Kabanata 4

322K 7.3K 651
                                    

Bawat Segundo.

"Raeven! Ang bagal!" Napabalikwas ako ng bangon ng bumuhos sa akin ang malamig na tubig.

"N-nay!" Gulat na gulat na sabi ko, basang basa ako ng husto, kitang kita ko ang pitsel na ibinuhos nya sa akin. Wala na iyong laman.

"Yan na ang huling tubig na natitira! Di ba sabi ko mag-igib ka ng alas singko dahil maliligo na ako! Bakit wala pa? T*ngina naman Raeven! Napakamantika mo matulog! Kung hindi ka lang talaga sa akin ibinilin ng ama mo, matagal na kitang pinabayaan!"

"Sana nga ho pinabayaan nyo na." Bulong ko habang tinutuyo gamit ng kumot ang mukha ko.

"Ano? Anong sabi mo? Bastos ka talagang bata ka!" Pasigaw na sabi sa akin ni Nanay. Hindi ko alam kung anong karapatan ang mayroon ako, dahil ang bahay na ito ay alam kong akin. Kung hindi lang masamang magpalayas ng matanda, matagal ko na syang pinaalis. Lagi ko na lang inaalalang minahal din naman sya ni Papa kaya kailangan ko din syang kalingain.

Nagbihis ako ng malaking tshirt at shorts. Pupungas pungas pa akong naglakad sa maliit na eskinita patungo sa igiban ng tubig. Buong lakas kong binomba ang poso at pinuno ang dala ang balde na dala ko.

"O Raeven, hindi mo pa ipabitbit yan kay Angelo?" Ngumiti ako ng tipid kay Mang Soc, ang mayari ng poso na pinag-iigiban ko. Matagal na nyang inirereto sa akin si Angelo na kanyang anak. Napapangiti na lamang ako.

Si Angelo ay isang Angela sa gabi at walang kaide-ideya ang kanyang ama. Si Angela nga ang nagmakeup sa akin nung nagapply ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko ngayon.

"Hindi na ho, Mang Soc. Exercise na din." Tumango na ako at nilagpasan sya. Narinig ko pang sinisigawan nya si Angelo na nakatambay sa tindahan na madaming kasamang binatilyo at inuutusan itong tulungan ako. Nagmadali ako sa paglalakad dahil nakakahiya naman kung ganon. Baka magreklamo  sa akin si Angelo kapag sumakit ang katawan nya.

Binaba ko ang bitbit kong balde ng maramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone. Tinatawagan ako ni Deuce, kadalasan ay mahaba ang tulog nya tuwing Miyerkules dahil panghapon lang ang klase nya and this call is too early for him.

Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago sagutin ang tawag.

"Hi Babe.." Bati ko ng masaya.

"Hello Babe.. Kamusta ka? Gising ka na ba?"

Napangiti ako sa boses ni Deuce na halatang inaantok pa. Paos ito at halos pabulong. Ang cute cute kapag naiimagine ko ang kanyang mukha na hirap maidilat ang madidilim nyang mga mata.

"Uhmmm. Oo gising na. Ikaw? Inaantok ka pa ata tapos tumawag ka na."

Ilang segundo bago sumagot si Deuce. Humugot muna sya ng malalim na paghinga.

"Napanaginipan kasi kita. Ipinagpalit mo daw ako sa manager mo." Aniya ng seryoso.

I rolled my eyes. Lumipad ang tingin ko sa aking paanan. Pinalis ko ang tuta na lumapit sa akin para humingi ng pagkain.

"Babe, dalawang buwan na nating issue si James. Gusto mo bang magresign na lang ako?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sumandal ako sa pader at pinahinga ang aking likod.

"Pwede bang ganon na lang, Babe? Magresign ka na lang. Kaya naman--" Napapikit ako.

"Maghihiwalay tayo kapag ganyan." Pagbabanta ko.

Alam kong mahirap ang buhay but my life is being crafted this way. Wala akong karapatang magreklamo kung bakit ganitong klaseng buhay ang binibigay sa akin. Alam kong lalabas akong matatag pagkatapos. Ang mga taong kinikinis daw ng husto ay pinagpala, umaasa akong ganoon din sa kalagayan ko. And I know, Deuce is one of the biggest blessing that I have.

TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now