"syempre kapatid ang tingin nya sayo...baka napressure sya sa mga ginagawa mo ngayon, na halos araw arawin mo pagpapapansin" -Marie
"ako nga lang talaga tong nag-assume. Mula ngayon, paninindigan ko na talaga.. kakalimutan ko na sya"
bakit ba lalo ko syang gustong makita sa twing sinasabi kong ititigil ko na!!!!!
CHANGE TOPIC!!!!
Nananahimik lang akong nakatambay dito sa balcony sa bahay ng biglang narinig kong may pumapanik mula sa hagdanan.. paglingon ko si Harold O_O
nagkatinginan lang kami, parang nagulat pa syang nandito ako -_- pero yumuko lang sya at dumerecho na papasok ng kwarto nya -_-
binalik ko nalang paningin ko sa kung ano man tinitignan ko sa labas >.<
hindi ako affected! wala akong pakialam kahit hindi nya ko pansinin!!! wala talaga!!!!
Lydia sabi ng wala TT____TT bakit ba bigla nanaman sumakit dibdib ko TT____TT
tumayo na ko para pumasok sa kwarto.... napahinto nalang ako sa tapat ng pintuan at din ko alam kung pano ako napalingon sa pinto ng kwarto ni Harold! >.<
humawak na ko sa doorknob ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Harold O_O
nagkatinginan nanaman kami >.< Lydia wag kang madadala!
"Lydia.." pabulong nyang sabi.. napayuko lang ako pero nakahawak parin ako sa doorknob at nakatalikod yung katawan ko sa kanya, side view lang kumbaga
"sorry kanina.." sambit nya.. napatingin ako sa mata nya.. pero hindi sya makatingin sakin
huminga lang ako ng malalim na hindi naman halatang halata,
"ok lang... naisip ko rin naman na, dapat hindi ko ginawa yun, di ko na naisip yung pride mo. Bilang KAPATID KO, kaylangan kong galangin kung anong desisyon mo." ngumiti lang ako sa kanya ng kaonti tapos pumasok na ko sa kwarto at pagsandal ko
waaaaah!!!! pano ko nasabi yun! TT_____TT
ayoko pa talaga... ayoko pa sanang itigil... gusto ko pa, gusto ko pa syang makita.. gusto ko pa syang makasama o mahawakan ulit yung kamay nya kahit hawak kapatid lang masaya na ko. Pero lahat lang naman ng yon ilusyon ko lang eh, para sakin may motibong patago kahit wala.... TT___TT
Napapikit nalang ako dahil masakit TT___TT pero bigla kong naramdaman na may kumatok sa pinto... agad ko namang pinunasan yung luha ko dahil bubuksan ko nga e >.<
Pagbukas ko sa kanya nagkatinginan nanaman kami at nagsalita na sya
"Kahit anong mangyare ikaw parin ang kapatid ko Lydia. Goodnight bunso"
sa pagsabi nya halatang may konting pagkaawkward pero tumalikod na sya, di ako makagalaw., ni isara nga yung bibig ko di ko na nagawa dahil sa sinabi nya
KAPATID
BUNSO
TT_____TT
"TULALA!!!!!"
"WAAAH!!!"
O__O
pagtingin ko si Marie TT___TT sinigawan ako >.<
"laki nanaman nyang problema mo! tatlong araw na Lydia! tatlong araw ka ng ganyan pwede ba! tumino ka na!" pagalit pa nya sakin >.<
nasa classroom lang kaming dalawa, tapos nakatunganga, di ko naman talaga iniisip si Harold eh, ang nasa isip ko yung sakit, yung sakit na nararamdaman ko. ang drama -_-
"eh ano bang gagawin natin!" sagot ko sa kanya palusot >.<
"hindi mo ba alam?! kanina pa ko nagkekwento sayo! bahala ka nga ang gulo mo -___-" pikon na si Marie at ayun! tumalikod na sakin..xD
tumayo naman ako
"teka CCR ako" sagot ko sa kanya na pabulong tas dumerecho labas na ko sa room at naglakad
habang naglalakad ako sa hallway eh walang katao tao kaya yung lalaking naglalakad na makakasalubong ko lang yung nakita ko
sakto naman na pagtingin ko sa kanya napatingin din sya sakin.. nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad ako, ganun din sya.. at ayun after nun lagpasan lang
pero habang naglalakad ako biglang
"Miss??"
O_o?
napatalikod ako para tignan sya.. nakahinto sya tas nakatingin sakin
"pwede bang magtanong?" tanong na nya tas naglakad sya papalapit sakin, napansin kong may hawak syang papel?
naiihi na ko bilisan mo -______-
"a-anu yun?" nahihiya kong tanong
"malapit na ba tayo sa office ng mga teachers dito?" tanong nya sakin, napatingin ako sa paligid.. oo ata? oo nga tama dito na yun
"aaah.. derechohin mo nalang yun (tinuro ko yung way sa likod nya)"
lumingon naman sya tas naghalf smile
"thanks..." sagot nya sakin tas tatalikod na dapat sya pero bigla syang lumingon ulit sakin
"pangalan mo nalang" bigla nya pang sagot
O_o
"sorry?" di ko naintindihan maxado? xD
"sabi ko pangalan mo, anong pangalan mo" tanong nya pa
"aah. Lydia, bakit?"
ay tanga! bakit ko nasabi! motto ko nga pala di nagpapakilala sa di ako kilala -___-
"Lydia.... " tumango pa sya na parang aah ok? sabi nya
"ge. una na ko" sagot ko tas tumalikod na ko sa kanya pero pagtalikod ang nakita ko naman si Harold na nakatayo lang sa di kalayuan sakin O__O
nakatingin sya sakin at dun sa lalake pero nagsmile lang ako sa kanya ng kaunti tas naglakad ng mabilis at ayun, nilagpasan ko lang sya kase nga naiihi na ko e? -____-
lumingon ako sa kanilang dalawa habang naglalakad ako papalayo tas napansin kong magkatitigan sila.. well bahala sila!! -___-
-----------------------------
To Be Continue..
Chapter 9:
Start from the beginning
