Chapter 16 ♥ Changes

Start from the beginning
                                    

"Sir, I'm sorry to disturb you but this is just really an urgent matter. We need you in room 214." 

Tumango ako at mabilis na tumayo. Sumunod sa akin si Aiden hanggang sa nakarating kami sa nasabing kwarto. Pagdating namin doon ay naabutan namin na may mga nagbubuhat at nag-aayos ng mga mesa. Nirereconstruct ang buong paligid at pinapalitan ang lahat ng gamit mula sa luma sa bago.

"Anong nangyayari rito?" tanong ko. Wala akong alam tungkol sa bagay na ito. Hindi sila pwedeng gumawa ng kahit isang maliit na desisyon kung wala akong abiso. 

"Itigil nyo yang mga ginagawa nyo" turo ko roon sa mga staff na nag-aayos. "What's happening here? You could not make a decision inside this company without any permission from me! Sino ang may pakana nito? To my office, now!"



Kabadong nagsitinginan ang mga empleyado sa akin. May isang naglakas loob na lumapit para ieksplika sa akin ang nangyayari. 

"Ah k-kasi s-sir si a-ano po--" 

"It's me." lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses at nakita si Pietr na papasok sa loob ng opisina.

"What do you think you're doing? You have no right to do anything without telling me" galit na saad ko. How could he make a decision without giving me any notice? He is not following any rules kahit pa noon na bagong dating sya rito sa loob ng kumapanya bilang bagong vice president. Ginagawa nya lang ang gusto nyang gawin.  

"I don't think so." May ngisi na unti unti gumuhit sa mga labi nya. Itinaas nya ang folder na hawak bago ibinaba sa mesa na katapat ko. "I have every right to do anything in this company just like you. Haven't you heard the news yet?"



Dinampot ko ang folder na ibinaba nya at binasa ang nakasulat dito. Napakuyom ako ng kamay. Kailan pa nangyari ito?

"That can't be true."  Inihagis ko pabalik ang folder nya. 

Dahil magkasosyo sa negosyo ang pamilya namin sa kanila, legally, kaming dalawa ang may-ari nitong kumpanya. Pero matapos ibenta ng ama nya ang twenty percent ng shares nito sa isa pang business partner. thirty percent na lang ang pagmamay-ari nila rito. I own fifty percent of shares in this company kaya sa aming dalawa ako pa rin ang mas nakakalamang. 

But now he owns fifty percent of shares in this company just like me. How could that happen? Matagal na naming pinag-aagawan ni Pietr ang twenty percent share ng kumpanyang ito kay Mr. Andrada. Nagkaroon pa nga kami ng presentation last week kung sino ba ang karapat dapat na humawak ng twenty percent of shares na yun. Mr. Andrada and I already had an agreement that he will give me his shares. Pero bakit kay Pietr napunta ito at hindi sa akin?

"Nope." sagot nya na parang laro lang ang lahat ng bagay na 'to sa kanya. "This document was as legitimate as it could ever be. You saw it yourself." turan nya sa papeles sa loob ng folder nya na may lehitimong pirma ni Mr. Andrada.

"Mr. Andrada gave me his remaining twenty percent of shares. Fifty percent of shares to you and fifty percent to me. Which means," mas lalo pang lumaki ang ngisi nya "I have every right to do anything just exactly like you. And this," humarap sya sa opisina na nirereconstruct "will be my new office. What can you say Mr. Alvarez? Beautiful isn't it?"

Nanggagalaiti kong itinikom ang bibig ko at sa tabi ko ay ang nagkukuyom kong mga kamay. Noong mamatay si papa nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari hindi ko hahayaang mapunta sa mga Ashen ang twenty percent ng shares na yun. Magkasosyo man ay si papa ang mag-isang nag-ahon ng kumpanyang ito noong muntik na 'tong mabankrupt. Samantalang ang papa ni Pietr? Walang ginawa at nilustay lang ang pera ng kumpanya na si papa mismo ang nagtaguyod. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now