Epilogue

648K 10.8K 1.9K
                                    





xxRaevenxx

Lahat ng gusto ko nandito. Simpleng mga bulaklak pero iniutos ni Deuce na punuin ang buong lugar.  Kaunti lang ang bisita, si Tatiana, si Phen, si Ysobelle, ilang kaibigan ni Deuce at ang buo nyang pamilya.

Nanginginig ang kamay ko, mula sa maliit na belo na sapat lang para takpan ang mukha ko, kitang kita ko ang pagluha nya habang papalapit ako.

Mag-isa akong naglalakad-- dalawa pala kami ng baby girl ko. Medyo malaki na ang tyan ko pero hindi ako nahiyang ipakita yon sa lahat, isang fitted serpentine gown ang suot ko, simple lang samantalang ang groom ko napakagwapo sa itim na tuxedo at puting panloob.

"Baby, bilisan mo nang onti ang lakad, excited na ako." Narinig ko pang bulong ni Deuce. Napangiti ako at di na napigilan ang pagluha.

Today, I am marrying the man that I love, and this time, nandito na ang mga mahal namin sa buhay. Hindi man naging perpekto ang pinagdaanan namin but God gave me a second chance to try it again. Ganoon talaga siguro yon, kung sino ang nakalaan sayo, kahit ano pang pumagitna sa pagitan nyo ay walang magagawa.

The destination made me realize how our journey became worthwhile. Walang nasayang na kahit ano, mas tumibay lamang kami at tumapang.

"Raeven, I am happy that you will be the new addition in my family. Napasaya mo ang anak ko." Kumislap ang mata ni Attorney Hades Montemayor nang makarating ako sa unahan at salubungin ni Deuce.

"Dad, don't tell her that. Baka sabihin nya patay na patay talaga ako sa kanya. Ipagdiinan pa daw ba?" Umismid si Deuce, napangiti ako at hinaplos ang kanyang mukha. Mapagbiro talaga ang asawa ko. Bahagya syang ngumiti at bigla na lang akong kinintilan ng halik sa labi.

"Ay hindi nakapag-intay ang lolo nyo!" Napalingon kami sa nagsalita, si Clover ang tumayong 'Best Woman' ni Deuce. Nabalitaan kong Man of Honour nya si Deuce sa kanyang kasal. Napaganda din nya sa suot nyang puting dress at nakakapit sa kanyang bewang ang asawa. Ang triplets nila ang tumayong flower girls, coin bearer at ang panganay naman ang ring bearer.

"Baka kasi mapaanak ka na kapag matagal!" Humalakhak si Deuce at nanunuyang tiningnan ang tyan ni Clover na naglalaman ng kambal.

"Pag mas lumamang talaga kayo ng anak kaysa sa amin, pagtatawanan din kita!" Umirap si Clover kay Deuce. Nahihirapan tanggapin ni Clover na puro kambal ang ipinagbubuntis nya pero kitang kita naman ang kasiyahan sa kanya.

"Mahal, niloloko ka lang.. Kalma na." Hinalikan naman ni Ashton si Clover sa kanyang mga labi.

Nakakakilig! Kahit siyam na taon na silang mag-asawa, hindi nababawasan ang pagtitinginan nila sa isa't isa. Hindi nga ako makapaniwala sa tindi ng pinagdaanan nila base sa kwento ni Deuce. Pero mula noon hindi na ako nakadama ng selos kay Clover, kagaya ko ay mahal na mahal nya din ang kanyang asawa.

"Halika na nga, Baby. Panira talaga ng moment ang madaldal na yan." Bulong sa akin ni Deuce.

Kinuha ko ang kamay ni Deuce at sabay kaming humakbang sa pulang carpet patungo sa pari. Nakangiti nya kaming sinalubong at tiningnan ang kamay naming magkahawak. Tumikhim aya at tumango tango.

"Ganyan nga. Kapag dumating ang pagsubok, dapat hindi lang sa masasayang bagay ang paghahawak nyo ng kamay. Dapat ay sa lahat ng oras." Panimula sa amin ni Father.

Nanatiling mapayapa ang buong seremonyas, humahampas ang malakas na hangin na nagmumula sa limang nakabukas na pinto ng dome, kung saan kami ikinakasal. Sumasayaw ang mga dekorasyong bulaklak at puting kurtina dahil sa ihip ng hangin. Sa labas ng dome ay malawak na hardin at dito din gaganapin ang reception.

TOUCH ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon