Chapter: 9 *In the middle of the forest*

1.3K 53 2
                                    

"Maligayang pagbabalik po young master." Bungad sa amin ng mga nakapilang maid pagpasok namin sa pintuan ng bahay pero halatang nagulat din sila ng makitang buhat buhat niya ako.

Teka ano daw? Young Master?

"Dalhan ninyo kami ng dalawang tasa ng kape, extra towel at isang ice bag. Isunod ninyo na lang sa kwarto ko." Utos niya sa mga katulong.

Wow! Ang galing naman niya kung makautos ni wala man lang please.

"Masusunod po young master." ---> Mga maids.

Pumasok kami sa loob ng isang napakalaking kwarto. In fairness ang bango ng kwarto niya.

"Teka, ano ba ang ginagawa natin dito? Saka bakit young master ang tawag sa'yo ng mga katulong sa ibaba? Kayo ba ang may-ari ng bahay na ito?" Curious na tanong ko.

"Pwede bang huwag ka nang maraming tanong? Nakakarindi ka na!" He shout.

Okay, habit na ba niya ang sigawan ako? Huhuhu... Kawawa naman ako.

Sasagot pa sana ako nang may biglang kumatok sa pinto.

"Young master, ito na po ang pinadadala ninyo." ---> Mga maid.

"Pasok." Maikling tugon niya.

Hmmp! Pasalamat siya gwapo siya. Tatlong babae ang pumasok tapos ipinatong nila sa may side table ang mga dala nila.

"Sige pwede na kayong lumabas." Utos ulit nitong kasama ko. 

Grabe ganito ba talaga siya makipag usap? Akala ninyo hari kung makaasta.

"Uy! Teka anong gagawin mo sa akin?!" Naeeskandalong tanong ko.

"Shhh... Pwede ba Shi manahimik ka na lang? Baka may makarinig pa sa'tin doon sa ibaba." Saway niya sa akin.

Teka ano ba ang gagawin niya sa akin grabe I'm really scared.

"Shi? Tinawag mo ba akong Shi? Hindi naman Shi ang pangalan ko, Michia. Michia ang pangalan ko. Mi-chia." ---> Ako.

"Nasa teritoryo kita kaya I will call you Shi as long as I want." ---> Siya.

"Wait, Shin! Sinabi nang masakit e!" Sigaw ko ulit.

Huhuhu... Ang sakit ng paa ko. Alam na nga niyang namamaga ito tapos diniinan pa niya ang pag patong noong yelo.

"Shin?" Kunot noong tanong niya.

Hahaha... Ang ganda nang na isip kong pangalan 'no?

"Oo, Shin. Short for Shinju." ---> Ako.

"At saan mo naman nakuha ang pangalan ko?" ---> Siya.

"Nabasa ko doon sa I.D. mong nahulog kanina." ---> Ako.

Teka nasaan na nga pala iyong I.D. niya? Kinapa ko iyong bulsa ko baka kasi nasa loob kaso wala naman baka naman naiwan ko sa hotel.

"I.D.? Na saiyo ang I.D. ko? Sinasabi ko na nga ba at may masama kang motibo sa akin!" ---> Siya.

Oo para makuha ko ang pangalan mo. Ay hindi pala!

"Pwede bang huwag mo akong pinag bibintangan. Hindi ko naman siya kinuha sa'yo. Nahulog siya sa bulsa mo kanina." ---> Ako.

Aba, aba sa buong buhay ko ngayon lang ako na pag bintangan ng masama.

"Nasaan ang I.D. ko? Ibalik mo na sa akin." ---> Siya.

Ah, eh saan ko nga ba nilagay? Naku lagot ako nito hindi ko rin maalala kung nasaan na.

Ako+Si Crush=One Sided LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora