"Alexis, tama na yan" awat sakin ni Riza

"Babe, hahanapin naman namin sila eh, please wag ka na magalit sakin" sabi ni Brix tapos ay hinawakan nya yung dalawa kong kamay para di ko na sya mahampas ulit.

"Hanapin mo sila! Hanapin mo sila kung hindi...." Banta ko

"Hahanapin ko sila, pangako" pagtapos ay hinalikan nya ang noo ko at lumabas na sya ng kwarto.

...

Brix POV

Hanapin mo sila! Hanapin mo sila kung hindi... -

Urgh! Kung hindi ano? Iiwan na nya ako? Ginawa ko naman ang lahat eh, hindi nya kasi alam yun.

"Bro!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

"Christian, bakit?" Kunot noo kong tanong

"Wala, para kasing ang lalim ng iniisip mo eh. Gusto mo?" Inabot nya sakin yung kape.

"Ah hindi na, salamat nalang" sabi ko

"Si Riza, nandoon pa ba?"

"Oo, kasama nya pa si Alexis. Bakit di mo sila puntahan duon sa loob"

"Wag na, nakakahiya naman. Dito ko nalang sya hihintayin" nakangiti nyang sabi.

"Ok" sabi ko tapos ay nag lakad na ako papunta sa kwarto ni Sixto. Gusto ko kasi makausap si sir Kim, gusto kong malaman kung nahanap na ba nila si Marco.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko si sir Kim na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama ni Sixto. Sa tagal ng nandito ni Sixto, ngayon ko lang sya nadalaw kaya ngayon ko lang din nakita kung ano ang itsura nya. Ang daming aparato ang nakalagay sa kanya, yung ulo nya ay nakabenda.

"Sir" tawag ko, kaya napatingin sya sakin

"Oh Brix, bakit?" Tumayo sya at lumapit sakin.

"Ahm, kamusta na po si Sixto?"

"Ok lang sya, kahit paano may nakikita naman akong pagbabago sa kanya" sabi nya

"Mabuti naman po... Ah sir yung tungkol po duon sa magulang ni Alexis, nahanap nyo na po ba sya?" Tanong ko, napabuga naman sya ng hangin bago sya sumagot.

"Sorry Brix pero, hindi parin namin sila nahahanap. Nung magkaroon ng checkpoint hindi sila natagpuan doon" sabi nya, kaya naman ako naman ang napabuga ng hangin.

Paano na yan? -

Napatingin ako kay Sixto, at nakita kong gumalaw ang daliri nito kaya lumapit ako sa kanya.

"Sixto?" Tawag ko sa kanya

"Brix anong problema?" Kunot noong tanong ni sir.

"Sir nakita kong gumalaw ang daliri nya, magigising na ata sya" sagot ko

"Ganun ba? Sige tatawag lang ako ng doktor, dyan ka muna" sabi nya, tumango lang ako kaya agad syang lumabas ng kwarto.

Tumingin ulit ako kay Sixto, nakita ko ulit na gumalaw ang daliri nya pagtapos ay nag mulat na sya ng mata.

"Sixto? Gising kana, kamusta kana?! Tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin.

"Si-sino ka?" Tanong nya

"Ako si Brix, hindi mo ba ako natatandaan?" Sabi ko, pero umiwas lang sya sakin ng tingin. Mukang wala syang maalala.

"Bilis doc!... Sixto!" Sabi ni sir Kim pagbalik nya, kasama na nya yung mga doctor at agad naman nilang tiningnan ang kalagayan ni Sixto.

Ang Kanyang Pag Babalik!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon