Chapter 50: The past

Start from the beginning
                                    

Yeah, to make things right.

"Thank you, Caleb. Thank you for staying by my side and for everything."

"Anything for you, Angel."

Hinatid na ako ni Caleb papunta sa amin. Nag stop kami sa highway malapit samin dahil may banggaan daw sa hindi malayo sa amin. Pinatay ni Caleb 'yong music habang naghihintay. Bumaba siya ng kotse para silipin 'yong aksidente, mag iiba daw kami ng way kung matatagalan pang maalis 'yong mga nag banggaan.

"Angel!" Sigaw niya pagbalik niya. "Si Skie! Si Skie nabangga 'yong kotse niya!"



Nag freeze ako sa sinabi niya pero nagawa ko pa din lumabas ng kotse at sumama sakanya papunta kay Skie. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pati ata paa ko nanginginig na.

Nakabaliktad 'yong kotse ni Skie, naka higa siya sa tabi bintana ng kotse niya at punong puno siya ng dugo. Pakiramdam ko nanghihina ako pero pilit ko 'yon nilalabanan. Parehong pareho 'to sa aksidente na nangyari more than one year ago. Unti unting nag flashback sa utak ko lahat ng mga nangyari dati. Ganito din 'yon, parang isa 'tong dejavu. Hindi ko na naiwasan na maiyak.

"Skie.." naglakad ako papalapit sakanya pero may pumigili sakin.

"Sino sila?" Sabi ng traffic enforcer. "Bawal ho lumapit dito."

Hindi ako nagpapigil sakanya. "Kaibigan ko siya! Palapitin niyo ako!"

"Hintayin na lang natin 'yong rescuer, baka makasama pa kung igagalaw natin siya."

"Let me go please!" Pagmamakaawa ko.

"Angel, hintayin na lang natin 'yong rescue team. Baka mas lalong lumala 'yong sitwasyon ni Skie kapag naiba 'yong pwesto niya." Hinila ako palapit ni Caleb tska niya ako niyakap. "Just calm down, everything will going to be alright."

Dumating na din 'yong ambulance. Binigyan nila si Skie ng first aid kit pagkatapos nilagyan siya neck brace tska nilagay sa spine board.

Sumama kami sa loob ng ambulance. Walang malay si Skie. Nakapalibot sakanya 'yong rescue people.

"Bro, please wag kang bibitiw ha? Kaya mo 'to." Sambit ni Caleb. May mga luha na sa gilid ng mata niya. "Mag-uusap pa tayong dalawa kaya lumaban ka."

Hindi na niya napigilan na maiyak.

"Sorry if I'm crying right now," pinunasan niya 'yong mga luha sa mata niya. "Ang sakit lang na makita siyang ganito. Para ko na siyang kapatid, eh."

"Just like what you said, everything is going to be alright. Skie would be fine, I know that."

Niyakap ako ni Caleb. Alam ko kaya 'to ni Skie. Nakaya niya na 'to dati kaya mas kakayanin niya 'to ngayon. He'll survive this. He needs to.

Dinala agad si Skie sa emergency room habang kamo ni Caleb nagkaupo sa bench sa labas. Tinawagan na ni Caleb sila Tito Charles at papunta na sila dito.

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas. Lahat ng naramdaman ko nuon, nararamdaman ko ulit ngayon. 'Yong kaba, takot at sakit. Bakit kailangan mangyari pa 'to ulit? Bakit kailangan maaksidente ulit ni Skie?

Kasalanan ko ba lahat ng 'to?

Kung hindi ko siguro tinuloy 'yong plano ko baka sana hindi siya umalis at hindi siya naaksidente ngayon. Kung hindi dahil sakin, hindi siya mapapahamak.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now