Chapter: 25 *English Fest*

1K 39 3
                                    

Sa wakas pagkatapos ng dalawang linggong paghahanda ay magsisismula na rin ang English Festival namin. Nakausap ko si Ken noong isang araw at sinabi niya sa aking may balak din siyang mag-confess mamaya kay Megumi. Natutuwa ako para sa dalawa kong kaibigan dahil sa wakas ay mag kakatuluyan na rin sila. Inamin na sa'kin ni Ken na unti-unti nang nawawala ang feelings niya sa'kin at napatunayan na niyang may nililihim rin pala siyang pagtingin kay Megumi kaya bago pa man daw tumakbo palayo si Megumi sa kanya ay siya na daw mismo ang hahatak dito palapit. Natawa pa nga ako sa sinabi niya kasi parang bigla ata siyang naging madrama. Saan kay niya nakuha yung mga lines niya?

*flashback* 

Pagkagaling namin ni Trey sa Coffe Shop ay agad din naman kaming bumalik sa school. Marami pa kasi kaming dapat asikasuhin para sa darating na English Festival lalo na at pareho pa kaming club officer.

"Sige Michia mauna na ako sa'yo hahanapin ko lang muna sandal si Ashley." Paalam sa'kin ni Trey pagkatapos niya akong ibaba sa tapat ng school namin. Mag pa-park pa daw kasi siya ng kotse niya.

"Sige good luck na lang sa pag hahanap mo."

Haaay, ano kaya ang nakita nang Trey na iyon kay Ashley? E, ang arte-arte at saksakan nga ng pagkamaldita ng babaeng iyon.

"Mich!" Tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses.

"O, Ken ikaw pala."

"Ummm. I just want to ask if I can talk to you."

"Oo naman, bakit hindi? Ikaw talaga parang hindi tayo magbestfriend niyan e."

"Pwede bang 'wag tayo dito mag-usap? Gusto ko sana sa mas tahimik na lugar."

Parang kinikilabutan naman ako kay Ken. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito kaseryoso.

Naglakad kami ni Ken hanggang sa garden ng campus namin.

"Ano ba ang pag-uusapan natin." Hindi na ako makatiis na magtanong. Nakakakilabot kasi si Ken e.

"You already know my feelings about you right?"

Okay, here we go again...

"Ken, how many times do you want me to reject? I alredy told you that I treat you as a brother and no more than that!"

Mahal ko si Ken bilang kapatid kaya ayaw ko lang siyang masaktan kaya mas mabuting diretsahin ko na siya kaysa paasahin ko lang siya sa wala.

"And who told you na mag co-confess na naman ulit ako sa'yo ng feelings?"

"Huh? What do you mean?"

"Okay I admit I like you. I like you more than friends. But..."

"But?"

"That was before."

"Huh?"

Nalilito pa rin ako sa kanya. Kung makikita ninyo lang ang pagkunot ng noo ko siguradong natalo ko pa ang isang lola na maraming wrinkles.

"Mich parang unti-unti nang na wawala ang feelings ko sa'yo. And I think I started to like Meg no I mean I a;ready love her."

Wait, did I heard it right? He loves Megumi?

"Is that true? *smile*"

"Huh? Oo. Pero pwede bang huwag mo munang sabihin sa kanya?" Nahihiyang pakiusap niya.

Uy! Ang bestfriend ko binata na!

"Pero kailan mo naman balak sabihin?"

"Gusto ko ako mismo ang personal na magsabi sa kanya noon. I want to confess on the night of English ball."

"Wow ang galing naman! Parehas pa pala tayo."

"You mean?"

"Yup! Balak ko ring sabihin sa kanya ang totoo."

"Sigurado ka na ba diyan?"

"Oo naman pero matanong ko lang ano nga pala ang nakain mo at sa wakas ay natauhan ka rin?"

"May isang tao kasing nagsabi sa'kin na hindi lahat ng taong tumakbo na palayo ay tumatakbo pa ulit pa balik kaya bago pa man siya tumakbo ulit palayo ay sisiguraduhin kong ako na mismo ang hahatak sa kanya pabalik sa'kin."

Sino kaya yung taong tinutukoy ni Ken? Kung sino man ang nakakakilala sa kanya sabihin ninyo sa kanya na nagpapasalamat ako kasi sa wakas natauhan din ang torpeng bestfriend kong si Ken. 

*end of flashback*

Naandito kami ngayon sa auditorium building namin para mapanood ang mini movie na inihanda ng Theater's club.

"Hi Mich!" Bati sa'kin ni Trey.

Nitong mga nag daang araw ay lagi kaming magkasama ni Trey lalo at nagkaroon pa kami ng pustahan na kung sino man ang ma re-reject sa aming dalawa mamaya ay makakatangap ng kaparusahan kung ano mang kaparusahan yun bahala na kami tutal bituan lang naman yun e.

"O, ikaw pala. Nakita mo na ba ang hinahanap mo?"

"Hindi pa nga e."

"Oh, kawawa ka naman." Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Pwede ba 'wag ka nalang mag-ingay? Kung ako sa'yo iintindihin ko na lang ang bawat detalye ng palabas."

"Ang sabihin mo pikon ka lang talaga."

"Shhh..." Saway sa'kin noong babaeng katabi namin ni Trey.

Napahiya naman ako kaya tumahimik na lang ako habang nanonood.

Hindi ko alam na si Megumi at Shinju pala ang bida sa movie na ito wala na kasi akong naging balita sa ginagawa ng mga taga Theaters Club pagkatapos kong ipasa iyong script na ginawa ko.

"Now Mich, listen very well." Bulong sa'kin ni Trey noong nandoon na kami sa kalagitnaan ng palabas.

Sinunod ko naman siya kaya nag-concentrate na ako sa panood.

"Bakit ganon? Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang gusto niya? Ano ba ang meron sa kanya na wala sa'kin? Bakit siya na lang parati ang pinipili niya?" Naiiyak na sabi ni Megumi kay Shinju.

"Stop crying, don't worry I'm here for you kung ayaw niya sa'yo then akin ka na lang." Hinampas pa ni Megumi yung si Shinju sa braso.

"Anong akin ka na lang? Hindi ba kanta iyon? Sira ka talaga." Natatawang tanong ni Meg kay Shinju.

"Pero napatawa naman kita." Natatawa ring sagot ni Shin kay Meg.

"Thanks, thanks for being there for me." Malambing na sabi ni Meg.

"I'm always here for you as long as you need someone to lean on." Sabi naman ni Shinju.

"Thank you so much." Tapos biglang niyakap ni Meg si Shinju.

"I love you Shinju." Sabi pa ni Meg.

"I love you too." Sagot naman ni Shinju.

Hindi ako maaring magkamali! Iyon mismo ang eksaktong eksenang nakita ko sa may field last week.

"O ngayon Mich, anong feeling nang nagmukhang tanga sa kakaiyak doon sa rooftop?" Nang-aasar pang tanong sa'kin ni Trey.

Bakit hindi ko baa gad na pansing ako pala mismo ang nag-isip at gumawa ng lines na iyon kaya pala parang may sho-shooting sa dami ng tao noong araw na iyon. In fairness ang galing pala talagang umarte ni Shinju at Megumi dahil talagang napaniwala nila akong dalawa.

Ako+Si Crush=One Sided LoveWhere stories live. Discover now