Chapter Forty Two

1.2K 66 10
                                    


**


MAIKEN'S POV


"WAIT! Ayusin mo'to, hay nako!" Sinamaan ko ng tingin si Eleven. He gave me an apologetic smile. He even mouthed sorry. 

"'Wag ka na ma-stress." What? Paano ako hindi mai-stress eh nakakainis siya! 


"Ayusin mo nga kasi 'yang damit mo, oh. Tignan mo, gusot-gusot na." Lumapit ako sakanya at inayos 'yon.


"Oh, sorry sorry. Sorry na." 


Today is his graduation day. APRIL 15. Hindi pa nga ako nakapagbihis dahil inuna ko'ng lutoin yung mga ulam na pagsasalohan namin dito later. May katulong naman kami ni Tita but I also wanted to help. I'm doing everything I can that can make him happy. 


"Maligo ka na kaya. Ako na, kaya ko naman na eh." He said. I glared at him. "Tapos 'yan, ha. Kung ano-ano na namang gagawin mo. Pagpapawisan ka na naman, naku ewan ko talaga sayo. Magpahinga ka muna diyan. Para mamaya okay ka pa." Tapos ay iniwan ko siya sa kamang nakaupo. Kumuha na ko ng damit ko sa cabinet. Magca-casual dress ako kasi siyempre graduation niya 'yon. Malaki-laki na rin ng kaunti ang tiyan ko kaya hindi na kasya ang ibang damit ko. 

"Maiks, 'wag 'yan." Nilingon ko siya. Huh? May hawak-hawak na siyang paperbag. "What's this?"

"Hulaan mo." Naka pokerface niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Mang-aasar pa eh! "Oo, alam ko'ng paperbag 'yan! Ano ba kasing laman!"


"Damit. Ito suotin mo." Iniabot niya sakin. Tinignan ko muna siya bago buksan 'yon. Baka mamaya sumabog eh. 


"Oh..." Ang una ko'ng nasabi ng buksan ko na 'yon. Damit nga. "Thank you."

"Gusto ko kasi mag-mukha kang tao mamaya." Kitams? Mang-aasar pa eh! "Ewan ko sayo!" Inilapag ko na 'yon at bilis na pumasok papasok ng CR. Makaligo na nga. Buti nalang hindi ako mabahong tao. Kahit di naman siguro ako maligo, mabango pa din ako. 


"MAGDAHAN-DAHAN KA NGA!" 


"Op, okay!" 


Ganyan. Nagagalit talaga 'yang si Eleven pag nagmamadali ako'ng maglakad or kung hindi ako nag-iingat. Siyempre may dinadala ako, e. He's the first person who made me feel like I should treasure this gift from God. That it's not something I should take for granted. Instead of making it as one of my problems, I should look at it as a present. I should think na God gave me a reason to live at times na sobrang nahihirapan ako. He made me realize how important and lucky I am for having a child. Yung iba nga raw baog, e. Oo, 'yan talaga ang inexample niya sakin. Siraulo 'yon e. 


Tinanggal ko ang relo ko'ng bigay ni Tita Liz. Mommy ni Eleven. Chineck ko rin ang time and it's 1PM pa naman. 3 yung start ng graduation kaya we should be there by 2. 


I am feeling all the love in the world with his family. They welcomed me whole. With all of their hearts. Sila pa nga yung sobrang excited para sakin, para sa baby, para saamin ni Eleven. 

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon