Paulit ulit na tatatak sa memorya ko ang espesyal na araw na ito. Ipinagpapasalamat ko na nabiyayayaan ako ng maayos na kasal katabi ang mahal ko.

"Baby, noong unang nakita kita, inaantay ko talagang sabihin mong ang gwapo gwapo ko pero nagkabaliktad, ako ang namangha sa kagandahan mo." Natawa ako sa pagsasabi ng totoo ni Deuce. Nahiya din ako dahil masyado namang papuri ang kanyang sinasasabi.

"Sabi ko non sa sarili ko, pasasayahin ko ang babaeng ito buong buhay ko-- but I failed. Naging marupok ang katawang lupa ko.. Naging lalaking mababa ang lipad.." Tumawa ang mga bisita namin kahit nangingilid na ang luha ni Deuce, hindi naman kasi sya nagbibiro, ganito lang talaga sya. Buong suyo kong hinaplos ang mukha ni Deuce.

"Pero lahat yon, pinagsisisihan ko. Hindi ako perpektong tao. Gwapo lang talaga ako. Sa totoo lang ilang beses kong pinilit na pumantay man lang sa kabutihan mo, hindi ko kaya eh. Talo ako Baby. Simula naunawaan ko na ang pag-iwan mo sa akin noon ay hindi tanda ng pagsuko kundi sakripisyo, mas lalo kitang minahal." Nanginig ang labi ni Deuce habang nakatingin sa aking mga mata. Suminghot sya at mukhang nahihirapan sa gustong sabihin.

"But Baby, I just want you to know that when you will leave me again--" Huminto si Deuce at napasinghap. Iniangat nya ang kamay naming magkahawak na hindi pinuputol ang tinginan namin "----I will hold your hands this tight. Dahil ang paraan ng pagmamahal ko sayo ay taliwas sa sakripisyo. I want you to know that I can give up everything, except you. Tandaan mo yan."

Inayos ni Deuce ang kanyang bowtie bago nagsalita ng panibago. Napangiti sya at namumula ang pisngi, mukhang nahihiya sya.

"Pag nagkaanak tayo, sana kamukha mo. Sana kasing bait mo, sana kasing tapang mo. Sana makuha nya ang lahat sayo, but if they will be weak, turuan mo silang maging kagaya mo, because I am sure they will be proud of themselves when they grow up. I love you Baby.."

Tumango ako habang pinapalis ni Deuce ang luha ko. Paulit ulit nyang pinadaanan ng halik ang mga labi ko. Nagpalakpakan ang mga tao. Masayang masaya para sa amin..

Pero ganoon nga siguro talaga, mayroong lubak sa bawat kalsada. Dadaan at dadaan kayo sa isang mabato na daan at hindi iyon maiiwasan.

Lumipas limang taon sa amin......

"Ma'am Raeven.. Hindi po talaga tatanggap ng bisita ang nasa loob ng function room. Close door meeting po kasi.."

Pinandilatan ko ang humaharang sa akin na receptionist ng restaurant kung saan ko hinanap sa pamamagitan ng tracker si Deuce. Hindi nya alam na inactivate ko yon sa kanyang cellphone.

"Close door?! Dalawa lang sila!" Pagpupuyos ko! Ilang ulit na ba nangyari ang ganito? Makikita ko si Deuce sa isang lugar tapos bigla syang mawawala kapag sinabi kong nasa parehas na lugar lang ako. Ngayon ay wala na syang kawala! Kapag nakalusot pa sya sa pader kung saan siya nakikipagmeeting, ewan ko na lang!

"Ma'am kasi---"

Walang pakundangan na binuksan ko ang pinto na pribado sa restaurant, doon ko nakita si Deuce na nakikipaghalakhakan sa isang babae na di hamak na mas bata sa kanya.

"R-rae---" Gulat na gulat pa si Deuce pagkakita sa akin. Pinanliitan ko sya ng mata.

"Excuse me, Reese. Can I have a second with her?" He smiled apologetically to the girl, tumango din ito pabalik. Maingat nya pang sinarhan ang pinto bago ako hinarap.

"Raeven.. Ano bang ginagawa mo dito? Nasa trabaho ako.." Bulong ni Deuce habang inaaalalayan nya ako papalabas ng restaurant.

"Trabaho? Nakikipagharutan ka sa kanya--"

TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now