Part 2.5

264K 5.6K 638
                                    



Dahilan.


xxDalisayxx


Umalis si Martin sa apartment ni Jolina dahil hindi ko nasagot ang kanyang huling tanong.

Paano nga kaya kung mahalin ni Deuce ang bagong pagkatao ko? Hindi pupwede hindi ba?


Dahil si Dalisay ay hindi totoo.


Si Dalisay nabubuhay lang para tulungan syang umahon.


Si Dalisay ay ako. Ang taong inakala nyang patay na.


I really don't have any plans of showing up again. Two months ago, nag-iintay ako ng resulta kung nalabanan ko ba ang cancer cells sa katawan ko. But I was ready. I was hoping that by this time Deuce is already happy and I could die easily. Sapat na ang tatlong taon para makuha si Clover o kung hindi naman, sapat na ito para makahanap ng bago nyang mamahalin.


Ayoko syang matali sa responsibilidad sa akin. If he wanted to catch the love of his life, he should be free to do it. Hindi ako kumapit sa maliit na posibilidad ng pangako nya noon. He knows I love him, I know he felt it. At sinabi nya ding mahal nya ako para may kapitan ako, para lumaban ako.


Mahal nya ako dahil may sakit ako.


Mahal nya ako kasi nakakaawa ako.


Mahal nya ako para may panghahawakan akong pag-asa na lumaban.


I don't want to be selfish. Alam kong mas lalo syang matatagalan na kunin ang babaeng pinapangarap nya kung ginawa ko syang bilanggo sa kalagayan ko. Mamatay din naman ako sa huli, bakit ko pa sya itatali sa buhay ko? Life is so short, I know that. We have to live chasing what we want as much as possible. That time, I want Deuce but I know my deadline, I was left with one choice, to sacrifice my own happiness.


Siguro kung magmamahal man sya ng iba kapag wala na ako, hindi na ako masasaktan kasi hindi ko na makikita. That was my thinking...


Kaya lang kapag ngayon sya magmamahal ng iba, makikita ko pa pala. Masasaktan pala ako ulit. Hindi ko alam kung kaya ko.


Bumagsak ang balikat ko sa isiping iyon. Ipinahinga ko ang likod ko sa matigas na upuan ni Jolina. Dito ako tumitira kapag nandito ako sa Pilipinas. Ayaw kong manirahan kya Martin o kahit pa sa bahay na iniaalok ni Attorney Hades sa akin. Sobra sobra na ang naitulong nilang dalawa sa akin at kay Ysobelle.


Ang apartment ni Jolina ay kasya lang para sa aming dalawa na may tig-isang kwarto. Tiningala ko ang kulay dilaw na light bulb sa kisame. Nakasabit lang ito ng hindi maayos at sumasayaw kasabay ng pag-ikot ng electric fan. This place saw everything about my comeback. Sa lugar na ito, pinakiusapan ako ni Attorney Hades na bumalik dahil miserable si Deuce, noong una ayaw kong maniwala na iyon ay dahil sa akin.



Bumagsak ang ilang bahagi ng buhok sa aking mukha at hinipan ko ito ng hangin para umangat. Napatingin ako sa mga lobo na nakatali sa arm rest ng sofa na aking hinihigaan, naalala ko si Deuce.

TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon