Chapter Four

2.4K 79 1
                                    



**

Nakatambay kami sa bahay ngayon ni Naomi. Saturday. Nagpa-plano kung sinong magandang kunin na make up artist. May kilala kasi ang Mom niya, si Mama naman may kilala rin. "Pakita nga muna ng gown mo." Sabi ko sakanya. May picture kasi siya sabi niya kanina. Eh nakalimutang ipakita sakin kasi naiba ang topic. "Ay wait, wait, waittttt.." Tapos inabot na niya sakin. Oh... "Ang taray!" Teka, "Kala ko ba red?"

"Sabi kasi ni Jelo mas maganda daw yang navy blue eh. So 'yan nalang. Hihi" Masunoring bata. Hahaha "Infairness maganda naman talaga. Yung sakin nga pala, black yung color." I said with a confident smile.

"Aba.. ang lakas ng loob ah?" Napawi agad ang ngiti ko. Tada 'to, talaga. Morena din 'yan ah! Pero di ko inokray na navy blue color ng sakanya. "Joke lang naman, te!" Bawi niya agad.

"Maganda kasi. And it depends naman if I can pull it off.." I said confidently..

"Ang lakas talaga ng loob mo gerl, gusto ko 'yan."
I just rolled my eyes over her and gave her phone back. "Eh sinong kasama mo'ng bumili?" Asked Naomi.

"Si Mayer, he accompanied me so that he will know what suit will fit my gown.." Sagot ko naman. Tumango-tango nalang siya. "Wala ka naman ng feelings kay Mayer diba? Hahaha, naaalala ko 'yong mga times na crush mo siya, Maiks! Hahahahaha—aray ko!" Binato ko nga ng unan. Nakakahiya kaya 'yong mga times na yun. Kami lang nakaka-alam nun, e. Kasi siyempre circle of friends.. nakakahiya. Hahaha "Shattap nga! Tapos na 'yon!" Sabi ko sakanya and rested my back. Pero siya nagpipigil parin ng tawa. "Eh kasi naman nakakatawa naman talaga, e. And I mean, who would have thought, hindi ba? You've been friends for how many years tapos that time lang.. pero wala na ba talaga? Kahit admiration lang?"

"Admiration, oo. 'Yon lang. Doon lang." Sagot ko naman. Totoo naman kasi. "Hindi naman din siya nagbago. Ganon parin, pakilig."

Tinignan niya ko at tinaasan ng kilay. "Pakilig sa lahat. Kaya nga nasaktan ako dati, di ba? Kasi hindi lang pala sakin siya ganon. Sayo din. Tapos kay Yumi din minsan. Tapos ay basta. Naging assumera lang ako. Binigyan ko ng ibang meaning yung love and care niya. Na dahil.. friends lang pala." Dugtong ko at ngumiti ng tipid. Buti nalang talaga hindi nalaman 'yon ni Mayer. Nakakahiya eh.

"Alam mo, you have the right to assume dahil magkaiba ang treatments niya samin ni Yumi, okay? Sayo, bongga to the highest level kaya!"

"Eh kasi ako lang yung single noon!" Sagot ko. Sila kasi may mga boyfriends na, kaya siguro may limits. Eh ako? Wala pa naman that time.

Binigyan niya ko ng 'talaga-ba' face.

"Oh eh bakit ngayon?" And I was caught off guard..

"Bakit ngayon hindi nagbago 'yong love and care niya? Parang hindi nga 'as friends' eh. Kami nila Yumi nakakapansin niyan minsan ah. Pero sayo balewala lang. Kasi nakatatak na diyan sa isip mo na wala talaga siyang feelings sayo."

"A-anong ibig sabihin.. Alam mo, ikaw issue ka."

"Hay nako, basta nga. May feelings 'yon sayo."

Inirapan ko si Naomi, kahit kailan talaga 'to. Kaya din talaga ako umaaasa eh. Hahahaha

"Che, may boyfriend na 'ko okay na 'to."

"Parang ginawa mo'ng option jowa mo ah. Hahaha pero ito nalang, pag may feelings sayo si Mayer, magbibigay ka ng lechon sa kasal ko—kahit sinong lalake." Gaga talaga. Hahaha "Baliw ka ayoko nga! Dapat si Jelo lang!"

ALMOSTWhere stories live. Discover now