Kabanata 10

256K 6.9K 794
                                    


Maki Say's: Taray ni Deuce-Ko-Lerd, numa-number 94 agad sa Wattpad Worldwide. Salamat sa nagbabasa :) By the way, fast paced chapter ito. And Yahoo! WHIRLWIND timeline na next chappies :) (Thanks for your kind and sweet messages about my health. I am a bit okay now. Thank you! )


Let Her Go.

xxDEUCExx



"Deuce, let's go. She won't be coming."



Inalis ko ang kamay ni Daddy sa aking balikat. I couldn't believe it. Masaya kami kahapon. Sinabi nyang mahal na mahal nya ako. Where is she now?



Nanatili akong nakaupo sa harap ng simbahan. I am still wearing my suit. Kahit nagising kaninang umaga na wala sya, I still pushed through with the preparations, wala akong pina-cancel na supplier. From our priest to catering. Kahit ang mga bisita ko ay nagpunta din.


Umasa ako, hindi nya ako iiwan dito, hindi nya ako hahayaang nagkakaganito.



"Kuya." Nag-angat ako ng tingin kay Tres. "Kuya, gabi na." Naikuyom ko ang mga palad ko. Alam kong gabi na, at habang gumagabi, mas lalo akong nawawalan ng pag-asa.



"Wala akong pakialam! T*ngina wala akong pakialam. Hanapin nyo si Raeven at sabihin nyong nag-iintay ako dito! Mag-iintay ako dito. Dad! Use your connections!" Desperadong sigaw ko.



"Deuce, she left you. Ano ba ang hindi mo maintindihan don?" Matigas na sabi ni Daddy.


"Umalis na kayo! Baka ayaw magpakita ni Raeven sa inyo. She might just want to talk to me. Just leave! All of you!"


"Deuce.. Let's go home first. Let's settle this as a family." Ate Unah sat down beside me. Humilig ako sa kanyang balikat at umiyak.



"Umalis sya Ate Unah.. Nangako sya, nangako sya na hindi nya ako iiwan. Sinabi ko sa kanyang ipapasa ko ang Bar para sa kanya. I promised her the top spot basta hindi nya ako iiwan."



"Things change, people change. Siguro hindi pa natin alam ang dahilan nya ngayon but you will get through and you will know the truth. You are a strong man, Deuce. You'll get through this.." Niyakap ako ni Ate Unah. Maya maya pa ay narinig ko na ang tahimik nyang pag-iyak kasama ko. Alam kong naawa sya sa akin.



Nang halos magaalas dose na ng madaling araw tumayo na ako. Hinawakan ni Ate Unah ang kamay ko, sya na lang ang naiwan dito sa simbahan para samahan ako and I know I have to go home para makapagpahinga na din sya.



"P*tngina Raeven! Ang sarap naman ng pa-anniversary mo sa akin!" I shouted as I stood up in the middle of the church grounds. Wala akong pakialam kung may makakarinig sa akin. This is too painful to bear.



I gave her my all. Ano pa bang kulang para iwanan nya ako? At least I deserve an explanation! For two f*cking years minahal ko sya ng sobra. Pinaramdam ko sa kanya. Why she would do this on our special day?



"Deuce, tama na." Ate Unah said.


Sumama ako kay Ate Unah pauwi ng gabing iyon, with one thing in mind, hahanapin ko si Raeven. Sa kabila ng sama ng loob ko na hindi sya dumating ngayong araw na to, mas lamang pa din ang pag-aalala na baka napahamak sya. Pinilit kong hanapin sya ng mga sumunod na araw. I even tried to look for her school records at nahanap ko ang address na tinirhan nya but no signs of her.


"Deuce, where are you? Hinahanap mo na naman ba sya?" Tanong ni Daddy sa telepono. I shook my head, sumandal ako sa pintuan ng bahay nila Raeven at ramdam ko na ang pagod.



TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now