Chapter: 10 *Under the rain*

1.2K 54 1
                                    

"Huhuhu... Akala mo kung sinong gwapo!" Umiiyak na talaga ako dahil sa sama ng loob.

"Bakit gwapo naman talaga."

"Oo nga no? Pero kahit na napaka-ungentleman naman."

"Bakit pinaalis ka ba niya?"

"Hindi pero ganoon na rin iyon."

"Tssk... Bakit ba ang bilis mong mang husga?"

"Hindi naman. Sayang gwapo pa naman siya kaso saksakan naman ng pagkaantipatiko, suplado at sobrang yabang akala ko pa naman siya na ang dream guy ko. Huhuhu... I HATE YOU SHINJU ASAGI! IKAW NA ANG PINAKAANTIPATIKO AT UNGENTLEMAN NA NAKILALA KO!"

"AT IKAW NAMAN ANG PINAKANAKAKRINDI AT NAKAKAINIS NA BABAENG NAKILALA KO!"

Teka, nasisiraan na ba ako nang bait? Bakit parang kanina pang may susumasagot sa mga sinasabi ko? Sabihin ninyo nga sa akin totoo ba iyon o baka naman may multo na talaga?

I hold my breath and slowly turn my head para malaman ko kung tao ba o aswang ang kumakausap sa akin.

"AHHHHHH!!!" Malakas na sigaw ko.

"Alam mo bang para kang baliw? Kanina ka pa nagsasalitang mag-isa. Mabuti na lang pala at pinilit ako ni Liza na sundan ka dahil kung hindi sigurado akong loka-loka ka na bago ka pa makabalik sa hotel."

"Shin!" Natutuwang sabi ko.

Gosh! Akala ko talaga may aswang na akong kasama pero kahit na aswang pa ito handa akong mag pakagat para parehas na kaming immortal tapos we will live happily ever after. O 'di ba, parang sina Edward at Bella lang ng Twigh light? Sila vampire kami naman aswang.

Sabi ko na nga ba't hindi rin niya ako matitiis kaya pala pakiramdam ko hindi ako ganoong nababasa kahit na ramdam na ramdam ko ang malakas na ampiyas ng ulan dahil kanina pa pala niya akong pinapayungan. Sabihin ninyo, ganoon na ba ako katagal na nawawala sa sarili para hindi ko mamalayang sinundan pala niya ako?

"Pwede bang huwag kang sumigaw? Nakakarindi ka kasi." ---> Shin.

At dahil masunurin akong bata hindi na lang ako nagsalita tutal I'm still enjoying to stared at his handsome face. Bakit ba kahit galit siya ang gwapo pa rin niya?

"O ano? Magtititigan na lang ba tayo dito mag damag? Maawa ka naman baka matunaw ako niyan" He said and then laugh.

Buong-buo ang tawa niya at ramdam na ramdam ko kung gaano siya kasaya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman napahawak ako sa did-dib ko.

Why I'm feeling like this? What's happening to my heart beats? Hindi kaya may sakit na ako sa puso? Naku! huwag naman po sana bata pa ako 'no. Pero bakit ganoon natural lang ba na lumabas ang symptoms ng heart disease kapag nakarinig ka nang isang taong tumatawa? Haaay... Nababaliw na ata talaga ako at sigurado akong kasalan iyon ng lalakeng ito. He is still a stranger to me but yet I felt secure whenever I'm with him.

"Hoy Shi! Talaga bang magtititigan na lang tayo dito mag damag?" ---> Shin.

"Teka ano ba ang ginagawa mo dito?" Kunyari galit ako after all siya naman ang may kasalanan kung bakit ako basang-basa ngayon ng ulan. "Bakit mo ba ako sinundan? Siguro stalker kita 'no?" I ask while smiling.

Aba libre lang naman ang mangarap 'di ba, so bakit hindi ko pa lubos-lubusin?

Bigla na lang kumunot ang noo niya at bigla ring sumimagot. Hahaha... Masyado kasi akong assuming e. Pero bakit kahit nakakunot ang noo niya napakagwapo pa rin niya?

Ano ba itong nangyayari sa akin? Feeling ko bigla akong na-obsess sa lalaking ito pero alam kong mali ito at hindi pwede. Saka kabre-break lang namin ng boyfriend ko and speaking of my cheater boyfriend, I don't want to talk about him muna.

"Feeling ka naman? Kung ikaw lang din ang i-stalk ko huwag na lang." Sabi niya bago umiwas ng tingin.

"Aba't!" ---> Ako.

Sinabi na kasing huwag ng umasa eh! Ayan tuloy napahiya pa ako. T_T

Bigla na lang kumulog ng malakas at kasunod noon ay ang kidlat kaya naman napayakap agad ako sa kanya.

Hoy, huwag ninyo akong pag-isipan ng masama okay? Malaki lang kasi talaga ang takot ko sa kulog at kidlat.

"Tapos ng kumulog at kumidlat baka naman pwede mo na akong pakawalan. Look, basang-basa ka tapos yayakap ka sa akin. E di nabasa narin ako." Reklamo niya habang dahan-dahan akong tinutulak.

Nakakabadtrip talaga ang ugali nang lalakeng ito. Nakita na nga niyang takot na takot ako tapos siya pa itong may ganang magalit.

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagsimula nang maglakad palayo kahit iika-ika. Remember, I still have a sprain right?

"Hoy! Saan ka pupunta?" ---> Shin.

"You don't care!" Sagot ko bago umirap.

Siraulong Shinju iyon akala ko pa naman concerned talaga siya sa akin hindi pala!

"NASISIRAAN KA NA BA?! GUSTO MO BA TALAGANG MAGPAKAMATAY?! ANG LAKAS-LAKAS NANG ULAN PERO SUMUSUGOD KA!" He shout before he grabbed my hand.

Grabe dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Feeling ko tumigil bigla sa pag-ikot ang mundo at tanging tibok lang ng puso ko ang narirnig ko.

"P--pwede ba?! Let me go! Nasasaktan na ako!" Sabi ko noong makabalik na ako sa diwa ko saka talagang nasasaktan na ako dahil sa sobrang higpit ng pagkahawak niya sa kamay ko.

"No! Unless you come with me." ---> Shin.

"What?!" Huli na noong nakapag-react ako dahil nabuhat na niya ako nang patiwarik.

"Wait, Shin! Saan ba tayo pupunta? Hoy! Pwede bang ibaba mo na ako?!" Nagwawalang sigaw ko.

"Can't you shut up? Nakakarindi ka na alam mo ba iyon? Masisra ang ear drums ko sa iyo ng wala sa oras."

Dahil sa pagbuhat niya sa'kin ay nabitawan na niya ang dala-dalang payong kaya naman pareho na kaming basing-basa sa ulan. Naawa na rin ako sa kanya kasi nabasa siya ng dahil sa akin kaya tumahimik na lang ako.

Ako+Si Crush=One Sided LoveWhere stories live. Discover now