Kabanata 12

272K 6.1K 554
                                    


No Remedy.


xxDEUCExx



"Who hired you?"


"Si Miss Suzette po." Buong pagmamalaki nyang sabi. Seriously, I really wanted to squeeze her to stop talking. Hindi ba sya mauubusan ng salita?


"Hindi mo ba ako kilala?" I raised a brow at her.


"Kilala na. Kanina hindi. Ikaw si Attorney Deuce Montemayor, minsan pangalawa minsan demonyo."


"You know that I could fire you by the way you speak, Miss Torres."


"You know you can't do that Attorney Deuce Montemayor, ikaw ang nagpakilala sa sarili mo. Hindi magandang pakinggan di ba? If you don't want to be called demonyo, don't introduce yourself as such. Hindi porket iningles mo lang, maganda na pakinggan. Saan ba ang pantry dito at igagawa na kita ng kape." Pag-iiba nya ng usapan. Hindi ako halos makapaniwala sa babaeng kaharap ko. She's lost cause a lunatic.


The long day started with that crazy girl, naging baliktad tuloy, imbes na ako ang kinakatakutan, ako ang umiiwas sa kanya. Baka kung anong nakakainis na naman ang gawin, uminit na naman ako ulo ko.


I can see her workstation from my office. Nadidistract ako lalo na pag nakikita ang mukha nya. Malaki talaga ang pagkakahawig nila ni Raeven lalo na sa mata, yun nga lang, Clover is really outspoken, ang daming sinasabi. Ang sakit sa tenga.


I was about to go home that day at nakakarinig pa din ako ng pagtunog ng computer. And I saw Clover typing something, marahil ay yung inuutos ko, sabi ko kasi sa kanya kanina, kung hindi nya matatapos ang pinapagawa ko in three days ay tatanggalin ko sya. For the first time, magvo-volunteer akong magtanggal ng secretary, hindi siya ang magkukusang umalis.


I was about to go home, kinuha ko na ang laptop ko ng makarinig ako ng paghikbi. I creased my forehead at iniikot ko ang paningin ko sa buong opisina, it's just me and Clover. 


Umiiyak sya?


Hindi agad ako mapakali, all those years akala ko madami na ang nagbago sa akin, pero isa pa rin pa lang ang nanatili sa akin. Ayokong makakita ng umiiyak.


"Take this." I offered her my hanky. "Umiiyak ka." Sabi ko. Mukhang hindi pa nya naintindihan ang sinabi ko at kinapa nya pa ang mukha nya bago kunin ang panyo ko.


"Thank you." She said pagkatapos ay kinuskos nya ang mukha nya ng walang pag-iingat sabay suminga doon. Napangiwi ako, nagtataka nya akong tiningnan. 


"Bakit? Hindi ka ba sumisinga?" Tanong nya.


"I do but for pete sake, nasa harap ka ng ibang tao."


"So?"


"Anong so? It's gross. Ugh. Umuwi ka na." Utos ko.


TOUCH ME AGAINWhere stories live. Discover now