Chapter Twenty four

1.8K 71 14
                                    



**


"ALAM niyo, beks. Feeling ko nafa-fall na ako kay JC."Seryosong napatingin kami ni Jillian kay Ryan. The eff? Seryoso siya? Seryoso nga.


"Beh, magtigil ka."Jillian.


"Bakit naman?!"


"Siyempre hindi ka maganda!"


"Aba thank you, ha!" Sabay palo pa sakanya ni Ryan. Mga baliw talaga 'to. Narito kami sa canteen. Susunod mamaya si Henry. Ewan ko, feeling close na saamin 'yon ngayon. De, loko lang. Talagang naging close na namin 'yon. It's been 2 months ng makasama ko siya at nakapagusap kami tungkol doon sa FRAT na Cross na sinalihan ni Mayer—and yes, he's part of it....I confronted him about it at umamin naman siya. I even saw a CROSS tattoo sa baba ng batok niya, sa likod ng leeg niya. He made me understand why he joined but I still don't get it. Hinayaan ko nalang siya. Gusto niya 'yon at sabi naman niya chill lang daw sila ngayon. Chill? Eh nung isang gabi nga may mga pasa yan. May away raw  because yung kasamahan niya, pumarty and saw his girlfriend kissing someone.More like, cheating on him. Tumawag ng resbak, ayun.

Also, hindi natuloy yung broadway chuchu. Mga next week na daw talaga. Pumayag naman na ang naghandle saamin na magpa-audition kaya nga sasali ako habang si Ryan at Jill, hindi. Napagkasundoang yung best lang talaga ang pipiliin for our course. Grabe, nakaka-kaba nga, e. Pero wala namang mawawal kung sasali ako, di ba? 



Okay so back to Ryan...


"Pero kasi talaga, Ry. Alam mo naman mga lalake ngayon.. lalo na kung gwapo."Jill. Gwapo naman talaga si JC, e. He's a Pharma student na naging kaibigan namin. I really can say na talaga maypagka 'sweet' sila nitong si Ryan. May pagka lang naman.


"Ano na namang problema niyo samin." Sabay padabog na lagay ng mga libro sa lamesa, a reason why I flinched. Leche talaga si Henry. Panira.


"Uhm, you mean yung lalake?"


"No,yung gwapo. Guys naman please lang, I'm just so tired about it."


Kaming tatlo ay sabay na napa irap. Nung pinagsasabi nito. Luh, san banda?


"Magtigil ka jan kung ayaw mong pasabogin ko 'yang pagmumukha mo!" Inis na sabi ni Ryan at umirap pa.


"Kelan ka pa nagka-bomba?"


"Dati pa!"


"Sabi ko na guys, eh.." Tapos patingin-tingin pa siya samin ni Jillian with gesture. "Dati pang part ng MILF 'yang si Ryan."


Kaya nakatanggap siya ng tumataginting na batok mula sakin.  "Sabi ko'ng tirhan mo ko ng shabu ha! Inubos mo na naman!"


"Sorry na!"Tapos umayos na siya ng upo. "Pero ano ba 'yong topic niyo talaga?"

ALMOSTWhere stories live. Discover now