Chapter Ten

1.5K 84 11
                                    


**

"Mayer?"

Why is this earthling here? Here? In Cebu?!

Napatayo ako bigla. "Anong ginagawa mo dito?" Pinunasan ko ang mga luha ko.

Wala, nagulat lang talaga. Parang nawala yung nararamdaman ko kanina. Nawala lahat 'yon ng makita ko pagmu-mukha niya. Bakit andito siya?? Sinundan niya ba ko?

"Nakita kita dito kaya lumapit ako—"

"'Yung totoo!"



"Kasi alam ko'ng mangyayari 'to!"

Napahinto ako. Ano raw?? Alam niyang...

"Alam ko. Alam ko dati pa. Alam ko'ng may ibang girlfriend si Hansen habang ikaw, andoon sa Manila at inaakala mo'ng mahal na mahal ka niya. Alam ko kaya nang malaman ko na pupunta ka dito nagpa-book na agad ako ng ticket kasunod mo. Kasi gusto ko'ng andito ako. Ayoko ma'ng makita ka'ng nasasaktan pero mas importante saki na may karamay ka."

And there, bumalik yung sakit. Naalala ko kung anong nangyare a while ago.

Umiiyak na naman ako. He then walk towards me, and pull me in  him and give me an embrace.

"Maiken... I'm sorry."

"Bakit hindi mo sinabi.." Hirap na hirap ako'ng sabihin ang mga katagang 'yon. Dahil sobrang nasasaktan na naman ako. Nakayakap siya sakin pero ako, ang isang kamay ko nasa mukha ko, nakatakip. Ang isa nama'y nasa may puso ko. As if namang mapipigilan ko ang puso ko sa patuloy na pagkakabiak nito.


"Kasi tuwing nakikita kitang masaya... hindi ko magawa."

"Kasi alam ko'ng masasaktan ka. Alam ko'ng hindi mo kakayanin. Baka din, magalit ka lang saakin at hindi mo 'ko paniwalaan. I'm sorry, Maiken. Sobra lang kitang pinapa-halagahan kaya hindi ko nasabi."

At umiyak pa ako ng umiyak. Grabe. Mas lalong bumigat 'yong sakit na nararamdaman ko. Humagulhol ako ng sobra. Wala na talaga ako'ng pakealam. Ang sakit sakit...

"Maiken....."

"Ano?!"

"Nakakahiya..."

So ayun, may kotse siyang dala at may driver pa. May pinsan pala siya dito, e. Tapos doon niya rin nalaman pala na may iba si Hansen. Dahil schoolmate lang sila.

So ayun ulit, sabi niya nakakahiya daw kasi para ako'ng tanga doon. Parang nasa pelikula kami. Che.
"Unang-una, hindi 'to that thing called tadhana kaya 'wag ka'ng magpaka-Macey. " sabi niya pa. Bwisit 'to. So andito kami sa resort ng Tito niya dito sa Mandaue City. Kumuha siya ng dalawang room.

Kala ko pa naman magpapaka-movie kami na iisang kwarto lang. Heh.

Habang nakikipag-usap siya sa receptionist, tinext ko si Naomi na mamaya nalang siya tumawag. Hindi ko pa nasasabi sakanya.

Humarap sakin si Mayer kaya tinago ko na ang phone ko.

"Tara na?"

Ngumiti lang ako sakanya at umuna ng lumakad.

Pagkadating namin sa magkatabi naming kwarto, tumingin muna ako sakanya. At siya rin naman, tumingin.

"Usap tayo, ha?"

Ngumiti lang ako at pumasok na. Nilapag ko ang bag ko at dumiretso sa kama. Nakadaob ako. Tapos ayun, umiyak na naman.


"Ang tanga tanga mo..."

"Sobrang tanga mo, Maiken."

Hindi ko alam pero parang mas sumasakit pa lalo.

Pumikit nalang ako at tumayo. Maliligo na lang ulit ako. Bago ako pumasok, chineck ko ang phone ko, pero wala namang text galing sa kanya. Hah. Isang patunay na isa siyang fuckboy. Leche siya.

Nakapag-isip isip ako habang naliligo. I mean, naisip ko na, hindi ko na lang dapat siyang isipin. Ang swerte naman niya, ano? Dapat.. mag enjoy ako. Dapat hindi ako magmukmok sa taong walang kwenta. Dapat hindi na  'ko magpaka-tanga. I should show him that it's all fine. Well, eventually. Even habang nagsho-shower, naisip ko'ng gumanti sakanya. Pahiyain siya? Saktan siya? Any form of revenge. But what stands out is letting him do what he wants. And I chose to be free. I will be fine. No worries, Maiken. Hindi lang siya ang lalake sa mundo.

HINDI. LANG. SIYA. ANG. LALAKE. SA. MUNDO.

Always remember that, Maiken. Always.

Nag-blower ako and then umupo. Hay. Nakakapagod. I noticed that it's 7 in the evening already. Ang bilis. Napatingin ako sa phone ko na nasa tabi ko dahil naglight.
May text pala. Sinilent ko nga pala to kanina.

Mayer
Puntahan kita maya-maya, ha. Kain tayo.

Nagreply nalang ako ng "K" at humiga.

Tumingin sa ceiling.

Umiyak na naman.

Hindi pa pala ako okay.

Tingin ko kung nakikita ko ang sarili ko ngayon matatawa nalang ako. Feel ko kasing unti-unting pumanget yung mukha ko bago umiyak. Maiken!!!! Nag-usap na kayo ng sarili mo, diba?!

I wiped my tears and nagplay ng song.

Now playing - I really don't care by Demi Lovato

At habang nakikinig.. bakit parang lumalakas ang loob ko at ini-encourage ako ng kanta na magpaka bitch over my ex? Grabe ha.


"AND EVEN IF THE STARS AND MOON COLLIDE!!!!! I NEVER WANT YOU BACK INTO MY LIFE!!! YOU CAN TAKE YOUR WORDS AND ALL YOUR LIES!!!!! OH OH OH!!!! I REALLY DON'T CARE!!!!"

"AHHHHH!!!!!!!" Sigaw ko habang nasa mukha ko ang unan.

"Woooo! Kaya mo 'yan. Hindi siya kawalan. Hindi siya gwapo! Pwe! Sinabi ko ba'ng gwapo siya? Kailan?! Hah. Wala ako'ng naaalala. Para siyang wart! Kulugo yung wart kung hindi niyo alam! Lecheng 'yan. Ang kapal kapal ng mukha niya! Ang ganda-ganda ko tapos pinagpalit niya ko doon sa babaeng mukha—excuse me, mukhang tae! Bakit nag excuse ako? Eh ako lang naman kausap ko. Hah. Ano naman?"

Napaupo ako nang may nagknock. 'Tek na yan. Akala ko tuloy may kasama ako. Hoo. Binuksan ko ang bag ko at naglagay ng konting lipstick. Konti lang kasi mapula naman na lips ko eh. Tapos inayos ng konti buhok ko. Naka shorts at naka tshirt lang ako.

Dinala ko pa ang cellphone ko.

Binuksan ko ang pinto.

And...



Saw Mayer holding a rose and looking so handsome standing there.


Oh my God. Muntik ng mahulog ang puso ko sa sahig.

"Hi.."


"A-ah... Hi." Lang ang naisagot ko.

Inabot niya sakin ang isang green rose.

"Something to make you feel better, perhaps?"

**
A/N: di ko muna lalagyan ng pov ni Mayer hahaha baka mainlove kayo char

ALMOSTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora