Nahila ko kaagad ang kumot at ibinalot ito sa katawan ko.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"  inis na inis sabi ko kay Renzo.

"Hindi ko naman alam na --"

"Kaya nga kumatok ka man lang sana, Kwarto ko 'to, baka nakakalimutan mo!" bago pa siya makapagsalita ay inihagis ko sa mukha niya ang unan. Swak na swak! "Lumabas ka na nga!"

Napailing na lang siya na lumabas ng kwarto at isinara ito. Napaupo ako sa kama at nakahinga ng maluwag!

"You never fail to annoy me, Renzo."  bulong ko sa sarili.

At naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Bakit ba kailangang maalala ko pa yun? >//< Ito ba ang dahilan kung bakit maaga pa lang, mainit na ang dugo ko sa kanya? Haays. Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko? Feeling ko pinaglaruan niya ako, feeling ko pinagtripan niya lang ako.

Hindi ko inisip na darating ang araw na magkakaroon ng first kiss. Pero kahit hindi ko iniisip ang mga ganung bagay, syempre naman gusto ko rin na pag nangyari yun, totoo iyon at hindi basta trip lang.

Tama ba na mahalin ka, Renzo?

"Wag mong pipigilan ang puso mong umibig. Wala namang masama dun e. Mas masama nga yung sinasarado mo ang puso mo para sa iba. Hindi mo binibigyan ng kalayaan ang puso mo na magmahal. "

Nagflashback naman ang mga paalala sa akin ni Lola. Haaays.

Masama ba talaga na pigilan ang puso mo na magmahal? Paano kung gusto mo lang talagang mag-ingat. Mas masama naman yata na pabayaan ko na lang na mahulog ako ng tuluyan sa taong hindi ko alam kung mamahalin rin ako. Mas masama na hahayaan ko na lang ang sarili kong masaktan.

Tama naman ako, di ba?

Pagkalabas ko ng kwarto, nakatayo pa rin si Renzo sa labas at nag-aabang. Nilampasan ko lang siya na parang hindi ko siya nakita.

"Jelynne,"  narinig kong tinawag niya ako. "Yung tungkol kagabi -- "

agad akong humarap sa kanya at ngumiti. "Anong nangyari kagabi?"  pagpapanggap ko. "Wala na akong maalala eh, kalimutan mo na lang din kung ano man yun."  at saka dumaretso sa pagbaba.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit iyon nasabi sa kanya. Siguro, ayaw ko lang na pag-usapin pa naman iyon.'

"Galit ka ba?"  tanong niya habang sinusundan ako sa pagbaba.

UnexpectedOn viuen les histories. Descobreix ara