Kabanata 3

328K 7.7K 530
                                    


Everything Happens for A Reason.


"Pahingi ng pera. Rae. Bangon, pahingi ng pera." Pupungas pungas pa ako at nabungaran ko agad si Nanay na amoy alak.

"Nay, maaga pa. Bibili na naman kayong alak? Pababain nyo na muna yan sa sikmura nyo." Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagsipa ni Nanay sa kama ko.

"Nagrereklamo ka na? Pasalamat ka kinupkop kita nung nakulong ang Tatay mo. Anong pinagmamalaki mo ha?"

"Wala po. Sabi ko nga po Thank you at kayo ang naging madrasta ko." Padabog kong sabi bago tinungo ang bag ko at inabutan sya ng isang daan.

"Kulang to. Tinitipid mo na ako ngayon?"

"Wala pa po ang sweldo. Pamasahe na lang ang natira sa akin."

"Wala ka talagang kwenta." Iiling iling na sabi ni Nanay at lumabas na ng bahay. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko litrato ng pamilya ko sa ilalim ng unan ko. Maganda ang ngiti naming tatlo, si Mama, si Papa at ako. Kuha iyon nung huling bagong taon naming magkakasama, dahil nung taong din yon, binawian ng buhay si Mama dahil sa cancer.

Ilang buwan kong dinibdib iyon, hanggang sa inuwi ni Papa si Elena sa bahay. Sya na ang kinilala kong Nanay mula noon, pero di din nagtagal, pinagbintangan si Papa na nagkalat ng information doon ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nya doon sa kalaban nitong kumpanya. Alam kong hindi magagawa ni Papa yon dahil mabuti syang tao, narating nya ang pagiging supervisor ng pabrika sa sariling sikap nya.

"Papa! Wag nyo po akong iiwan!" Umiiyak na sigaw ko ng ilayo na sya sa akin ng mga pulis.

"Papa!" Ulit ko.

"Rae, anak... Babalik din ang Papa, mapapatunayan din na wala akong kasalanan. Lagi mong ipapanalangin---"

"Halika na." Hinila na sya muli ng pulis papalayo sa akin.

"Sir!" Tawag ko sa naka-Amerikanang nang-usig sa Papa ko. Nakakatakot ang mga mata nya pero hindi ako nagpadala sa takot kahit sampung taong gulang pa lang ako.

"Sir, wag nyo na po ipakulong si Papa. Sir.. Please po.. Wala na po akong Papa."

"I am sorry Hija, but justice must be served. Bawat pagkakamali ay may kapalit na kabayaran." Sabi sa akin ni Attorney Hades Montemayor.

"Bawat pagkakamali ay may kapalit na kabayaran.." Pinalis ko ang luha ko sa pag-uulit ng salitang iyon. Limang taon pagkatapos na makulong ni Papa, namatay sya dahil sa Tuberculosis, pagkalipas ng isang taon pagkatapos non, binawi ng kumpanya ni Papa ang kaso sa iilang mga tao na nasangkot kasama na ang Papa ko. Dapat ay malaya sya.

Pero dahil sa isang pagkakamali...

Kring..

Ilang segundo kong tiningnan ang mumurahing cellphone ko na nagriring, tumatawag sa akin si Deuce.

"Hello.." Pinilit kong pasayahin ang boses ko na kagagaling lang sa iyak.

"Hello Baby... Kamusta ang gising mo?" Malambing nyang tanong.

"Maganda. Boses mo agad ang narinig ko eh." Pagbibiro ko.

He chuckled like a teenager, kinikilig na naman sya kahit alam nya namang binobola ko lang sya.

"Ginising ba kita? Sorry ha. I just missed you. Anong oras ang out mo sa trabaho? Susunduin kita."

Tiningnan ko ang kalendaryo. Oo nga pala at hindi na pala ako sa school papasok ngayon. Nakakapanibago pa din kapag puro trabaho naman ang aatupagin ko.

TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now