Chapter Fourteen

1.6K 106 23
                                    

**

-Dave's  POV-

"Dave?! Ano'ng ginagawa mo rito?" Sungit-sungit naman nitong babaeng 'to. Bakit pa kasi ako pumayag tss.

"Wala lang, hehe"

"Yung totoo nga!" Ba't mukhang haggard na haggard si Maiken ngayon? Ano'ng meron?

"Meron ka ba?" Tanong ko nalang. Pano! Ang sungit-sungit! Akala mo maganda. Powe. Maganda naman talaga.

"Wala ka'ng pakealam!"

"Meron ka nga?" Pag ganyan ba, may buwisita?

"Tang—! Hindi pa ba halata!!!" Kulang nalang yata magwala si Maiken sa pagkakasabi non. Ang sungit! Ganyan ba talaga mga babae? Bakit? May mens lang naman pero bakit kumu-konekta ba 'yon sa emotions? Or baka kasi hindi sila comfortable? Or baka kasi siguro masakit puson nila? Isa pang katanungan 'yan. Bakit sa puson sumasakit? Bakit hindi sa down there.

Tinext ko siya.

To: Mayer

PRE! MAY MENS SIYA NGAYON.

Tinext ko ang siraulo ko'ng kaibigan. Ako ba naman inutusan?

Mayer

Tangina, sige bibili na ako ng napkin.

Tatawa-tawang magre-reply na sana ako ng magsalita na naman to'ng si Maiken.

"DAVE! Ano ba! May kailangan ka ba?"

"Uhm, may mga itatanong lang ako sayo."

"ANO!"

"May napkin ka ba?"

BLAG!

"Gago ka ba!"

Tinatanong ko lang naman 'yon kasi baka meron siyang napkin tapos bibili pa yo'ng si Mayer. Eh di doble-doble?!

"Nagta-tanong lang naman!"

"Paubos na.." Sasagot din pala eh.

"Kelan pa nag-start 'yan??"

"Kanina lang! Dave!!!"

"Ano'ng gusto mo'ng kainin?" Kailangan ko ng magmadali! Baka palayasin na ko dito. Pero first, dapat may matanong ako para may mai-submit kay Pareng Mayer.

"Anything sweet. Please lang, kailangan ko ng magpahinga."

"Ah okay okay.."

Pre! Bili ka rin ng anything sweet! Gusto niyang kainin.

Tinago ko na naman ang cellphone ko. "Ita-tanong ko lang sana kung—"

"ANO NA NAMAN!"

"KUNG ANONG ORAS KAMI PUPUNTA DITO SA LUNES!" Nakakabanas! Ba't pa kasi ako pumayag na pumunta dito, eh. Mayer kasi eh! Close open naman kami ni Maiken pero may mens pala. Eh madali lang ako mainis pag girls Tant. na. Nanay ko nga nilalayasan ko pag umaarte eh! Wooo! Mabuti nalang wala ako'ng jowa. Baka na ma-driball ko lang.

"7! Lumayas ka na!"

Aba't! Siya pa talaga nagpatayo sakin tapos hinila ako papunta sa door. "Teka lang naman!"

"Ano ba!!!" Pilit naman niya ako'ng inilalabas. Eh naiipit ako sa pinto. Baliw talaga 'to. Sarap upakan!

"May ita-tanong pa 'ko—putcha naman!"

ALMOSTWhere stories live. Discover now