CHAPTER 21 Grey's Anatomy

Start from the beginning
                                    

“Uy Grey! Nandito ka na pala!” bati sa akin nang classmate ko na lalaki na si Stephen tapos tinapik niya ako sa balikat.

“Nakita mob a si Elex?” direktang tanong ko sa kanya medyo naiinis na kasi ako at hindi ko parin mahagilap ang babaeng iyon.

“Si Elex?! Pare, ang galing pala sumayaw nun ‘eh! Todo bigay talaga! Swerte mo naman sa kanya.” Bulalas ni Stephen na lalong ikinainis ko.

“Asaan nga siya?!” Badtrip. Sobrang inis ko muntik ko na siyang mabatukan sa ulo. Pero napigilan ko naman ang aking sarili at iniwan na si Stephen na mukhang napatulala sa inasal ko.

Ilang minuto pa ang itinagal bago ko pa nakita si Elexis. Tama nga ang mga sinabi nila, magaling ngang sumayaw si Elexis, hindi literally na sayaw ha?! Sayaw na nang-aakit. Dirty dancing! Gad!

Nakamini skirt siya at sleeveless blouse na may blazer, obviously napakababa nang cut ng blouse niya kaya naman nakikita na ang cleavage nito.

Ang mas nakakabanas pa, nagdidirty dancing siya sa harap nang ibang lalaki. Eh kung sa akin e di hindi ako nagalit di ba? Nag-enjoy pa ako. Gad.

Mabilis akong lumapit at humarang sa lalaking kasayaw ni Elexis at sa kanya.

“Anong ginagawa mo?” asar na tanong ko sa kanya tapos hinawakan ko na siya sa kamay para hilain pabalik sa mga mesa.

“Ano ba, Grey?!” sigaw naman ni Elexis na tila ayaw pang magpaawat, mukhang nakainom na ito kaya ang lakas nang loob na magdirty dancing dito ngayon.

“Brad, teka nga lang, ayaw ng babae oh! Nagsasayawan pa kami, humanap ka nang ibang kasayaw mo! Nauna ako oh…” sabi nang lalaking kasayaw niya na medyo chinito at matangkad bahagya sa akin.

Napapikit ako nang di oras, pinipigil iyong inis at galit na nararamdaman ko. Hinarap ko ito at sinuntok!

BOOOOOOG!

“Layuan mo girlfriend ko!” sigaw ko nanlilisik na ang aking mga mata sa galit. Nandidilim lalo ang aking paningin habang tinitingnan ang lalaking napadapa sa sahig dahil sa tama ng suntok ko sa kanyang mukha.

Narinig kong nagpanic si Elexis sa aking tabi habang hinihila niya na ang aking braso upang awatin.

“Pare, anong problema mo?! Eh di sana sinabi mo agad na girlfriend mo yang babaeng yan!” balik sa akin nang lalaking sinuntok ko nang siya ay makatayo.

“Eh gago ka pala eh! Bakit ko pa ipapaalam sa iyo, eh nilapitan ko na nga!” akmang susuntukin ko na ulit siya sa sobrang pikon pero inawat na ako nang mga kaklase ko.

“Tama na, Grey”

“Pare, tama na, hayaan mo na iyan…”

Sabay-sabay kong naririnig silang umaawat sa akin. Turumpukan naman ang lahat upang mapanuod nang mabuti ang gulo sa pagitan namin.

“Pare! Siya naman nagsabing walang magagalit kung makipagsayaw ako sa kanya eh. Matatanggihan ko ba siya? Eh lalaki din naman ako?!” paliwanag noong lalaking nasuntok ko habang tinuturo si Elexis na nasa gilid ko lang.

Napatingin ako kay Elexis, sobrang inis ko gusto ko na din siyang suntukin pero hindi ko magawa.

“Grey, hindi totoo i-iyan…” mangiyak ngiyak na sabi ni Elexis. Tapos kumalma na ako. Ayokong nakikita siyang umiiyak.

“Pare, sorry…” mahinahon kong sambit sa lalaki tapos nagsmirk lang siya at tinanggihan ang pakikipagkamay ko sabay umalis na.

Nagbalik naman ang lahat sa dati. Nandiyan na naman ang malakas na music at nagsasayawang mga tao sa dance floor. As if parang walang nangyaring gulo. Sinundan ko naman si Elexis na patakbong pumunta sa wash room nang mga babae.

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now