Hindi ko kaya.

Mami-miss ko nang sobra ang dragon na 'yon 'pag pinaghiwalay kami ni Mama.

Pero 'di ba walang sekretong hindi nabubunyag?

Mahal ko si Dee.

Pero mahal ko rin si Mama.

Haaay... Ano ba talaga?

Napabuntonghininga na lang ako. Ano ba 'yan! Nai-i-stress ako.

"Oh? Ang lalim naman no'n, anak. May problema ba?" pagkuwa'y tanong ni Mama.

Sasabihin ko ba o hindi?

Pero baka maghalo ang balat sa tinalupan.

Haaay...

"Mama... M-may sasabihin po sana ako , eh." Kagat-labing saad ko.

Wish me luck!

"Ano ang sasabihin mo, anak?"

"B-boyfriend p-po."

Deym! Paano ba 'to?

"Ang ibig mo bang sabihin ay may boyfriend ka na, anak?" Nahihiyang tumango ako na ikinatawa ni Mama.

"Hindi naman ako nagulat pa roon, anak. Sinong hindi mahuhumaling sa alindog mong 'yan. Teka, sino naman ang masuwerteng lalaki na nakasungkit ng puso mo?" Nagagalak na tanong ni Mama.

Napatungo naman ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"E-eh... M-mama... Hindi ko naman po sinasadya, eh."

"Huh? Bakit, anak?" Kunot-noong tanong nito.

"Promise! Hindi ko po talaga sinasadya at wala po akong kaalam-alam," nakataas-kamay na untag ko.

"Bakit ba anak? Ano ba 'yang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nito.

"SiSkeetAlvanMijarespoangboyfriendko." Mabilis na wika ko kaya lalong kumunot ang noo ni Mama.

Haaay... Paano ba 'to?

"Bagalan mo kasi, anak. Hindi kita naiintindihan, eh."

"Basta, Mama, huwag po kayong magagalit, ha?"

Napabuntong hininga naman si Mama.

"Bakit naman ako magagalit, anak?"

"Basta po mag-promise kayong hindi kayo magagalit."

"Oo na. Pangako hindi ako magagalit, anak. Sabihin mo na."

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim.

"S-si.... A-ano po kasi.... Ang b-boyfriend ko po ay s-si...."

"Si?" Turan ni Mama na naghihintay ng sasabihin ko.

Waaah!

Hindi ko kaya!

Huhuhu...

"Hindi ko po sinasadya, Mama... pero boyfriend ko po si S-skeet Alvan Mijares..."

Eh?

Bakit ko 'yon sinasabi?

Pinagmisdan ko ang reaksyon ni Mama kahit natatakot ako.

Nakaawang ang mga bibig nito at laglag ang kanyang mga panga. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata.

Namayani ang mahabang katahimikan.

Gano'n pa rin ang reaksyon ni Mama pagkatapos ng mahabang katahimikan. Naka-perfect "O" pa ang kanyang mga bibig kaya hinawakan ko ito para isarado. Baka kasi pasukan ng kung anu-anong insekto mula sa paligid.

The Untouchable BeastWhere stories live. Discover now