Chapter Thirty three

1.9K 76 16
                                    



**

MAYER's POV

"Pare, pwede ka bang makausap?" I turned to Real who's looking down while playing with his ballpen. Anong problema nito?

"What,"

"Si Kristine kasi." Oh his girlfriend. "What about her?" They're okay naman... pero baka may nagawa to'ng kalokohan.

"I followed her yesterday. Ganito kasi. I tried calling her and she told me na nasa classmate niya na daw siya pero ang totoo nakasunod lang ako sakanya. She's at the waiting shed." He rested his back and looked at me. I gave him a cue to go on and so he did. "With someone." Oh, man. Para siyang nasasaktan. Ulol, Mayer. Siyempre girlfriend. Normal na masaktan. Kasi kung ako? Makikita ko na may ganong pangyayari mababangasan ko yung pagmumukha ng lalaking 'yon. Tangina. 'Wag niya lang subokang lumapit sa girlfriend ko, manghihiram siya ng mukha ng aso.

"Then. Sumakay sila sa kotse. I'm following them using my motorcycle. Kasi alam mo naman..." Tumango-tango ako. Binawi ng Daddy niya ang kotse niya kasi nakipagracing na naman siya tapos nahuli sila kasi bawal yung pinagracing-an nila. Mga siraulo eh.

"Then they went to a hotel. Sa labas pa lang. Tapos aabante na sana ako kasi papasok na sila ng biglang...." Nakita ko kung paano siya ng hina. Paano siya naiiyak at kung paano siya nahihirapang tumuloy. Tangina, Real. Sobrang masayahin to. Sobrang nakakapanibago pala kung seryoso.


"Dude, sige lang." I told him. Ang tagal kasi ng paghinto niya. Tapos maya-maya, pumatak na 'yong luha niya. Pakshet. Parang gusto ko'ng itapon sa ilog pasig yung girlfriend nito at yung lalaking kasama. Kingina talaga.


"Tapos..." Tutuloy na naman sana siya ng naiyak na naman siya pero mahina lang. Pinunasan niya yung luha niya.


















"Tapos hindi na umandar yung motor ko. Itatanong ko lang sana pre, baka alam mo kung anong sira."


"INA MO! UMALIS KA DITO!"

"HAHAHAAHAHAHAHA! 'TO NAMAN—PUTA, MASAKIT!" Binato ko kasi siya ng tatlong unan sa mukha. Magkakasunod. Kingina 'to. Sarap ihulog sa terrace!

"Feel na feel mo pang hinayupak ka, umalis ka na nga!" Sabay upo ako pabalik. "Ilang oras ka na ba nakatambay dito?" Nasa bahay kasi. Porket lampasok. Nakikilaro.

"Para naman di tayo friends!" Pagbabakla-baklan niya pa. Kairita, amputa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nanood na ulit. Nanonood kami ng Divergent Series. Matagal ng tapos 'to. Parang last year pa yung last. Eh sa hindi ako nanonood ng mga ganito. Si Maiken yung mahilig kaya tinry ko'ng manood para makarelate naman ako sakanya. Minsan kasi nao-op ako kaya di ako makapagsalita kaya di niya ko napapansin! Inang 'yan. Uhaw sa pansin ng girlfriend.

"Oy, kala ko ba puntahan natin si Maiken kina Jill?"

"Sus, si Jillian talaga gusto mo, no?"

"La eh. Basted eh. Sige na, tara na!" Nauna pa siyang tumayo. "Siraulo wala pang alas sais! Baka manggulo ka lang dun." Naiimagine ko lang na pupunta si Real dun naiisip ko na si Jillian na sasabog. Paano, hindi yan sila magkasundo. Sungit na inaasar ni Real si Jillian kasi. Paano, crush niya. Kaso binasted. Hindi raw type. Kawawang itlog.

"Tss, puntahan na natin si Maiken!"

"Tangina mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Sarap din nito suntokin eh.

ALMOSTWhere stories live. Discover now