Chapter: 28 *A year later*

1.1K 42 4
                                    

Megumi's POV 

"Ken sa tingin mo kailan kaya babalik si Michia?" Tanong ko kay Ken.

Boyfriend ko na nga pala si Ken simula pa noong gabi ng English ball namin last year. Tuwang-tuwa talaga ako noong magtapat si Ken sa akin hindi ko kasi akalaing may mabuti palang maidudulot ang kasunduan nila ni Michia. Ang totoo kasi narinig ko ng hindi sinasadya ang kasunduan nina Ken at Michia.

Narinig ko na handang gawin ni Ken ang lahat kahit na ang pakikipag lapit pa sa akin. Noong una siyempre nasaktan ako pero ngayon natutuwa na ako kasi naging way iyon para ma-develop sa akin si Ken.

*flashback* 

Ano kaya ang meron doon sa dulo ng canteen at parang may pinagkakaguluhan sila? Dahil na curios ako naglakad ako papaunta doon sa tumpukan ng mga tao pero mukhang tama ata ang kasabihang curiosity can kill the mouse kasi hindi ko akalaing makikita ko pala si Ken habang yakap-yakap si Michia.

"MINSAN KO LANG ITO SASABIHIN SA INYO KAYA DAPAT MAKINIG KAYONG MABUTI!" Sigaw ni Ken doon sa mga babae na mukhang nagpaiyak kay Mich.

Ngayon ko lang nakita si Ken na ganoon kagalit. Hindi kasi si Ken 'yung tipong madaling uminit an gang ulo.

"NEXT TIME YOU DO THAT AGAIN TO MY GIRL, I SWEAR AKO ANG MAKAKALABAN NINYO! HINDI AKO NA NANAKIT NG BABAE KAYA HUWAG NINYO AKONG PILITIN!" Those words of Ken hits me.

Hindi siya monster pero handa siyang maging monster sa mga taong gustong manakit kay Michia para lang maprotektahan lang niya si Mich. I can't help myself but to feel jealous over Mich.

Ako kaya kailan kaya ako ipag-tatanggol ni Ken tulad ng pagtatanggol niya kay Mich?

Dahil nga sa tumakbo sila Michia at Ken palayo ay nahirapan akong sundan sila. Nahirapan kasi akong makaraan sa siksikan ng mga estudyanteng naki-chismis sa kaguluhan ditto sa canteen. Mabuti na lamang at nakasalubong ko si Trey at sinabi niya sa aking nakita niya sina Michia at Ken doon sa may garden. Agad naman ako nagtungo sa garden ng campus naming, kahit naman nagse-selos ako kay Michia hindi ko pa rin siya pwedeng tiisin after all she is still my bestfriend saka alam kong umiiyak siya kaya kailangang nasa tabi din niya ako.

"Mich, tumawag nga pala si T-J sa'kin. Nangungulit at itinatanong niya ang number mo. Gusto ka daw niyang makausap." Narinig kong sabi ni Ken noong palapit na ako.

"Sorry kung nabigla kita kahit kasi si Meg ay kinukulit na rin ni Aie. Pero naiintindihan namin kung ayaw mo pa silang makausap." Dag-dag pa ni Ken.

Well, totoo nga ang sinabing iyon ni Ken. Talagang lagi kaming kinukulit nina T-J at Aie. Sabi kasi nila gusto daw nilang magpaliwang kay Michia. Masyado kasing nasaktan ang kaibigan ko sa ginawa nila Aie at T-J kaya hindi pa niya kayang makipag-usap sa dalawa.

"Huwag kayong mag-alala sa'kin. Napatawad ko na naman sila kaya nga ako lumipat dito kasi may bago na akong gusto di ba?" Said Mich before she gave a fake smile.

Alam kong peke lang ang ngiting iyon dahil kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya kalungkot kahit naman ako ay nalulungkot sa nangyari kay Michia at T-J. Nasubay-bayan ko rin kasi kung paano naging sila.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin pero parang nagbago na ang isip kong lumapit sa kanilang dalawa. Mas pinili ko na lamang na magtago sa isa sa mga halaman dito.

"MICH STOP THIS! Kung rebound lang naman ang gusto mo hindi mo na kailangan pang magpakatanga sa kahahabol sa isang taong ayaw naman sa'yo! Kasi nandito lang naman ako and I'm willing to be your rebound as long as you want!" Said Ken.

Ito nanaman ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko kung paanong pinag pipilitan ni Ken ang sarili niya kay Michia. Minsan nga gusto ko ng sampalin si Ken para naman matauhan siya na hindi lang si Michia ang babae sa mundo na marami pang babae na mas deserving sa pag mamahal niya pero alam ko na kahit gawin ko pa iyon wala rin namang kwenta hindi rin naman siya makikinig sa'kin. I felt my tears that slowly dropping on my cheeks.

Ako+Si Crush=One Sided LoveWhere stories live. Discover now