Part 2.8

286K 6.5K 344
                                    

                  

Why?


xxRaevenxx


"Ate!" Sinalubong ko si Ysobelle sa airport hila ang napakalaking maleta. Kakabalik nya lang mula sa Amerika.


"Bakit ang dami mong dala? Hindi ka ba nahirapan?" Nag-aalala kong tanong. Ngumiti naman ang kapatid ko at umiling. Sumilip ako sa kanyang likuran at doon ko nakita ang isang may katangkarang lalake, palagay ko ito ang tinutukoy ni Ysobelle na manliligaw nya sa bago nyang trabaho doon.


"Ate, this is Grant, Grant, this is my Ate, Ate Raeven." Pormal na pagpapakilala ni Ysobelle.


"Hello." Bati sa akin ni Grant ng mayroong English Accent, I just nodded and smiled. Lumapit sa akin si Ysobelle at hinaplos ang aking tyan.


"Ang bagal naman lumaki!" Puna nya sa aking sinapupunan.


"Dalawang buwan pa lang! Alangan naman malaki agad." Umismid ako pero kapagkuwan ay ngumiti din.


Yes, I am pregnant. Nagbunga ang ginawa namin ni Deuce nitong huli. Malungkot akong ngumiti ng ako naman ang humaplos sa aking tyan.


"Hindi pa din ba sya nakikita ni Tito Hades?" Tanong sa akin ni Ysobelle. Binibitbit na ni Grant ang maleta ng kapatid ko patungo doon sa cart.


Umiling ako. Sabi sa akin ni Attorney Hades malapit na syang makita, kaya lang tuwing malapit na syang makita, magtatago ulit sya. Siguro ayaw nyang maging tatay kaya ganon. Nararamdaman nya kaya na nabuntis nya ako? Sinadya nya kaya?


Dalawang buwan na syang hindi nagparamdam. Gusto kong mainis ng husto kaya lang, bawal sa akin ang mastress. Tanging si Ysobelle lang ang nakakaalam ng kalagayan ko pati na din si Phen kaya doble ang hirap. Hindi ko maipagsigawan dahil ayokong malungkot ang mga tao dahil sa kalagayan ko.


"Belle!" Tumili si Phen habang bumababa ng kanyang sasakyan. Sinalubong nya ang kapatid ko. Hindi na sya nagpapractice ng pagkadoktor dahil nagkaroon sya ng foreigner na boyfriend na syang sumusuporta sa kanya. Pati tuloy ako ay nagawa nyang ampunin at ngayon pati si Ysobelle ay babalik sa pangangalaga nya.


"Ganda mo teh! Ang pogi ni Kuya oh. Naiintindihan ba ako nyan?" Nginuso ni Phen si Grant na nakangiti lang dahil hindi naman naiintindihan ang aming pag-uusap.


"Hindi po, Ate Phen. Nagpunta sya dito para magbakasyon." Paliwanag ng kapatid ko.


Sumakay kami sa sasakyan ni Phen at nagdrive sya patungo sa kanyang bahay.


"Eh paano naman si Tres? Laging nasa TV ang mokong ah, pinag-aagawan ng mga artista." Sumilip pa si Phen sa rearview mirror para tingnan ang kapatid ko.


"Ewan ko po sa kanya, bahala po sya sa buhay nya." Ngumuso si Ysobelle at tumingin sa labas ng bintana.


"Sus! Alam mo masyado kayong pabebe nitong Ate mo. Ano, naging masaya ba kayo? Ikaw, english ka ng english para makakuha ng boylet, etong Ate mo naman, naging dalagang ina!" Humalakhak si Phen kaya siniko ko sya.


"Ang sama mo, Phen! Marinig ka ng baby ko."


"As early as two months, hindi pa nadedevelop ang pandinig---"


"Tigilan mo ako sa pangaral mo, Phen. Wala ako sa mood." Umirap ako kunyari. Alam na alam ni Phen ang mga pinagdadaanan ko sa pagbubuntis kaya naalalagaan akong mabuti, kaya lang ramdam ko pa din ang kulang. Hindi naman talaga magiging buo dahil ang dami pang question mark sa future naming dalawa ng baby.


TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now