Chapter: 48 *Reconciliation*

1.3K 46 6
                                    

That guy is wearing a white t-shirt and printed beach short. Oh Gosh! He is also wearing a shade na nag palabas ng sobrang kagwapuhan niya. Tapos idagdag n'yo pa ang maikli niyang bangs, aakalin n'yo talaga na isa siyang boy band member ng K-Pop. Knowing na halos lahat ng tao dito sa beach ay sa kanya nakatingin.

"Papa, punta po tayo doon kay Mama." Sabi ni Ae sa kanya.

"Wow! Ang gwapo naman niya." Narinig kong papuri nang ibanag kababaehan.

"Oo nga kaso may anak na siya" Sabi pa noong isa.

"Pwede ba baka marinig kayo noong asawa niya." Sabi pa ulit noong isa.

"Ay oo nga. Sayang ang gwapo pa naman but in fairness ang ganda rin ng asawa niya. Para tuloy silang mga model." Sabi naman noong isa pa.

Pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa ulo dahil sa nakita ko.

"SHIN!?!"

At dahil sa lakas ng boses ko ay napatingin sa akin ang lahat ng mga tao na narito. Bakit feeling ko nangyari na ito dati? Naaalala n'yo pa ba kung kailan iyon?

"It's good to hear that you still know me." Sabi pa niya bago maglakad palapit sa akin. "Akala ko talaga nakalimutan mo na ako."

"Ay, hindi pala siya ang asawa." Sabi pa ulit noong isa sa mga babae.

"E, bakit siya tinawag na Mama noong bata?"

"Aba, hindi ko rina alam. Bakit hindi na lang kaya sila ang tanungin mo. Anyway sayang bagay panaman sila." Sagot naman noong isa.

Lalo lamang sumasama ang pakiramadam ko parang gusto ngang sumabog ng ulo ko dahil sa mga nangyayari. Tapos kung ano-ano pa ang maririnig ko na bulungan nila, magchi-chismisan na lang kasi bakit hindi na lang hinaan aba't talaga bang iparinig pa sa amin na parang hindi kami ang pinag-uusapan nila.

"Tito pwede ba kitang maging Papa?" Tanong naman ni Ae kay Shin.

"Of course! Bakit naman hindi?" Pagsang-ayon naman niya sa bata.

Gusto ko na tuloy pag-umpugin ang ulo nitong dalawa sa harapan ko.

"O, Mama pumayag na po si Tito na maging Papa ko. Kaya naman pumayag ka narin po."

"Ah... E, kasi hindi mo naiintindahan Ae. Hindi pwede iyang hinihiling mo kasi..."

"Kasi ano Mama? Hay... Bakit ba ang hirap intindihin ng matatanda? Masyado n'yong pinakukumplikado ang buhay." Sabi pa niya sa amin na akala mo ay isang matandang nangangaral.

"You know what Ae? Wala tayong magagawa kung ayaw ng Mama mo sa akin. I know it's my fault kasi inawan ko siya ng wala manlang binibigay na kahit na isang dahilan.." Sabi pa niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung si Ae pa ba ang kinakausap niya o ako na.

"E, bakit mo po ba kasi siya iniwan?" Tanong naman ni Ae.

"Because I love her so much. To the point that I'm willing to give up everything just to make her happy. Just to make her mine... For the rest of my life." Sabi pa niya habang nakatitig parin sa akin.

Hindi ko na namalayang nag uunahan na sa pagpatak ng mga luha ko. Naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay siya parin ang itinitibok ng puso ko.

"L---love? S--sige nga i-defined mo nga saakin ang meaning ng word na love para sayo. Sa--sabihin mo nga, Love ba ang tawag sa pag gi-give up sa isang relasyon? Love ba ang tawag mo sa pang-iiwan mo sa akin? Ikaw na nangakong laging nasa tabi ko at sabay nating lalabanan ang mga pagsubok pero ang totoo pala ikaw pa mismo ang unang mang-iiwan at unang susuko. NOW TELL ME! Is that the meaning of love for you?" Nauutal habang lumuluhang tanong ko sa kanya. 

Ako+Si Crush=One Sided LoveWhere stories live. Discover now