ko iyong pinunasan. Kita ko ang halong galit at lambot sa tingin niya. Alam kong nagpipigil lang siya.

I like it.. how he looks at me, I like it.

"I'm so sorry Grace. I was late." Umiling ako ang kumagat sa labi ko. I was trying my best not to make a sound. Ayokong humikbi sa harap niya lalo na at nandito ang dalawa niyang kaibigan.

"Wala ka naman kasalanan.." saad ko sakanya pero hinigpitan niya lamang ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Inabot niya ang mukha ko dahan-dahan at pinunasan ang luha ko.

Rinig ko na ang lakas ng pintig ng puso ko. Ngayong nasa harapan ko siya ay halos makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Ngumiti siya sa akin kaya lalong nanlambot ang puso ko.

I can't bear this.. he's too much.

"Sinaktan ka nila. I can't forgive them." Marahang napaawang ang labi ko. Why is he being like this?

"You should forgive them.. they did that for you." Wika ko pero nag salubong lamang ang mga kilay niya. Umiling siya at huminga ng malalim.

"Hurting you means hurting me. They should know that by now. Ilang beses ko na inulit sakanila na protektado kita pero walang nakikinig sa mga- sakanila.." kita ko ang pagpipigil niya na magsabi ng masamang salita.

Napangiti ako dahil doon. Gusto ko man siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya ay alam kong hindi ito ang tamang panahon para doon.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang braso ko. Inagaw ko sakanya 'yon pero masyado siyang malakas.

"Fuck." Saad niya habang pinagmamasdan ang mga kalmot sa braso ko. Nagtagis ang kanyang bagang.

Napatingin ako sa mga kaibigan niya na pilit nagiiwas ng tingin. Nahihiya tuloy ako sakanila. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero lalo lang niya akong nilapit sakanya. Napaawang ang labi ko sa marahan niyang paghila sa akin.

Narinig ko ang marahang pagtikhim ng mga kaibigan niya. Nakakahiya!

"Nasan na ba ang nurse? Ang tagal!" Naiinip niyang saad. Marahan kong pinisil ang kamay niya. Kulang sa patience ang lalaking to.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon