Lumingon naman ako. "Bakit naman ako magagalit?"  at ngumiti ulit ako sa kanya.

"Bakit parang iniiwasan mo ako?"  tanong niya.

"Ha? Hindi naman ah. Imaginations mo lang yun!"

Mangungulit pa sana siya nang biglang tumunog ang phone ko. Saved by the bell! Thank you Kaysha! Hulog ka ng langit!

"Sagutin ko lang 'to."  sabi ko kay Renzo bago ko tuluyang sagutin ang tawag ni Kaysha.

Tuluyan na akong nakababa ng hagdan at hindi na rin naman niya ako sinundan. Nakahinga ako ng maluwag.

"Hello, Kaysha. Bakit napatawag ka?"

"Nasaan ka? Totoo bang walang pasok today?" 

"Yup. Yup. Kanina ko nga lang din nalaman."  sagot ko naman habang papalabas ng bahay.

"Nakakainis. Kung kailan maaga ako sa school."  naiinis na sabi niya. "At alam mo bang walang mga seniors dito sa school? Kakainis. Kung hindi ko pa makakasalubong ang PE teacher natin, hindi ko malalaman na wala tayong klase."

Napahaklak naman ako sa narinig. "Akala mo lang maaga ka kasi wala pang tao sa school pero ang totoo niyan, late ka na. At late ka na ring nakatanggap ng balita. Kahit kailan, slow ka talaga!"

"I hate you!"  pagmamaktol niya.

"Uhmm. May sasabihin ako sa'yo."

"Is this about Renzo? Later mo na lang akong kwentuhan. Punta lang akong mall. Hihi."

"Sabihin mo, makikipagdate ka lang kay Reign."

"Wala eh, sinundo niya ako sa school. Wag kang magseselos ha. Promise, I'll talk to you later!"

Napangiti naman ako. "Sige, pag di ka tumupad sa promise mo, magkakaaway tayo!"

"No! Promise, tutuparin ko ang promise ko. Hahaha! Sige, bye na."

Then she ended the call.

Minsan talaga ay healthy rin sa magkakaibigan ang kaunting pag-aaway. Mas nagiging strong ang samahan niyo at mas responsible na kayo para hindi na ulit masaktan ang isa't isa.

Hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako sa bahay namin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. at sa hindi naman kalayuan ay may nakita akong babaeng hirap na hirap na bitbitin ang mga shopping bags niya.

Nilapitan ko siya, "Tulungan na kita."  ang sabi ko sa kanya at kukunin na sana ang mga shopping bags niya.

"Excuse me?"  pinagtaasan niya ako ng kilay. "I don't need your help!"  at inilayo niya sa akin ang mga shopping bags niya.

Napatitig ako sa kanya. I think I saw her before. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Why are you staring at me? Are you trying to hypnotize me? Is this a modus?"  pagtataray niya sa akin.

"If helping is a crime then never mind. I won't help you  anymore."  at tinalikuran ko na siya.

 Echoserang babaeng yun! Siya na nga 'tong tutulungan eh. Bakit kasi naglalakad siya papasok sa subdivision sana man lang nagpahatid siya sa boyfriend niya or what. Psh!

Nakakita ako ng isang bench at umupo muna doon sandali dahil masyado akong napagod sa paglalakad.

Pinagmamasdan ko ang paligid, maya-maya'y may nakita akong paparating. Si Renzo, dala-dala niya ang bisekletang pamilyar sa akin. Tanga ba ang lalaking ito? Hindi ba niya alam na sinasakyan ang bike?

Bigla akong humarang sa daan at nagulat siya nang makita ako.

"Bike ko ba yan?!" nakapamaywang na tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Nakita ko lang na nakatambak ito sa may garahe nyo."

"Akin nga yan! At hindi ka man lang muna nagpaalam?"

"Pinayagan naman ako ni Lola." napairap ako nang sabihin niya iyon. Feeling niya Lola niya Lola ko? Lakas maka-Lola ah!

"Tsaka wala akong magawa, sabi ko magpapractice lang ako magbike." at saka ngumiti siya sa akin.

"Okay lang ba kung magpaturo ako sa'yo?" kung alam lang niya na hindi ako marunong magbike, iisipin kong inaasar niya lang ako. Hindi ko gusto ang ngiti niyang iyon eh!

"Hihiram-hiram ka, hindi ka pala marunong!"

"Kaya nga nagpapraktis at kaya nga magpapaturo!"

Napahawak ako sa ulo ko.

 

"Sige na, turuan mo na ako. "  

"Ayaw ko. Pagod ako. "    sabi ko, napagod talaga ako. Ang layo kaya ng nilakad ko.

"Dali na!" pangungulit niya sa akin.

"Pagod nga ako. "

"Sige na, sabi ni Lola magaling ka raw eh!"

Yung totoo, sinabi ba talaga yun ni Lola?

"o baka naman niloloko lang ako ni Lola at hindi ka talaga marunong? "

"Ako? Hindi marunong magbike?" preskong sabi ko.

MARUNONG AKONG MAGBIKE NO!

Ang galing ko nga dyan Gumugulong-gulong kaya ako habang nakasakay sa bike. O ha, ako lang ang may kaya nyan. 

UnexpectedWhere stories live. Discover now