Chapter Eight

1.3K 88 14
                                    


**

"Alam mo, para sayo siguro bagay kami. Pero hindi kami ang para sa isa't-isa. Kita mo naman, hindi ako gusto ng Kuya mo." Sabi ko at ngumiti.

"Ate.. wala ka'ng alam." Sabi niya naman at ngumiti din. Teka, ano? Wala ako'ng alam? Magta-tanong pa sana ako nang dumating si Mayer.

"Mia, pinapatawag ka ni Mama."

"Ah sige, excuse lang, Ate." Tapos umalis na agad siya. Tumingin nalang ako sa pool.

Dapat hindi mo na siya papansinin.

Woooh. Ang ganda ng pool. Ang blue blue. Tapos may lights! Mas gumaganda. Grabe haaaa. As in. First time ko maka-kita ng ganito. So nice. May sa bahay kaya nito? Ay meron naman kaming pool eh kaso hindi ganto ka laki. Eh bahala na. Blue rin naman 'yon. Naisip ko lang. Pwede kayang gawing itim ang swimming pool?

"Huy"

Paglingon ko sa right ko, nasa tabi ko na si Mayer. Hay. Kung ano-ano nalang naiisip ko.

"A-ano?"

"Kung ano-ano iniisip mo."

"Huh? P-ano mo nalaman?"

"Eh halata naman, eh." Tsaka siya tumingin din sa pool. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon.

Alam mo, Mayer. Hindi lang ikaw ang magulo. Pati na rin kapatid mo. Ginugulo niyo pareho ang isip ko eh. Magkapatid nga talaga kayo.

Nang marealize ko na ilang segundo na pala akong nakatitig sakanya, inalis ko na ang tingin ko. Awkward naman neto. Umalis nalang kaya ako? Eh baka parang ang sama naman 'non. Iiwan ko siya dito.

I decided to remain silent. Andito nalang ako para makapagisip-isip. Kung magsasalita siya or may itatanong, doon pa 'ko magsasalita.

Bumuntong hininga ako. Ang lamig. Mabuti pa si Mayer, may jacket.

"Masaya ka ba?" Napatingin ako sakanya.

"Sa lahat ng nangyayari ngayon, sa estado mo, ng puso mo?"

Nakatingin na rin siya sakin. "Uhm.. Oo naman. Masaya ako. Yung puso ko din.." Tumingin ako ulit sakanya. "Masaya.."

"Mahal mo ba talaga si Hansen?" First time in the history of our friendship na minention niya ang pangalan ni Hansen. Ngayon lang talaga.

Ako? Kung mahal ko talaga si Hansen? Oo. Mahal ko siya. Pero bakit mo tinatanong 'to, Mayer?

Habang tinitignan ko siya parang may something. Yung mga mata niyang mapungay. Ngayon parang malungkot. Parang may sakit na dinadamdam.

Ipinikit ko ang mga mata ko saglit. Hindi ka niya gusto. Walang something. Hindi siya malungkot. Nagtatanong lang siya.

"Oo naman, mahal ko siya. Sasagutin ko ba kung hindi?" Sabi ko habang nakangiti.


"Ah..mabuti." Tapos ay nakita ko na naman 'yang mga mata niyang malungkot. Tapos ngumiti pa siya ng malungkot.

Gosh. Wala lang 'yan, Maiks. It's all in your head. Walang something nga!

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang.. siyempre kaibigan kita."

Boom. Kaibigan.

"Ah.. Hehe.. Eh ikaw?"

"Ano?"

"Wala ka bang gustong ligawan?"

Tumawa lang siya ng marahan.

"Pang ilang tanong mo na 'yan atleast for this month?"

Okay. Tumawa nalang ako. Ang kulit ko pa. Hahaha

"Hindi ko siya liligawan eh." Sabi niya habang nakatingin lang sa malayo. Etchosera 'to. Wall naman na ang kaharap.

"S-so.."

"Yeah.. there's this girl na dati ko pa pinagmamasdan. Binabantayan. Palihim na sinusulyapan.."

Tumahimik lang ako.

"Wala siyang kamalay-malay na andito pala ako. Na humahanga sakanya." Tapos ngumiti siya at yumuko. Parang kinikilig?

"Kaso, hindi ko siya liligawan kasi masyado pa kaming bata. " sabi niya.

"Sino?" Tanong ko nalang.

I got curious. Who's this girl that holds his heart?

Ang swerte niya. Ang swerte-swerte niya.

"Secret. But sorry ha. Hindi ko nasabi sainyo na may gusto ako sa isang babae." So... totoo talaga. Na.. may gusto siya sa iba..



"Ayos lang.. basta, ipakilala mo sakin in the future ha? If ever na.."

He looked at me, "If ever na, maging kami?" Tanong niya.

I nodded, "Oo.. kung okay lang naman sa'yo."

"Believe me, hinding hindi mangyayare 'yon."

What??? Ang weirdo talaga nito sa lahat! Paanong hinding hindi mangyayare? Eh hindi niya pa nga nililigawan? Anak ng.. magpa-pari  ba 'to?!

"Mahal mo ba?" Inalis ko ang tingin ko sakanya. Tumingin ako sa paa ko'ng naka babad sa tubig. Damn you, Mayer. Bakit hindi mo sinabi agad.

I can see from my peripheral view that he looked at me.



"Sobra.."

Why do I hear my heart breaking...

**

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon