Nilapitan naman ni Vanessa ang lalake habang hinahaplos-haplos ang likod nito. Mas lalo pa siyang naiyak sa inaasta ni Samuel.

Sam finally broke down into tears. It was her first to see him so devastated and so vulnerable.

"Patawarin mo ko, Daddy. I'm so sorry, sorry Dad.." Umiiyak na sabi nito habang niyayakap ng mahigpit ang ama.

"Daddy, please, gumising ka. 'Wag mo kong iwan, Dad. Daddy!! Parang awa mo na. Dad!!" Sigaw nito. Hinawakan naman ni Vannie ng mahigpit ang magkabilang-balikat nito. Nagwawala na si Samuel.

"Dad!! 'Wag mo kong iwan. Please, Dad!!!" Samuel shouted more as Vanessa just hugged him so tight from behind.

"Daddy, 'wag mo kong iwan," Mas lalo pa itong umiyak, "'Di ko kaya, Dad. Hindi ko kaya.."

---

"Sam, tama na yan. Nakakarami ka na," Hinawakan ni Vanessa ang baso ni Samuel kung saang may nakalagay na alak. Nasa isang club kasi silang dalawa nito.

Nasa may bar counter silang dalawa habang sinasamahan ni Vannie si Samuel na naglalasing. Kahit kasi anong pigil niya sa ginagawa ng lalake, lagi itong nagagalit. Sometimes, he would curse at her saying that she should leave him alone pero kahit ganoon ay hindi niya ito iniiwanan. Alam niyang nagluluksa pa rin ito sa pagkawala ng ama.

Mahigit tatlong linggo na kasi ang nakalipas magmula ng ilibing ang ama nito. Samuel Ignacio was really devastated. Sam became aloof to everyone even to her and to his own friends. Hindi niya ito nakakausap ng maayos sa halip ay naglalasing ito lagi sa pad nito o 'di kaya'y pumupunta sa mga club upang maglasing din.

But Vanessa didn't leave him alone. Gaya ng pangako niya rito, hindi niya ito iniiwanan. She would often go with him in his pad to take care of him or even in clubbing. Sinasamahan niya ito sa paglalasing nito.

Naiintindihan din naman ng mga magulang niya ang sitwasyon ng binata kaya pinayagan siyang samahan ito at minsan ay doon na rin siya natutulog sa lugar nito.

Lagi na lang kasi itong naglalasing. Pati ang pad nito minsan ay nagiging makalat na dahil sa mga basag-basag na bote ng beer at mga sigarilyo. Pinagtitiyagaan naman niyang nililinis iyon. She would always try to understand Sam's situation. All members of his family already died kaya alam niyang hirap na hirap ito.

Tinutulungan din niya itong mag-ayos para sa klase. But Samuel would always ditch his classes kaya lagi na lang niya itong nadadatnan na naglalasing sa bachelor's pad nito o 'di kaya ay nagcluclub na naman.

He was slowly destroying his self.

"Tangina, why the fuck are you even here, Velasco? Diba sabi ko umalis ka na? I don't need you here!" Sam replied ruthlessly at kaagad nilagok ang alak. Namumula na ang mukha nito dahil sa kalasingan.

"Sam, lasing na lasing ka na. Masama na yan. Tara na at iuuwi na kita." Hinawakan na niya ang kamay nito at nagpaubaya naman ito sa kanya. Aminado siyang pasado alas-dos na ng umaga.

Napabuntong hininga na lang siya habang tinutungo nila ang kotse nitong nakaparada. Kahit kasi anong pigil niya sa ginagawa nito, hindi ito nakikinig sa kanya.

She was doing all the things to avoid him in ruining his own life by drowning in different vices. Pero minumura lang siya nito at sinasabihan na iwan na lang niya ito. Pero hindi niya ginagawa iyon.

Kahit anong mangyari, hinding-hindi niya ito iiwan lalo't pa na naghihirap ito at hindi nito naaalagaan ang sarili. Alam niyang sa sarili niya na babalik din ulit sa dati si Samuel na matapang, mabait at responsable. Ang Samuel na unting-unti niyang nagugustuhan.

The Bad Boy's Club (Finished)Where stories live. Discover now